CHAPTER SEVEN
NANLAKI ang mga mata ni Stella nang dumapo sa labi niya ang labi ni Drew. Pero agad din siyang napapikit dahil in fairness, magaling humalik ang lalake! At para siyang may automatic button, dahil kusa siyang tumugon!
“Ngayon mo sabihin sa akin na wala kang nararamdaman sa akin,” narinig niyang pahayag ni Drew pagkatapos ng halik.
It took her ten seconds para mabawi ang composure. “It was just a kiss,” buong yabang niyang sagot. Ano pa ba ang dapat niyang gawin para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman?
Gusto niyang sumbatan ang lalake. Ang sabi nito ay magdi-dinner lang sila sa Mall of Asia pero pagkatapos nilang kumain ay niyaya siya nitong maglakad-lakad sa may CCP Complex. Hindi naman siya tumanggi dahil ilang araw din silang hindi nagkita at akala niya ay natanggap na ng lalake ang gusto niyang arrangement- na friends lang sila. Pero may iba pala itong balak! Hinalikan na lang siyang bigla at ngayon ay pilit na pinapaamin sa tunay niyang nararamdaman!
“Look, Stella, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa tayo. It’s either you take me as your boyfriend or we end this here, right now. Sabi ko naman sayo, ayoko ng kaibigan lang. I want a real relationship.”
“Bakit ba ang hirap mong umintindi? Sinabi ko na sayo ang dahilan, di ba?”
“And it’s unacceptable!”
“Sayo siguro, unacceptable. Pero sa amin ay totoo yun. Ayokong mapahamak ka dahil sa akin.”
“Hindi ako mapapahamak, trust me. Kalimutan mo na ang sumpa, please?”
Hirap na hirap ang kalooban ng dalaga dahil gusto naman talaga niya si Drew pero bumabalik talaga sa kanya ang sinabi ng lola niya- na isinumpa ang kanilang angkan. Kung totoong mahal niya ang lalake, hindi niya ito hahayaang mamatay na lamang.
“Drew…. sinabi ko naman sa’yo…”
“At sinasabi ko rin sayo ngayon- once you decide to stick to that crazy idea na hindi ka puwedeng makipag-boyfriend or mag-asawa dahil sa sumpa, I’m sorry. Pero hindi na rin kita pipilitin. Lalayo na ako at hindi mo na ako makikita.
“Tinatakot mo ako?”
“Natatakot ka ba?”
Shit. Gusto niyang sapakin ang lalake! Magaling ito sa psychological war! Natural, military e. Sanay sa interrogation!
“Bakit hindi ka makasagot?” Hinawakan ni Drew ang magkabilang pisngi niya. Nakita marahil nitong nahihirapan din siyang magdesisyon. “I’m sorry, hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. Mahal kita, Stella. Sana lang maintindihan mo yun.”
Sa narinig ay hindi tuloy niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. “M-mahal din naman kita. Pero natatakot ako.”
“Shhhh…..” Niyakap siya ni Drew. “Huwag kang matakot, hindi kita pababayaan. At hindi ako mawawala sa’yo. Promise.”
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: DREW
ChickLitThe Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil mahirap daw karibal ang bayan. Pero anong magagawa niya? Mas importante ang sinumpaan niya. Magkaka-lovelife pa ba siya? *** follow me on...