CHAPTER SIXTEEN
HINDI mapakali si Stella. May kakaiba siyang nararamdaman pero hindi niya matukoy kung ano yun. Mas nakadagdag sa agam-agam niya ang hindi pagtawag sa kanya ni Drew kaninang umaga. Hindi na nga sila nagkita kagabi, tapos wala pa rin siyang naririnig mula sa lalake. Ni hindi ito nagtetext sa kanya.
Ano na naman kaya ang nangyari? Ayaw naman niyang mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa nobyo. Baka may misyon na naman. Hindi man nag-e-elaborate sa kanya si Drew tungkol sa mga ginagawa nito sa trabaho, alam niyang hindi nawawala ang panganib sa buhay nito.
“Hindi na naman ma-drawing ang itsura mo,” puna ni Mavi. “Sinong kalaban mo?”
“Wala. Naiinis lang ako dahil di pa rin tumatawag si Drew. Ni text, wala. Kagabi pa ang huling tawag niya e.”
“Baka may importanteng pinuntahan.”
“Kahit na. Gumagawa yun ng paraan para makapag-text man lang.”
“Sus, hayaan mo na paminsan-minsan ang tao. Ilang oras pa lang naman na hindi kumukontak.”
Hindi na siya kumibo sa sinabi ni Mavi pero mabigat pa rin ang loob niya.
“Ang mabuti pa, sumama ka sa akin. May event ang isa sa mga client ng kumpanya namin sa Crowne Plaza.”
“Anong klaseng event? Baka naman ma-bored lang ako dun.” Iniisip kasi ng dalaga na pumunta sa Malacanang Park, pero nag-aalangan din siya.
“Sandali lang tayo. Sisilip lang tayo kasi nga gusto ng mga big boss namin na sumuporta kami sa event. Para siyang bridal festival pero ang involved e mga bangko at financial institutions. E di ba ang malalaking kliyente namin e mga bangko?”
“Sige. Pero manood tayo ng sine pagkatapos.”
“Game ako diyan!” Tumakbo na si Mavi sa taas para magprepare.
Nanatili ang dalaga sa sala habang nakatingin sa cellphone niyang di man lang tumutunog. Matapos maligo si Mavi ay siya na ang sumunod. Iwinaglit na muna niya sa isip ang nobyo para hindi ma-stress ng todo.
Dahil hindi naman siya kasali sa event na sinasabi ni Mavi at ang talagang pakay niya ay manood ng sine, faded jeans at gray tshirt lang ang pinili ni Stella na isuot ng araw na iyun. Isa iyun sa mga paborito niya dahil may nakalagay na HOLLYWOOD in red letters sa kaliwang bahagi ng tshirt. Imbes na magsandals ay nag-rubber shoes lang din siya at nagdala na rin ng navy blue na hooded jacket.
“Hindi ka naman handang manood ng sine, no?” biro sa kanya ni Mavi habang nag-aabang ng taxi. Mayamaya pa ay nakasakay na rin sila.
Pagdating sa Crowne Plaza ay agad na pumasok ang kanyang housemate sa malaking function room samantalang mas pinili ng dalaga na umupo na lamang sa isa sa mga sofa na malapit sa escalator. Tiningnan niya ang cellphone- wala pa ring message mula kay Drew. Sa loob-loob ng dalaga ay matatalakan na talaga niya ang nobyo!
![](https://img.wattpad.com/cover/28783900-288-k286718.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: DREW
ChickLitThe Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil mahirap daw karibal ang bayan. Pero anong magagawa niya? Mas importante ang sinumpaan niya. Magkaka-lovelife pa ba siya? *** follow me on...