CHAPTER NINE

8.9K 242 6
                                        

CHAPTER NINE

“HINDI pa naman tayo sigurado. Wala pang pangalang iniri-release sa media,” wika ni Mavi.

“Pero kinakabahan ako. Hindi ko pa rin siya makontak.” Namamaga na ang mga mata ni Stella sa kaiiyak. Tapos na ang TV Patrol pero hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso niya. “Ngayon lang nangyari na naka-off ang cellphone niya.”

“Hindi mo ba alam ang number ng mga kasama niya?” Umiling siya.

Hindi naman kasi siya ganun ka-close sa mga kasama ni Drew sa PSG. Dalawang beses lang siyang nadala ng lalake sa loob ng Malacanang Park. Siya ang laging dinadalaw nito sa apartment dahil malapit lang naman. Madalas din silang lumalabas.

“Tumawag na kaya tayo sa ABS-CBN? Baka sakaling meron silang update,” suhestiyon ni Mavi. Naisip na rin niya iyun pero alam niyang hindi ibibigay sa kanya ang impormasyon, lalo pa’t taga-Malacanang ang involved.

“Iniisip ko ngang pumunta sa Malacanang Park. Magtatanong ako doon. Baka andun ang mga kasama niya.”

“Sige. Samahan na kita. Hindi na ako papasok. Sabihin kong may emergency.” Tumayo na si Mavi at nagsabing kukuha lang ng wallet.

Ni hindi na sila nagbihis. Pareho silang naka-shorts, pumara sila ng taxi at nagpahatid sa Malacanang Park. Sa gate palang ay hinarang na sila ng guwardiya ng sundalo kahit handa silang magbigay ng ID.

“Alas-diyes pa naman ang curfew di ba? Pupuntahan ko lang si Lt. Buenavista. Importante kasi.”

“Sorry ma’am, red alert kasi kami ngayon. Kanina pa bawal magpapasok ng bisita, unless may kasamang taga-loob.”

“Itatanong lang kasi namin sir yung tungkol sa helicopter crash, baka may alam ho kayo kung sino ang mga nakasakay doon,” hindi nakatiis na sabad ni Mavi. “Baka kasi kakilala namin.”

“Naku ma’am, wala ho kaming alam, pasensya na.” Napakamot ng ulo ang sundalo. “Saka kahit ho may alam kami, bawal pa rin hong sabihin. Hindi ho kasi namin trabaho ho.”

“Baka naman puwedeng matawagan ang quarters ni Lt. Buenavista? Please lang, importante kasi.” Mangiyak-ngiyak na ang dalaga.

“Mapapagalitan ho talaga kami ma’am. Sorry po, red alert nga ho kasi kami. Bumalik na lang ho kayo bukas, or sa makalawa.”

“Kanino ho kami puwedeng magtanong or humingi ng update tungkol sa crash?” Ayaw pa ring sumuko ni Mavi. “Importante ho talaga sir, maawa na kayo.”

“Sorry po talaga ma’am. Baka puwede kayong magtanong sa Malacanang Press Corps, pero sa kabila ho yun. Sa mismong gate ng Malacanang Palace ang daan papunta roon. Hindi rin ho kayo makakapasok kasi nga, red alert. Mas mahigpit ho doon.”

Sa narinig ay tuluyan nang tumulo ang luha ng dalaga. Mabilis naman siyang hinila ni Mavi sa isang tabi. Nakita pa niyang sumenyas ang sundalo na sumakay nalang sila ng taxi.

“Mahigpit talaga e,” ani Mavi. “Subukan mo kaya uli ang cellphone niya?”

“Naka-off nga o. Ikaw ang mag-dial.” Inabot niya ang cellphone sa babae kahit walang tigil ang pagtagas ng luha niya. “Diyos ko, anong gagawin ko.”

“Oo nga, naka-off pa rin.” Napamura na si Mavi out of frustration. “Kukuha lang ako ng taxi at umuwi na muna tayo. Nakakahiya namang nandito tayo sa labas ng gate. Masama na ang tingin sa atin ng mga nagbabantay.”

Hindi na siya nagprotesta nang parahin ng babae ang unang taxi na dumaan. Nagpahatid sila sa Bacood, Sta. Mesa. Pagdating nila sa apartment ay agad na nagtungo ang dalaga sa maliit na altar sa may sala at nagsindi ng kandila. Kinuha niya ang solo picture ni Drew na nasa loob ng wallet. Naka-uniform ng Philippine Air Force ang lalake at nakangiti ito. May flag sa background nito. Lalong naiyak ang dalaga.

“Hindi ko yata kakayanin kapag nawala siya,” sabi niya sa kasama na nakatingin lang sa kanya. “Ngayon pa lang ay nadudurog na ang puso ko, Mavi.”

“Wala pa naman tayong balita. Baka naman hindi siya kasama dun.”

“Pilot siya. PSG. Ang sabi sa news, may mga opisyal ng Malacanang na namatay sa crash, kasama ang dalawang piloto at dalawang PSG. Buong araw na akong walang balita sa kanya, Mavi. Ano ang gusto mong isipin ko?”

Hindi nakasagot ang babae sa tanong niya. Tumalikod ito at nagtungo sa kusina. Pagbalik sa kanya ay may hawak na itong isang basong tubig.

“Inumin mo muna at baka madehydrate ka na. Kanina ka pa umiiyak.” Umupo ito sa tabi niya. “Wala tayong magagawa sa ngayon kundi ang magdasal at umasa na safe si Drew.”

Kinuha ng dalaga ang tubig at ininom. Hindi na siya umakyat sa kuwarto niya. Nanatili siya sa sofa at hinayaang bukas ang TV, hoping na may masagap na balita. Pero hanggang sa mapagod at makatulog ay wala siyang narinig na iba pang update tungkol sa helicopter crash.

KAHIT pagod dahil walang tulog at mahigit anim na oras na bumiyahe mula Baguio hanggang Maynila ay mas pinili pa rin ni Drew na puntahan si Stella dahil tiyak na galit ang babae sa kanya. Hindi kasi siya nakasipot sa monthsary nila, samantalang pinag-usapan pa naman nila iyun. Alam niyang nag-e-expect ang ang nobya na darating siya pero dahil sa tungkulin ay hindi siya nakapunta.

Nasa Pampanga kasi sila noong nakaraang araw at dapat sana ay babalik na siya ng Maynila pero pinadiretso sila ng PSG Commander nila sa Baguio dahil nagkaroon ng emergency. Sa sobrang pagmamadali ng binata ay nawala ang cellphone niya- sa Baguio na niya iyun natuklasan. Radyo ang ipinagamit sa kanya habang naroroon sila. Kahit may mga cellphone ang mga kasama ay hindi na niya nagawang tawagan or itext man lang si Stella dahil hindi niya memorize ang number ng babae. Saka naging very busy sila dahil bumagsak ang Bell 412 Presidential Helicopter sa Ifugao na may mga sakay na opisyal ng Malacanang, PSG officers pati ang dalawang piloto nito. Nagkaroon ng search and rescue mission at isa siya sa mga tumulong.

Hanggang kaninang umaga ay patuloy pa rin ang follow-up mission nila para sa retrieval ng mga nasawi. Bandang tanghali na nang sabihin sa kanilang puwede na silang bumalik ng Maynila kaya agad siyang bumiyahe pababa kahit wala pang tulog.

Pasado alas-otso ng gabi nang sapitin niya ang apartment nina Stella. Nagtaka siya dahil may kandilang nakatirik sa labas ng gate ng babae. Bigla siyang kinabahan. Dali-dali siyang bumaba ng kotse at kinatok ang gate. Naka-apat na katok na siya ay wala pa ring nagbubukas.

“Stella! Stella!” Bakit may kandila? Kumakabog na ang dibdib ng binata. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa nobya. Nasaan ba siya?

Mayamaya ay may narinig siyang nagbubukas ng gate.

The Cavaliers: DREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon