CHAPTER ELEVEN

9.3K 281 34
                                        

CHAPTER ELEVEN

ISANG linggo na silang hindi nagkikita o nag-uusap ni Stella. Ayaw man aminin ng binata pero nami-miss niya ang babae. Kakaiba kasi ang sense of humor at personalidad ng nobya pero minsan ay naiinis siya dahil matigas ang ulo at may weird na paniniwala.

Gusto niya munang magpalamig noong mga nakaraang araw dahil hindi naman biro ang inabot niyang stress. Saka naging very busy din sila sa palasyo dahil sa naganap na helicopter crash kaya wala din siyang oras na makipagkita kay Stella.

Tumayo siya at nagtungo sa CR. Linggo at himalang day-off niya. Alas-diyes pa lang ng umaga. Nag-isip tuloy siya kung ano ang gagawin. Pagkatapos maligo ay lumabas siya sa sala at doon ay naabutan niya ang mga kasamahan na kampanteng nanonood ng TV. Ang channel na napili nina Jiggs ay Cinema One at ang title ng pinapanood nila ay One More Chance. Isang beses lang niya napanood ang naturang pelikula at dahil kakasimula pa lang kaya naengganyo siyang umupo sa bakanteng couch at makinood.

“Kung ako kay Popoy, pinabayaan ko na talaga yang si Basha e. Di naman tama yang ginawa niya!” komento ni Jiggs habang ngumunguya ng Oishi vegetable chicharon. May katabi pang Coke litro ang lalake.

“Sa totoo lang, bad trip din ako diyan sa role ni Bea. Dapat pinamukha na talaga ni John Lloyd na siya ang lalake, dapat siya ang masusunod!” sabad din ni Emong.

Habang nanonood ay naaalala tuloy ng binata si Stella- at kung paano siya nito ipinagtirik ng kandila! Bigla siyang natawa.

“Tol, natatawa ka na halos maubos na ang luha ni Popoy sa kaiiyak?” baling sa kanya ni Pasky.

“Wala, may naalala lang ako.”

“Huwag mong sabihing naalala mo ang sarili mo? E ikaw itong hindi nauubusan ng jowa. Ni hindi ka nga sumusunod sa three-month rule!” ani Jiggs.

“Ano nga uli ang three-month rule?” Saan na nga ba niya narinig ang naturang rule? Certainly not in PMA, otherwise, dapat naalala niya agad yun in an instant.

“Hintayin mo, sasabihin yan ni Popoy mayamaya,” sagot ni Pasky.

“Shhhh!” saway sa kanila ni Jaypee. “Manood nalang kayo!” Natahimik tuloy silang lahat.

Matapos ang pinapanood ay nag-lunch muna si Drew saka nag-isip. Bandang alas-dos ay nagdesisyon siyang magbihis at puntahan si Stella. Gusto niyang makipag-ayos sa babae, something na hindi niya usually ginagawa sa mga naging jowa niya dati.

Nasa kanto palang siya ng kalye nina Stella ay nakita na niyang may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay nito. Huminto muna siya para tingnan kung kanino ang kotse. Bumaba ang isang lalakeng matangkad- guwapo pero mukhang bata pa. Nagtungo ang lalake sa passenger’s seat at binuksan iyun. Lumabas si Stella na naka-bestida pa!

Ayaw isipin ni Drew na pinalitan siya ni Stella ng isang bagets pero tila sweet ang dalawa. At feeling niya ay galing ang mga iyun sa simbahan!

Ang lupit mo Stella! Naisip ng binata na kung pelikula ang buhay niya ay aalis na lamang siya at tatanggapin na may iba na ang dating nobya. Pero naalala niya si John Lloyd Cruz, kaya imbes na umalis ay sinugod niya si Stella!

Pagtapat ng kotse niya sa harap ng bahay ng babae ay inihinto niya iyun at agad na bumaba. Halatang nagulat si Stella nang makita siya. Kasalukuyang binubuksan nito ang gate.

“Siya ba? Siya ba ang ipinalit mo sa akin?” Hindi siya nakatiis na hindi manumbat! Daig pa niya si John Lloyd nang maglitanya. “Stella naman, alam mo ba'yung three month rule, ha?! Lahat ng nagmahal at nasaktan alam 'yun! Kailangan mo muna maghintay ng three months bago ka magka-boyfriend ulit! Ba't ba kating-kati kang palitan ako?!”

Pero imbes na magreact ang lalakeng kasama ni Stella ay tila namangha pa ito sa kanya. “Ang galeng ah!” Binalingan nito ang babae. “Ate, artista ba ‘to?”

“Hindi siya artista,” nakasimangot na sagot ni Stella. “Si Kristoff nga pala, pinsang-buo ko. Galing kami sa family reunion at hinatid niya ako. Kristoff, siya ang sinasabi kong jowa ko pero ex ko na. Hindi siya artista pero feeling niya siya si Popoy.”

Nabuksan na ni Stella ang gate at pumasok na ito, kasunod si Kristoff. Pumasok na rin siya kahit napahiya.

“A-akala ko, may bago ka nang boyfriend.” Malay ba niyang may pinsang guwaping si Stella? Wala naman kasi itong pinapakilala sa kanya.

“Tingnan mo nga o, ang bata-bata ni Kristoff para mapagkamalan mong jowa ko. Kadiri ka!”

“Malay ko kung type mo na ang mga bagets ngayon,” hirit pa rin niya. Hinarap siya ni Stella at pinandilatan.

“Alam mo, umuwi ka na lang kung wala kang mabuting sasabihin.”

“Sorry,” mabilis niyang wika.

“Ate, aalis na ako. Pupunta pa kaming mall ng mga barkada ko.” Tumingin sa kanya si Kristoff at ngumiti. “Bye Popoy.”

Gusto niyang kutusan ang bagets! Pero sa halip na magreact ay umupo na lamang siya sa sofa.

“Sige salamat ha.” Nang makaalis si Kristoff ay muli siyang binalingan ng babae. “Bakit ka nandito?”

“Stella naman. Huwag ka nang magalit sa akin. Bawiin mo na yung sinabi mong nakikipag-break ka sa akin. Di naman makatarungan yun e.”

“Delayed reaction?” Umupo sa sofa ang babae, yung pinakamalayo sa kanya.

“Andami naming inasikaso kasi sa palasyo. Araw-araw kaming umaalis, alam mo naman ang trabaho namin di ba.”

“Pero sinabi ko na sayo di ba. Ipinagdasal na kita. Hiniling ko na iligtas ka lang, makikipag-break ako sayo.”

“Nagawa mo na ngang i-break ako di ba? Technically nakipag-break ka na sa akin.”

“Kaya nga. So ano pa ang ginagawa mo dito?”

“Wala ka namang sinabi sa dasal mo na bawal na kitang ligawan uli di ba?”

The Cavaliers: DREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon