CHAPTER FOURTEEN

9.8K 245 3
                                    

CHAPTER FOURTEEN

PADABOG na tumayo si Stella Hindi niya matanggap na all these years ay nabuhay siya sa takot gayung wala naman palang basehan. Dahil imbento lang pala ang lahat!

“Hindi na kayo naawa sa akin? Tinakot niyo ako ng matagal!” Naisip ng dalaga na kung hindi pa pala nagpilit si Drew na umuwi sila ng La Union ay hindi pa niya matutuklasan ang totoo!

“Gusto ko lang na mapaayos ang buhay mo. Tingnan mo, kung hindi ko sinabi sayo na may sumpa, hindi ka matatakot at malamang na nag-asawa ka rin ng maaga. At ano ang magiging buhay mo?” sagot ng lola niya.

“Sana kinausap niyo na lang ako ng maayos. Sana sinabi niyo sa akin ang totoo para naman hindi ako mukhang praning na laging takot. Muntik ko nang tanggihan si Drew dahil ayoko siyang mamatay dahil sa akin!”

“Hindi naman ako titigil hangga’t hindi mo ako sinasagot e,” sabad ng lalake, pero hindi niya pinansin iyun. Trip niyang magbuhos ng sama ng loob ng mga oras na yun!

“Kung hindi ka pinagsabihan noon, hindi ka magpupursigeng makaalis dito at hanapin ang kapalaran mo sa Maynila. Bata ka pa noon at maraming potensiyal, masasayang ka lang kung mag-aasawa agad,” paliwanag ng nanay niya.

“Unfair pa rin kayo. Na-trauma ako sa sinabi niyo sa akin.”

“Pero nakabuti sayo ang sinabi nila,” sabad ng auntie Loleng niya. “Kita mo, maayos ang buhay mo sa Maynila at nakilala mo itong si Drew. Kung nanatili ka dito, sa tingin mo, magkukrus ang landas niyo?”

Natigilan ang dalaga sa sinabi ng tiyahin. Sa kabilang banda ay katwiran nga ang sinabi ng may edad na babae. At ni hindi niya ma-imagine ang buhay niya na wala si Drew dahil ito lang ang nakapagpasaya sa kanya ng husto. Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ng lalake mayamaya.

“Di ba dapat magpasalamat tayo na hindi pala totoo ang sumpa. We have nothing to worry about anymore. Lalo ka na,” bulong nito sa kanya. “Huwag mo na silang sumbatan. They did what they had to do just to protect you. Siguro yun lang ang alam nilang paraan.”

Tuluyan na siyang napaiyak nang marinig ang sinabi ni Drew. Bumuhos iyun na parang dam. Pati ang nanay niya ay umiyak din. Nakita niyang nagpahid ng luha ang lola niya, saka nagpaalam na uuwi na muna. Hindi na niya napigilan ang lola niya pati ang mga tiyahin dahil tuluy-tuloy ang agos ng luha niya. Lahat yata ng kinimkim na takot sa dibdib niya over the years ay noong mga oras lang na iyun lumabas. Niyakap siya ng nanay niya. Magpapaliwanag pa sana uli ito pero sinabi niyang hindi na kailangan. Naiintindihan na niya ang lahat.

Nang mahimasmasan siya ay lumuwag na ang kanyang dibdib. Nang tingnan niya si Drew ay nakangiti ito sa kanya. Niyakap siya ng lalake.

AFTER two days ay bumaba na sila ng Maynila. Masayang-masaya si Drew dahil para siyang nabunutan ng tinik. At least ngayon ay panatag na ang loob ni Stella dahil wala naman palang sumpa sa pamilya nila. Of course kahit siya ay kinabahan din kahit papano. Ayaw naman niyang mamatay na lang bigla!

The Cavaliers: DREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon