-DIVINE'S POV-
"Binaril ni Sheila 'yong lalaki na si Leonard, si Lay ay binuhat nila Chanyeol at Sehun, si CY naman binuhat ni Suho"
"Sa braso natamaan ng bala si CY at si Lay naman sa binti niya, buti na lang hindi sila natamaan sa kung saan parte ng katawan nila, at 'yong lalaki natamaan ni Sheila sa may puso kaya namatay agad, nag mukha siyang killer pero sabi pa niya kung hindi niya 'yon ginawa baka lahat kami ay binaril ng lalaki na 'yon"
"Guys, bilisan niyo 'yong mga zombie papalapit na sa atin nakain na kasi nila 'yong Leonard na yun kaya naman tayo ang isusunod nila"-Chen
'Ang liit kasi ng hagdan ehh, parang taguan 'tong pinuntahan namin, nauunang umakyat sila Suho at Chanyeol at Sehun, aisshh 'yong katana ko sana kaso naiwan namin sa van, gagawa kami ng paraan para makalabas kami dito'
"Vine, may nakita akong bomba kanina kaya kinuha ko 'to"-Mairah
'Pinakita sa akin ni Mairah ang nakuha niyang bomba, naka kahon ito ng maliit'
"Pwede natin yan ipasabog kung sakaling lumabas tayo dito at pupuntahan natin ang van, pero dapat gumawa muna tayo ng paraan kung paano natin ipapasabog 'yang bomba na 'yan para maraming zombies ang masabogan natin"-Ako
"Hoy! Kayong dalawa ano pa ang ginagawa niyo dyan? Umakyat na kayo dali"-Baekhyun
'Kami na lang pala ni Mairah ang hindi pa umaakyat, tumingin ako sa likod namin, napalaki ang mata ko ng may isang zombie na nasa likod namin at may hawak itong martilyo parang construction worker siya dahil sa suot niyang damit'
*BANG* *BANG*
"Ano? Tutunganga na lang kayo diyan?"-Sheila
'Binaril ni Sheila 'yong zombie, agad naman kaming umakyat ni Mairah"
"Ano 'yan hawak mo babe?"-Baekhyun
'Tanong ni Baekhyun kay mairah ng makaakyat na kami'
"Ah, ito! Bomba ang laman ng kahon na 'to mamaya may paplanohin kami ni Divine"-Mairah
"Kayong dalawa lang ang mag pa-plano? lahat tayo mag tutulong-tulong sa pag plano kung ano ang gagawin natin para makalabas tayo dito"-Suho
"Guys, wala tayong ipapang-gamot sa tama ng bala sa braso ni CY at sa binti ni Lay"-Sehun
"Ah, babe diba isa kang nurse siguro naman alam mo kung ano ang gagawin mo sa dalawa nating kaibigan?"-Chen
BINABASA MO ANG
ZOMBIE APOCALYPSE (EXO- TAGALOG) [Slow Update]
Terrorannyeong~ may page na po itong story ko! http://www.Facebook.com/pages/Zombie-Apocalypse/546678942156687699 kamsa!