CHAPTER EIGHT (RETURN II )

19 4 0
                                    

ICE POV

Malalim ang naging pagbuntong hininga ko dahil sa balitang nakarating sakin.. Nagsindi ako ng isang stick na sigarilyo para maka pag isip ako ng ayos.... Nababalisa ako sa kaalaman na darating dito ang lola ko sa susunod na buwan, ilang taon akong tumatakbo at tinatakasan ang buhay na nakalaan sa akin. Katulad ng iba gusto ko ng tahimik at normal na buhay.. Di naman masasabing hindi normal ang buhay ko pero iba yun sa nakagisnang buhay ng mga ordinaryong tao... Yung inaakalang buhay na nakalatag dito sa daigdig ay may isang parteng matatagpuan na kahit sa bangungot di mo gugustuhing makita o marating.... Tanging mga piling tao ang nakakaalam at sa minalas malas isa ako sa mga yun... Tssssh ano na naman kaya ang binabalak ng matandang yun mukhang guguluhin nya na naman ang pagtangka kong mag-aral dito... Ito na nga lang ang gusto ko di pa maibigay... Napakahirap para sa kanyang magpatalo sa mga desisyon ko.. Mag aanim na buwan na simula ng umalis ako at tumakas sa puder nya pero mukhang sa lagay na to wala na akong magagawa kundi harapin sya at ipaglaban ang gusto ko.... Kelangan ko mag isip ng paraan para mapapayag ko sya na manatili ako dito... Kelangan kong matupad kahit isa lang sa mga gusto ko bago bumalik sa buhay na mayroon ako.. "Kalma lang Ice makakaisip ka ng paraan para panatilihin ka nya dito" kausap ko sa sarili ko.. Malalim ang naging pag-iisip ko ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"Iceycooliceycooliceycool"

"Akesha?"- ako...

Akesha is my half sister sa father side..

"Its' "tabeta" Icey"- Maarteng pagtutuwid ni Akesha

(Tabeta stands for ate in japanese )

"Tsssh. Bakit ka tumawag?"- ako..

"Uhmmm haha masama na bang mangumusta sa kapatid ko?"- balik tanong nya sa akin..

"Okay lang ako. Buhay pa"- ako

"Such a bad temper as always. Uhmm someone told me na nasa pinas ka"- may halong panunumbat na wika nya..

"Hmmm. I'm here to study"- sagot ko..

"For what? There are many prestigious universities in china or here in japan. Why you choose Manila?" - akesha.

"Alam mo kung bakit ako nandito"- ako

"Yeah right but im upset na nilihim mo sakin yan"- akesha

"Dahil ayokong sabihin mo sa tatay mo"- ako

"Icey she's your father too"- akesha

"Hindi sya naging tatay saken kahit kelan alam mo yan"- ako ...
Dinig na dinig ko ang malalim na buntong hininga ni Akesha sa kabilang linya.

"Fine wag na nating pagusapan pa si papa. How's your life there? Do you have money?"- may pag aalalang tanong nya.

"I'm fine. May ipon pa ako at maghahanap ako ng part time job kapag ayos na lahat ng schedule ko sa school."- mahabang paliwanag ko.

"What? Part time job? Nag aaral ka palang Icey. Bibigyan na lang kita okay?"- akesha

"Okay lang ako. Kaya ko na "- ako

"Icey, look pinahihirapan mo ang sarili mo"- akesha

"I'm okay akesha don't worry. Pag di ko kaya hihingi ako ng tulong sayo"- ako

"As if gagawin mo yan. Pssssh"- akesha

"Tssssk. Wag mo kong alalahanin"- ako

"Basta call me if you need anything okay?"- akesha

"Oo. How's Axton?"- Ako...

Axton is our little brother...

"He's fine. Makulit pa din. Lagi ka tinatanong. Minsan nga iniisip ko bakla yung little bro naten buti na lang gwapo sya"- kwento ni Akesha..
Natawa naman ako na lagi akong hinahanap ng lil bro namin..

"Tsssk binata na yun makulit pa din"- ako

"Yah super.. Tanong ng tanong kung kelan ka daw nya makikita ulit"- akesha

"Soon kamu. Tsssk tsssk tsssk"- ako

"Nag enroll sya sa piano class. Balak ka atang idolohin"- akesha

"Hmm hayaan mo na"- ako

"Take care okay? We were visit you there soon isasama ko si Axton"- akesha

"Hmmm basta sabihan mo ako kung kelan"- ako

"Yeah.. just take care Icey okay? Umiwas ka na sa mga gulo "- akesha

"Hmmm. Kayo din ni Axton dyan"- ako

"Okay bye for now sissy"- akesha

"Tssssk.. sige"- ako

"We love you Icey 😊😊"- akesha

"I know"- ako

"Psssh walang iloveyou too?"- reklamo nya

"Iloveyou three"- biro ko

"Korni"- akesha

"Bye"- ako

"Bye"- akesha

Tsssk si Maih siguro ang nagsabi sa kanya na naririto ako sa Manila.. Yung bunganga talaga ng isang yon hindi nya mapigilan... tssk tsssk tsssk ... Una si lola pangalawa si Akesha.. Sino pa kaya ang susunod taenang yan... Akesha and Axton is my half siblings sa father side ko.. Akesha Maiaia Skye Tanikawa and Axton Draedyn Zef Tanikawa. Mahal ko ang dalawang yun kahit mag kaiba kami ng nanay. Si Akesha ang tagapagligtas at taga salo ng mga pagkakamali ko.. Lagi syang nandyan para ipagtanggol ako sa tatay ko at sa lola ko.. Si Axton ang kasiyahan naming magkakapatid bukod sa makulit malambing din ang isang yun.. Kung meron mang magandang nangyari saken ay yung magkaroon ako ng mga kapatid na gaya ng dalawang yun. Buti hindi yun pinagkait sa akin tssssk.. Mabait pa din ang langit sakin.. At kung meron mang isang tao na lubos kong kinamumuhian yun ay ang bigyan ako ng Ama na gaya ni Maximmus.. Buti na lang mababait ang mga kapatid ko na paniguradong hindi nagmana sa kanya lol...
"Tsssk tsssk tssk kung bakit kasi pinanganak ka sa buhay na napakagulo" Kausap ko sa sarili ko habang itinatapon ang upos ng sigarilyo..
Ihahanda ko ang sarili ko sa mga bagay na mangyayari sa mga susunod na araw at buwan.. Nagtungo na ako sa maliit na kamang nasa silid ko at sandaling sinipat ang nakabalot na bagay sa itim na tela...
"Magagamit pa ata kita tsss" Kausap ko sa bagay na yon.. Malakas ang kutob ko na magagamit ko uli ang bagay na yan na ayaw ko na sanang mangyari pa.. Matagal ko ng gustong talikuran ang mundong kinagisnan ko at buhay na tinatakasan ko pero mapagbiro nga ata ang tadhana at tila kahit saan ako magpunta gumagawa sya ng paraan para masundan ako... Natawa ako sa sariling isipin kong iyon.. Sa ngayon ang magagawa ko ay maghintay at harapin ang mga bagay na paparating pa lang.. This time wala ng taguan o takasan... Kelangan ko ng harapin at ipaglaban ang buhay na gusto ko para sa akin... Yun lang at ipinikit ko na ang mga mata ko.. Maaga pa kame bukas sa school.

HER STORY Where stories live. Discover now