"If f is a function, the derivative of the function f, denoted by f prime is defined by the formula f prime of x is equal to the limit of the function x plus h, minus the function x, all over h, as h approaches zero"I read as I tried my best to understand what the professor just wrote on the blackboard.
Monday ngayon at first subject namin ang basic calculus and apparently, we are now proceeding to the next topic when half the class still haven't caught up with the previous lesson.
Talk about a start for the week.
Nahilo na ako kaagad. I can't wait for coffee.
Isusulat ko na sana sa notebook ko 'yung examples na nilagay ng professor nang bumukas ang pintuan ng classroom.
"Good morning Ma'am! I'm sorry I'm late," the person who just entered greeted our Math Professor.
Inangat ko ang aking tingin at napangisi sa babaeng naka hoodie na pink at naka backpack na adidas na ngayon ay naglalakad papunta sa upuang katabi ng akin.
My best friend glared at me and I proceeded on copying the examples from the board. Hindi na ako nagulat na late na naman siya at wala na akong balak tanungin kung bakit. Malamang madaling araw na siyang natulog dahil sa ML.
"Gago kinabahan ako. Akala ko ako na yung pinakalate," sambit ni Gelo pagkaupo niya habang nilalagay ang bag sa harapan.
Tumingin ako sa likod ng row namin at napansin kong marami pa ngang bakante doon. Hindi ko naman talaga sila masisisi kasi malakas ang ulan at traffic dahil may mga inaaayos na nama'ng mga daan ang DPWH.
"Basa 'yung hoodie mo o," I pointed out when I noticed na dumidikit sa likod niya ang kanyang suot, "Wala kang dalang payong?" I asked, worried dahil aircon ang classroom namin at baka magkasakit siya.
"Nakalimutan ko e. Tsaka hindi umuulan sa'min kaya hindi ko na binalikan. Akala ko pa naman may flag cem," nakasimangot niyang sagot habang hinahalungkat ang bag niya para sa notebook at ballpen.
"Shit, naiwan din ballpen ko. Pahiram ng extra,"
Naghanap ako sa pencil case at nakitang puro lang highlighter ang naroon,
"Wala akong extra, at nagchat ako sa GC kanina. Hindi mo nabasa?"
I asked, wondering because earlier, I immediately messaged all the groupchats I was in na nagtext ang aming adviser, saying that we will not have a flag ceremony this morning because it was raining hard.
Napatingin kami sa pintuan nang may pumasok na namang late. Napahinto ang Prof sa dini-discuss at halatang naiinis na nagsalita, "Please take a seat,"
"Nakasakay na ako nang binuksan ko 'yung phone ko," bumaling siya sa kabilang seatmate, "May extra ballpen ka? Pwedeng pahiram?"
Napailing nalang ako at nakinig sa lecture.
I can't say that I'm very good at math but I enjoy learning it. I also try to maintain good grades to be part of the High School Scholars at the end of the academic year. Plus, adviser ko sa Council 'yung nagtuturo kaya talagang matino ako sa klase.
After a few more examples and answering some problems, natapos na rin ang first subject. Inayos ko ang mga gamit ko at tumayo na para lumabas pero tinawag ako ng prof.
"Miss Guzman please follow me to the office," sabi niya at lumabas siya ng classroom.
"Una na kayo. Sunod lang ako. Caf or co-op?" tanong ko kay Gelo kung saan ko sila pupuntahan para kumain. Kinuha niya ang payong ko nang walang pasabi at naglakad papaatras, nakaharap pa 'rin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/226726300-288-k74777.jpg)
BINABASA MO ANG
Constellation of the Fearless
Teen FictionUP student Celine Estelle gets entwined in a series of unexpected situations involving University of San Agustin's Architecture student, KD Legaspi. She thinks she's already found a living proof of fate and destiny. As she gets more involved with KD...