4

351 26 14
                                    

I went to the basketball court and saw my friends sitting beside the Little Theater, nanonood ng volleyball training. Gelo is in the court with her team, parang may mini game kalaban ang team ng boys. Sa tabi ay sila Jakkob at iba pang basketball players na tumitira-tira sa ring kapag nagkaka-space sa court. Napangisi ako dahil badtrip na naman sila dahil "inagaw" na naman ng volleyball team ang basketball court ng school.

Umupo ako sa tabi ni Agnes,

"Oh, ba't ka pa bumalik?" suplada niyang sumbat sakin.

I glared at her, "Hindi ba pwede? Sa'yo 'tong school? Ikaw nagdedecide kung sinong pwedeng bumalik?" pagsusungit ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin nagbalik sa normal ang pakiramdam ko. Feeling ko ay nanlalamig parin ang kamay ko na parang hindi mapakali.


"Whoa! Wala ka sa mood, ah? Saan ka ba galing?" tanong ni Frans na naka-indian sit at nakasandal sa pader, may ginagawa sa laptop.


"Nagdate, bakit?" Panti-trip ko sa kanila. Kung sana ay sa date nga ako nang-galing, maganda ang mood ko ngayon.


"Wow, feeling may jowa," sagot ni Agnes na nakatanggap ng 'fuck you' mula sakin.


"Eh paano kung future jowa ko 'yun?" inirapan ko sila at nakitang kumunot ang noo ni Frans na inangat ang tingin mula sa laptop.


"Weh? May kasama ka talaga? Sino?" pagtatanong niya at sumingit naman si Agnes, "Sus! Future jowa daw! Ano muna pangalan?"


"Secret," sagot ko, hinayaan silang magtaka, kahit na sa totoo ay hindi ko alam ang pangalan ng crush ko. Pero soon, malalaman ko rin iyon, no! "Sasabihin ko sa inyo pag may mangyari na samin,"


"Grabe! May mangyari talaga sa inyo? Kalma ka girl! Baka kahit magchat kayo, hindi rin magtatagal!" pagbibiro ni Agnes na tinawanan lang ni Frans at nag-apir pa sila, sumimangot naman ako dahil sa pag-iisip netong mga kaibigan ko.


"Gaga! Hindi ganun 'yon! At excuse me, kung magkausap man kami sa chat, sigurado akong magtatagal 'yon! Just see," confident ako sa sagot kahit alam ko na kung paano makipag-usap yung crush ko. Sana nga, pag nagusap kami ulit, responsive na siya. Hello? Ang exhausting kaya pag ikaw lang mag-isa 'yung bumubuhat ng conversation.

Pero who knows, baka hindi lang siya palasalita kapag in-person. Malay ko sa chat, mahaba pala mga reply. "Anyway, asan si Thalia?" pag-iiba ko ng topic.

"Sa tingin mo?" sagot ni Frans na hindi inalis ang tingin sa ginagawa sa laptop,


"Nag date?" paninigurado ko kahit alam ko naman na kapag hindi sumasama si Thalia samin, either gusto mapag-isa sa ginagawang acads or may date.


"Ano pa ba?" sagot ni Frans na nakangisi. Kaso, may ibang tono sa pagsasalita niya na hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy lang ako sa panonood ng mga naglalaro nang magtama ang tingin namin ni Jakkob,


"Nabigay ko na!" Sigaw ko sa kaniya dahil naroon siya sa kabilang side ng court. Pagkarinig ay pinasa niya ang bola sa kasama at pumunta sa akin.


Nagpupunas siya ng pawis nang magsalita, "Nagkita kayo ni Khloe?"

"Ang gwapong Khloe naman nung nameet ko," natatawang sagot ko,

"Hindi. Kuya niya yung kumuha ng ticket sakin. Huli nang nag-inform yung 'friend' mo," I said, rolling my eyes while doing the quotation mark hand gesture as I mentioned the word "friend" dahil I find it odd na may kaibigan si Jakkob from outside the campus, lalo na't babae ito.


Constellation of the FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon