"Walang first sub mamaya. SM tayo?" recess ngayon at nandito kami ni Gelo sa second floor ng GCEB, ang building na humaharap sa fly-over ng Gen. Luna St.Hindi pumasok si Gelo sa first subject kanina at alam ko na dito siya tumambay para hintayin ang next subject. Puro kasi training rooms ang nandito at may mga tao lang kapag may events o seminars. Ngayon, wala kaya dito ako dumeretso pagkatapos ng lecture.
"Gusto ko'ng mag-sisig," sabi niya, huminto sa ginagawang powerpoint sa laptop.
Hindi na kami bumaba para mag-recess dahil nag breakfast kami mula sa bahay kaya't hindi pa kami gutom.
"Sige, chat ko sila kung gusto din nila," sagot ko sa kaniya.
Ininom ko ang 3-in-1 coffee na binili ko sa vendo machine sa first floor at napangiwi dahil sa lasa nito, "Ugh! Wala na namang asukal,"
"Yay!" sambit ni Gelo, obvious na excited kumain sa paborito naming sisigan malapit sa Central Philippine University at hindi pinansin ang reklamo ko sa kapeng iniinom.
Hinayaan ko na lang siyang tapusin ang report niya at nag-chat ako sa mga babae kung gusto din ba nilang mag-sisig. Nang makitang walang online ay nag-scroll ako sa Instagram.
May nag-react sa story ko ng sunset kahapon. Hindi ko siya kaclose kaya't nilike ko nalang ang reaction niya. May iba pa akong notifications mula sa mga nagla-like ng posts ko at may isang nag-follow sa akin.
"Kilala mo 'to?" tanong ko kay Gelo at pinakita sa kanya ang account ng babae. From some of her posts, we can tell that she's from St. Paul University because of her checkered black and white skirt and their iconic black hand bag.
"Familiar. Ganda niya a," pag-comment niya na in-expect ko dahil yun talaga ang unang ka pansin-pansin sa babae.
"Required ba na fresh ang mukha pag sa St. Paul pumapasok?" seryoso kong tanong dahil ang mga estudyante doon ay parang hindi nagmu-mukhang haggard. Minsan nakaka-intimidate sila. Habang ako, kailangan pang mag-effort para mag ayos at minsan wala nang time kaya murag na lang ang mukha.
Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.
Nagcheck ako ng stories ng mga fina-follow ko at noong makita ko 'yung sa kilala ko mula sa San-ag ay naalala ko na naman 'yung lalake sa Tom&Toms.
Napangiti ako.
Luh? Kilig ka, girl?
Malapit ko nang matapos ang notes ko noon at inubos ko 'yung iced coffee. Nang nilagay ko ang cup sa lamesa ay hindi ko napansin na maiipit nito ang takip ng highlighter ko. Kaya pagkapatong ko ay tumilapon iyon sa kabilang side ng table.
Hiyang-hiya ako noong napunta ang cap ng highlighter malapit sa kamay ni San-ag guy na nagbabasa ng notes niya.
"Oops, sorry," I mumbled at kinuha 'yung takip ng highlighter. I wasn't sure if he heard kasi hindi man lang siya tumingin sakin. Ano ba naman yan, suplado ata.
My fingers slightly touched his hand when I took the highlighter cap at nung inangat ko ang paningin ay nakita kong napa-angat din siya ng mukha. Ngumiti lang siya at binalik din ang atensyon sa pagbabasa ng notes.
Lord, okay lang na suplado kasi bawi naman talaga sa itsura.
And that's when I noticed his notes. May numbers at equations kaya malamang math ang inaaral niya.
BINABASA MO ANG
Constellation of the Fearless
Teen FictionUP student Celine Estelle gets entwined in a series of unexpected situations involving University of San Agustin's Architecture student, KD Legaspi. She thinks she's already found a living proof of fate and destiny. As she gets more involved with KD...