"D-Dad, Mom."
Nagulat ako nang agad kong nakita pagkapasok ko sa bahay ay ang mga magulang ko na nakaupo sa sofa. They turned their heads to face me and I immediately felt nervous because they have disappointed looks on their faces. Hindi ko alam kung may ano. Nalaman ba nila ang ginawa ko kanina at kung sino ang kasama ko?
Naglalakad na ako papalapit sa kanila para magmano nang biglang tumayo si Dad at napaatras ako ng kaunti sa gulat nang sumigaw siya.
"Where have you been?!"
Napayuko ako, may kutob na alam na nila kung saan ako nanggaling pero gusto lang nilang marinig mula sa'kin.
"S-sa Antique po." I said, my eyes welling up with tears. There's no point in lying now.
"At may kasama kang lalake?!"
I flinched and a tear fell from my right eye. Tumango lang ako dahil hindi na ako makapagsalita sa takot sa ama ko.
"Just because you're already 18 doesn't mean you can go and spend time with random boys, Celine Estelle! Inaabuso mo na yata ang pagpayag namin ng Mommy mo sa mga kagustuhan mo. Kailan ka pa natutong magsinungaling, ha?! We're in the middle of work when a friend called me at tinanong kung naroon ako sa Antique dahil nakita ka niyang lumalangoy-langoy sa pool at may kasama ka daw na lalake. Anong pumasok sa isip mo?"
He was pacing the living room this time, massaging the bridge of his nose, while Mom is just standing there with a mix of worry and disappointment on her face. Tumutulo lang ang luha ko pero nagawa ko pang depensahan ang sarili.
"Pero hindi naman ako napano, Daddy." I managed to look at him in the eye pero mas nagalit lang siya at napapikit ako ng mariin.
"Sumasagot ka pa!"
Nanonood lang ang iba naming pamilya habang nakatayo ako doon at sinesermonan ng mga magulang ko. What could they be thinking, now?
Ang Unica hija na achiever sa school at nag-iisang taga-UP sa kanilang magpipinsan ay marunong magsinungaling para sa lalake. Matalino sana. Nakakahiya sa mga magulang niyang naghirap para maging maganda ang buhay nila. Ngayon pa na ang pinunta niya dito sa probinsya ay para bantayan ang lola niyang may sakit. At para sa lalake? Sa panandaliang kasiyahan?
'Yun panigurado ang iniisip ng mga tito't tita ko. Sa mga pinsan ko, hindi ko lang alam. Siguro ay naiintindihan pa nila ako. Pero nalaman din nilang nagsinungaling ako kaya siguro ay may kaunting galit din sila para sa akin. Kung hindi galit ay awa. And there's nothing I hate more than unnecessary pity for me.
"From now on, you're grounded! Walang gadgets at hindi ka makakaalis dito na hindi kami ang kasama!"
Napaangat ang tingin ko kay Dad.
"But that-"
"Ngayon pa lang natututo ka nang magsinungaling para sa lalakeng 'yan. Ano pa kaya kung magtagal 'to? You're not seeing him anymore. You're not seeing anyone. Naiintindihan mo ba?"
BINABASA MO ANG
Constellation of the Fearless
Teen FictionUP student Celine Estelle gets entwined in a series of unexpected situations involving University of San Agustin's Architecture student, KD Legaspi. She thinks she's already found a living proof of fate and destiny. As she gets more involved with KD...