"Weh?"
"Oo nga! Insulto ka naman, girl. Ganoon na ba ka imposibleng mangyari 'yun sa'kin?"
Kausap ko ngayon si Gelo sa phone at kakakuwento ko lang ng mga nangyari sa'min ni KD mula kagabi. Ayaw niya pa akong paniwalaan kahit ilang beses ko nang sinabi ang exact words ni KD. Memorize ko lahat, no!
"Hindi naman, tanga. Ang bilis lang kasi. Sure ka na ba dyan?"
"Kahit ako nabilisan din naman. Pero girl, iba e. Promise, kung ikaw sa lugar ko maniniwala ka din. Parang mapapatiwala ka lang talaga dahil sa nararamdaman mo."
"Sis, deliks! Hindi mo pa ganun ka kilala ha?" Napatawa ako at naglagay ng serum para sa last part ng skin care.
"I like you pa lang naman daw! At siya rin ang nagsabing we'll get to know each other."
"Basta, ingatan pa 'rin ang puso. Alam mo na,"
"Yes, yes. I know."
Nag-usap pa kami ng ibang bagay katulad ng mga plano namin ngayong December. Pupunta daw si Gelo sa Negros para doon magbakasyon. Ako naman, kina Wawa kami magse-stay for Christmas hanggang New Year kaya wala ako dito sa city mula weekend next week.
Kanina pa nag-goodnight si KD sa'kin dahil hindi pa raw nakakabawi ng tulog at hinayaan ko rin kasi kasalanan ko naman slight. Hanggang ngayon, tuwing naiisip ko ang mga nangyari, kinikilig pa'rin ako. We've got a long way ahead of us at hindi ako makapaghintay na malaman kung saan kami aabot ni KD.
Natatawa ako sa mga ginawa ni KD kanina. Sobrang sineryoso niya ata ang pagkasabi ko na baka hindi siya magpaparamdam kaya ayun, in-update ako sa lahat ng mga ginawa, nagsend pa ng mirror selfie niya para ipakita ang suot nang hinatid ang mom niya sa mall kanina. Nagreklamo pa na sobrang antok siya pero hindi niya naman daw matanggihan si Tita kasi walang ibang magda-drive. Char, Tita. Hindi pa nga nakaka 24 hours girl?
Ako naman, kahit medyo weird sa pakiramdam, ay sinabi rin sa kaniya lahat ng ginawa. Pati tuwing umiinom ako ng tubig, alam niya. Parang joke na nga kaming dalawa but maybe it's a special thing that only the two of you can keep to yourselves, no? The weird bits of it all.
Sunday bukas at hindi ako pinapayagang lumabas dahil strictly for family ang araw para sa'min sa bahay, kaya hindi pa kami magkikita ni KD ulit. Sinabihan ko siyang ita-try namin sa lunes at pumayag siya doon. Ang problema ko nalang ay kung anong excuse ang sasabihin sa parents ko para makaalis ng bahay dahil wala nang pasok at konti na lang ang cash na natira mula sa allowance ko last week. Hindi naman ako makahingi kay Dad at sasabihing pangdate ko ang pera dahil lagot ako sa kaniya. Kahit na 18 na ako ay hindi pa 'rin ako ganoon katapang para sabihin sa kaniya ang mga ganitong bagay.
"Dad, aalis ako bukas." Kumakain kami ngayon ng dinner at inipon ko ang lakas para magpaalam sa kanila. Gustong gusto ko na 'ring makita ang crush ko!
BINABASA MO ANG
Constellation of the Fearless
Teen FictionUP student Celine Estelle gets entwined in a series of unexpected situations involving University of San Agustin's Architecture student, KD Legaspi. She thinks she's already found a living proof of fate and destiny. As she gets more involved with KD...