"Nak, okay lang ba na mauna ka kila Wawa mo?"Kumakain kami ngayon ng hapunan at napag-usapan namin ang pag-uwi sa probinsya. May business trip daw kasi 'yung asawa ni Tita Helen kaya naisipan nila na isasama na lang ang kanilang mga anak para parang outing na 'rin nila. Walang maiiwan kay Wawa except sa nurse niya dahil ang pamilya lang ni Tita Helen ang tumitira kasama siya.
"Okay naman, Mom. Kailan po ba?" tanong ko sa kaniya. Ang original kasi sanang plano ay sa Sabado kaming tatlo uuwi. May plano pa sana si KD na gagala kami sa Friday dahil 'raw matagal pa bago kami magkikita ulit.
"Sa Wednesday, Nak."
Tumango lang ako kay Mommy. Hindi naman ako makatanggi sa pamilya ko. Isa pa, kung tatanggi ako, anong sasabihin ko? Magde-date pa po kasi ako sa Friday. Lol, NO. Pag marinig ni Daddy ay baka ipadala na ako sa Probinsya mamaya kaagad.
Pagkatapos kumain ay umakyat ako sa kwarto para mag chat kay KD. Sinabihan ko lang siya na tapos na akong kumain at hindi na siya nagreply, sa halip ay nag video-call kaagad. Napakagat ako ng ibabang labi nang sinagot ang tawag niya. Umayos ako ng upo sa kama at sumandal sa headboard na may unang nakapatong sa tiyan ko.
"Hi!" sabi ko nang mag-appear siya sa screen. Ngumiti siya sa'kin.
"Hello." Nakaupo siya sa tapat ng working table niya siguro at parang may sinusulat kaya tinanong ko siya.
"Ano yan?"
"Plates. Tinatapos ko lang." sagot niyang hindi tumitingin sa'kin. Pinanood ko lang siya sa ginagawa at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Medyo mahaba ang buhok ni KD at ngayong nasa bahay lang siya, wala itong wax kaya naka-ponytail sa taas. Parang may maliit na fountain sa ulo niya. Ang cute.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko dahil parang masyado siyang busy, baka nagskip siya ng meal. Napaangat siya ng tingin sa'kin bago napangisi. Sabi ko na e.
"Mamaya na."
"Hoy bad ka, wag ka magskip." napangiti siya habang nakayuko pa 'rin sa ginagawa
"Okay, maam." I rolled my eyes even if he didn't see it. Saka ko na naalalang sasabihin ko pala sa kaniya ang tungkol sa pagmove ng pag-uwi ko kila Wawa.
"Uy, oo nga pala." huminto siya sa ginagawa para tumingin sa'kin, nakaangat ang dalawang kilay na naghihintay ng sasabihin ko.
"Pinapauna akong umuwi kila Wawa. Sa Wednesday na." I pouted while he took his phone from where it was steadily placed. Sumandal siya sa kanyang upuan para maayos niya akong matignan.
"Aww." 'yun lang ang sinabi niya at ginaya ang mukha ko saka tumawa. I squinted my eyes.
"Wag kang umiyak. May video call pa naman. Makikita mo pa 'rin ako."
"Gago." I rolled my eyes while he bit his lower lip. Ang epal talaga.
Nastress pa ako sa kaniya dahil bumalik sa ginagawa at ayaw pa 'ring kumain. Sa huli ay napilit ko 'rin siya pero kumuha lang siya ng pagkain at dinala iyon sa kwarto niya para doon kainin habang tinatapos ang plates. Sa Wednesday daw ang deadline at gusto na niyang tapusin lahat ng natitirang requirements niya. I got curious about what he was drawing and tried to ask him to show it to me pero ayaw niya.
"Pakita mo na. Nahihiya ka pa e." pagpilit ko sa kaniya na inilingan niya lang.
"Sa susunod na nga."
BINABASA MO ANG
Constellation of the Fearless
Novela JuvenilUP student Celine Estelle gets entwined in a series of unexpected situations involving University of San Agustin's Architecture student, KD Legaspi. She thinks she's already found a living proof of fate and destiny. As she gets more involved with KD...