"Oo nga. I'm already driving." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya at napatayo ako sa kama.
"Wait! As in ngayon na? Teka lang, saan ka na ba at saan tayo pupunta? Hindi ako nakapagpaalam kila Mommy!" habang nagsasalita ay kumuha ako ng towel at lumabas ng kwarto para tignan kung sino ang mga taong gising na. Nakita ko sina Ate Japhet at Kuya Carl na nagpapainom ng gatas sa baby nila.
"Cel, ang aga ah?" sabi ng pinsan ko nang makita ako na may hawak na cellphone at may towel sa kaliwang balikat.
"Good morning!" 'yon lang ang sabi ko sa kanila at nang makitang wala ang ibang tita at tito ko ay bumalik ako sa kwarto para pumunta sa CR.
"Sa Miag-ao ka diba? Kakalabas ko pa lang ng subdivision namin so marami ka pang time." sagot ni KD sa tanong ko.
"Hoy seryoso nga, baka hindi ako payagan!"
"Magpaalam ka na." he let out a small chuckle while my panic just intensified. Inisip ko na kung anong irarason sa pamilya ko dahil wala pa naman dito sina Mommy.
"Saan ba tayo pupunta? At hanggang anong oras tayo?" tanong ko sa kaniya. Papayagan naman ako siguro kung uuwi din ako mamaya at kung malapit lang ang pupuntahan namin. Nakakainis naman kasi 'tong si KD, e! Ibang klase ang surprise.
"Malapit lang sa inyo. I'll bring you back home tonight so don't worry. And magdala ka ng pang-swimming."
I didn't ask any more because KD will already be here in approximately an hour at kailangan ko pang mag-ayos. Sinabihan ko siyang wag nang pumasok dito sa bahay at tumawag lang ulit pag nakalampas na siya ng town plaza para ako na ang maghihintay sa kaniya sa highway. Papasukin kasi ang compound namin at kung pumunta pa siya dito ay magtatanong lang ang buong pamilya ko. I don't have answers yet.
Mabuti na lang pinayagan ako ni Mommy basta umuwi lang daw ako mamaya. Nagtanong din siya kung sino ba ang mga kasama ko at sinabi ko lang na kaibigan ko mula dito. Ganon din ang sagot ko nang magtanong ang mga pinsan at tita ko kung saan ako pupunta. Mabuti na lang napansin nilang nagmamadali akong mag-ayos kaya hindi na sila nangulit pa.
Nagsuot lang ako ng denim shorts at blue na tube top at mabilis kong nilagay sa bag ko ang swimsuit na dadalhin. Pinili ko 'yung two piece na kulay white na niri-ribbon ang top at highwaist ang bottoms. White na beach sandals din ang sinuot ko para magmatch sa swimsuit ko mamaya. Nang natapos ako sa pag-ayos ng mukha ay agad akong lumabas at nagpaalam sa mga tao sa bahay. Medyo kinakabahan pa ako habang naghihintay sa highway dahil hindi ko alam kung ano kalapit ang malapit daw para kay KD. Kung saan-saan niya talaga ako dinadala, akala niya natutuwa ako.
Pero tama naman siya.
I never knew i'd be this thrilled without knowing where I'm going.
Nasa tabi na ako ng highway nang tumawag si KD dahil na estimate ko din naman ang dating niya. Nang huminto ang pula niyang sasakyan sa harap ko ay pumasok ako kaagad.
![](https://img.wattpad.com/cover/226726300-288-k74777.jpg)
BINABASA MO ANG
Constellation of the Fearless
Teen FictionUP student Celine Estelle gets entwined in a series of unexpected situations involving University of San Agustin's Architecture student, KD Legaspi. She thinks she's already found a living proof of fate and destiny. As she gets more involved with KD...