7

302 20 18
                                    



Napa-upo ako mula sa pagkahiga. With mixed emotions, I stared at my phone. Hindi ko maintindihan kung ano ang una kong dapat maramdaman. Kilig? Panic? Curiosity? To define my feelings as confused is an understatement right now.

"'free ka bukas?' Luh?" I exclaimed to myself, hindi maiwasan ang kilig dahil sa pag-reply niya sa story ko. Then, I finally typed a message.


'Why haha' I sent it and placed my phone on my bed, inaabangan ang reply niya.


Online pa siya at hindi rin nagtagal bago niya na-seen ang message ko. He typed again.


I was holding my lips with my fingers while looking intently at the phone. I'm not entirely aware how slow or fast the time is passing pero habang nakalagay pa rin ang 'typing' sa screen ay hindi ako mapakali. Ang tagal mag-reply! Ano ba 'tong tinatype niya? Essay?

When his message popped up I immediately held my phone closer to my face in order to read clearly.


'gala tayo'


Then I lost it. Binaon ko ang mukha sa unan at tumili.


Tangina! Kinikilig ako, sir! Is he asking me out on a date? What the fuck? Bakit niya ako inayang gumala?! Bwisit 'to, wala bang stoplight? Bakit parang go lang nang go ang universe? Hindi ako prepared!


Then I remembered something. May practice pala kami bukas! Badtrip! Wrong timing ka, crush. Sad na tuloy ako kaagad.


'May practice ako bukas e :<'


Bumalik na ako sa pagkakahiga matapos isend ang message, hindi pa rin inalis ang tingin sa phone. Huwag na lang kaya ako um-attend ng practice? Kaso ang inconsiderate naman nun sa groupmates ko.


Nakikipagtalo ako sa sarili kung anong gagawin nang magreply siya,


'Oh, okay.'


Nagta-type na sana ako para sabihan siyang pwede naman kaming gumala pagkatapos ng practice pero nag-send na siya ulit ng panibagong message,


'Wednesday ?'


I bit my lower lip. In fairness, ang persistent! Gusto niya ba talaga akong makita at makasama? Ikaw KD, tigil-tigilan mo ako. Pag ako na-fall, hindi talaga ako papayag na mag-isa akong mababaliw dito.


But I remembered the girl back at 7/11. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pala naitanong kanina sa Starbucks kung kaano-ano niya 'yun. Kung tatanungin ko ngayon ay napaka-off topic naman at baka isipin niyang sobrang interesado ako sa kaniya. Hindi kaya! Slight lang.


Napaisip na lang ako kung anong meron sa Wednesday at napamura. Shit! May meeting ang Clubs para sa Christmas Party dahil isang week na lang bago mag-uumpisa ang hell week. Kailangan naming mag-plano kaagad para hindi kami mabother sa exams.


Of all times na minamalas ako, bakit dito pa sa potential lovelife ko?


'Shoot. May club meeting kami sa wed :<< buong hapon' I sent my reply.


Naiinis ako, baka isipin niyang iniiwasan ko siya. Huy KD, gusto ko ring gumala kasama ka pero parang ayaw ng mundo e.


'Oh haha'


'Yun lang ang sabi niya. But before I even got to tell him that we can go out on my last weekend before our hell week starts, he sent another message.


'Sige, goodnight then.'


What? 'Yun na 'yon? Tatapusin na niya ang convo? Wait lang naman!


Constellation of the FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon