11

268 22 22
                                    





Umiwas ako ng tingin at pinatay ang tawag.


Pumikit ako ng mariin, my head's spinning so fast, parang nagti-tilt ang mundo. Fuck this. Lasing na ba ako? Tumawag ba talaga si KD? Binuksan ko ulit ang phone at tinignan ang call logs. May unknown number nga doon. Lumingon ako sa kaniya pero may binubulong siya sa tenga ni Annyka.


What the fuck, exactly?


Pinatong ko ang braso sa lamesa at hinimas ang sentido. Tanginang 'to.


"Huy, okay ka lang?" narinig kong tanong ni Kyle. Tumango ako sa kaniya dahil tinatamad na akong magsalita. Hinanap ng mata ko si Agnes at nakita ko siya malapit sa railings, may kausap na hindi ko kilala.


"Hoy Agnes!" pagsigaw ko na hindi niya narinig.


"Joshua!" Sigaw ko sa kaklaseng malapit sa kaniya. "Si Agnes. Tawag ko." I'm can already tell that I'm so tipsy.


"Hindi pa ba tayo uuwi?!" sigaw ko pagkalingon niya, nanlalaki ang mata like she's telling me that she's busy. I did the 'dead' hand gesture where i'm waving my hand on my neck at hinawakan ko rin ang ulo para malaman niyang ayoko na at gusto ko nang umuwi. Nakita kong lumapit si Jakkob sa kaniya at may binulong na tinanguan niya lang. Hindi man lang ako pinansin at bumalik sa kinakausap. Napairap na lang ako at wala sa sariling inangat ang bote ng beer na hinahawakan ko, iinumin ko na sana nang may pumigil sa'kin.




Lumingon ako at nakita si KD na nakatayo na sa tabi ko, ang isang kamay nakahawak sa kamay kong may hawak na beer.


"Tama na yan. Tara na." sabi niya.


"What?" inangat ko ang tingin para tignan siya sa mata. "Saan mo naman ako dadalhin ngayon?" Ugh. I can't control my mouth now.


Hindi niya ako sinagot at kinuha na lang ng isa pang kamay ang right hand ko.


"Tayo ka na. Alis na tayo."


Wala na akong lakas para makipagtalo kaya sinunod ko na lang. Hinahawakan niya ako sa magkabilang kamay pero pagkatayo ay nanghina ang binti ko kaya muntik na ulit mahulog. Naramdaman kong may sumoporta sa bewang ko. Si Kyle siguro. Nakita ko si KD na bumaba ang tingin sa kaniya.


"Ako na tol." Sabi niya. Napakagat ako ng labi. Tama 'yan. Hindi lang dapat ako ang nagseselos.


"Makakalakad ka ba?" Narinig kong tanong niya. Masyado nang malabo ang paningin ko pero alam kong kaya ko pang maglakad kaya tumango ako sa kaniya. He held my arm as we walked.


I didn't pay attention to our surroundings but moments later, I found myself already standing in front of his red car.


"It's Red!" I shouted as I ran to the door of his car and held the handle. Humarap ako kay KD pero hindi ko makita nang mabuti ang expression niya. I'm just so happy to see his car again!


Nakita kong lumapit siya at binuksan ang pintuan para sa'kin. Inalalayan niya ako pero hinawakan ko ang braso niya at tinaas ang kamay para sabihing 'wait'.


"I think I'm gonna vomit." I closed my eyes.


"Shit, teka lang. Hold it." I'm soooo dizzy I wanna sleep now.


I heard something close. Was that a car compartment? Was that my room's door? Gusto ko nang humiga. Uupo na sana ako nang may humawak sa bewang ko para patayuin ulit.


"Whoa. Here. Dito ka sumuka."



May tumapat na plastic sa mukha ko at hindi ko na napigilan, kinuha ko iyon at nagsuka. Sabi ko na nga ba masama ang tama sa'kin ngayong gabi dahil sa naipong pagod buong week. I was retching so bad I wanted to come out of my skin. Fucking Tequila.


Constellation of the FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon