8

299 26 75
                                    

The only ones speaking inside the car are the three girls at the backseat. For starters, nahihiya akong kasama sila at hindi ko alam kung paano kausapin si KD. I was pretending I'm doing something on my phone nang magsalita siya.


"Okay ka lang?"


Gago. Ikaw ang dapat tanungin kung okay lang dahil anong iniisip mo at bakit mo ako sinama at saan mo ako dadalhin at anong gagawin mo sa'kin?


But of course I didn't tell him those.


"What? Oo naman," natatawa kong sagot, "Bakit naman hindi?"

"Naninigurado lang," he smiled. So hindi nga ako mali sa Starbucks dati. Nakikipag-usap nga siya. Malamang noong una naming pagkikita hindi pa ako kilala kaya hindi masyadong nagsalita diba?


"Saan tayo pupunta?" I finally asked.


"SM. Saan mo gustong kumain?" Wow, medyo speed tayo dito, yes po opo? Mamaya ayaw na niya akong nagsi-skip ng meals at palaging bibigyan ng pagkain. Pa-fall!


Umiwas ako ng tingin dahil sa iniisip. Bwisit 'to bakit ang lakas magpa-kilig when he isn't even doing the bare minimum!


"Kahit saan," sagot ko.


Hindi na siya sumagot at nagpatuloy sa pagda-drive. Nagpark kami sa SM at pagkalabas ng sasakyan ay humiwalay ang kapatid niya sa'min.


"Tawagan kita mamaya," sabi ni Khloe sa kuya niya at kumaway sa'kin, "See you, Celine!"


"See you!" kumaway din ako sa kanila at lumingon kay KD, hinihintay kung saan kami dederecho.


"So, saan yung 'kahit saan'?" he asked sarcastically. I pursed my lips. Ang hilig niyang mang-asar. Nakakainis! Pasalamat siya crush ko siya. Hmp.


"Sorry ha! Hindi ko kasi alam kung saan kakain," sagot ko at pabirong umirap sa kanya.


"E anong gusto mong kainin?" Ikaw. Char.


"Wala 'rin," natatawa kong sagot.


"Ang hirap mo naman," napakamot siya ng ulo. Hala ang cute niya lalo. Pero nag-isip ako kung saan kami pupunta kahit wala akong gustong gawin. Okay naman ako kahit saan kasi magkasama kami.


"Sige, coffee na lang kaya?" Wow Celine, best mo na 'yun? Tinawanan niya ako at umiling.


"Nope. Puro ka na lang kape,"


Napangiti ako. I took the chance para siya naman ang asarin.


"So, avid viewer ka pala ng stories ko?" because there's no way he knew I've been drinking so much coffee in the past 2 weeks if he didn't see all my posts.


He tilted his head on the side like he was thinking, "Maybe,"

Putang 'to. Hindi man lang nag-preno! Ako dapat 'yung nang-asar pero parang ako pa ang natalo.

How to: not make kilig? Gusto kong sumigaw! Mahal na ata kita! Charot.


We ended up at a milktea shop at nag-order siya para sa'min. He reminded me not to have anything with coffee in it so Strawberry Milktea na lang ang pina-order ko. With more ice. Inabutan ko din siya ng pera pero hindi niya tinanggap. Hindi ko na'rin pinilit. Okay, husband.


May bakanteng table kaya tumungo ako doon. Medyo hindi ako komportable dahil naka-uniform pa'rin ako habang si KD ay naka jeans at plain tee na may burda ng brand sa left chest niya. I wonder if wala siyang pasok kanina.


Constellation of the FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon