"Sino ba naman ako para makilala mo? E, ina lang naman ako ng magiging anak mo."
THE FUTURE WORLD OF SONNY.
Ilang segundo kaming natahimik ni Miss Kiara matapos makaalis ni Boss Darry. Wala na sa hulog ang tibok ng puso ko ngayon at hindi na ako masiyadong makapag-isip dahil sa kaba. Anong lusot ang gagawin ko ngayon? Anong kasinungalingan ang sasabihin ko sa tanong na anong ginagawa ko rito sa bahay na pagmamay-ari ng kanilang kapatid. Gulong-gulo na ang utak ko.
“I knew your pregnant and he’s the father,” pagbabasag ulit ni Miss Kiara sa katahimikan. “I have hunches that you are pregnant way before you confirmed it to me. Right after you said it, na-confirm ko rin na ‘yong bayaw ko nga ang ama ng dinadala mo. I was actually the one who suggested na ilipat ka sa Bacolod office. Pero ang hindi namin alam na rito ka pala niya tinatago. We thought you’re just nearby or around the area, renting some space. Ngayon lang namin nalaman. Kung hindi pa namin piniga si Samuel, baka hindi namin malalaman kung saan ka nakatira.”
Pinisil ko na naman ang mga daliri ko habang naghihintay sa mga susunod na sasabihin ni Miss Kiara.
“I’m not galit, Ayla, ha. We don't have the right to, kaya ‘wag kang matakot sa akin, sa amin ni Darry. I know that Sonny’s hiding you to everybody lalo na no’ng may kumalat na issue tungkol sa inyong dalawa. Sonny’s protecting you from people. Maraming kalaban sa negosyo ang pamilya namin, they’re desperate to take us down kaya pinupunterya nila ang personal naming buhay. In your case, ikaw ang ginagamit nila against Sonny.”
Teka, teka, teka, ako’y naguguluhan na!
“Ate Kiara, dinner’s ready.”
Gusto ko sanang magkomento sa sinabi ni Miss Kiara, kaso biglang sumulpot si Boss Darry galing sa kusina kaya nasa kaniya ang atensiyon naming dalawa.
“Let’s go, Ayla!” Pag-aaya niya sa akin. “Is it done, Samuel?” Bago kami tuluyang pumunta ng kusina, nilingon muna ni Miss Kiara si Samuel na abala pa rin sa paggiya sa mga nagbubuhat ng gamit.
“Last na po ‘to, Ma’am K,” sagot niya sabay turo sa isang malaking box na dalawang tao ang nagtutulongang buhatin ‘yon.
“Okay. Ikaw nang bahala sa kanila, ha? After mo r’yan, dito ka na rin mag-dinner.”
Iniwan ko saglit si Miss Kiara para sundan sa kusina si Boss Darry. Maghahanda pa sana ako ng mga kubyertos kaso nang makita ko ang hapag, nakalatag na pala ang lahat, kami na lang ang kulang.
“Oh, my God! Ang sarap tingnan ng adobo! I bet it’s tasty too.”
Biglang sumulpot mula sa likuran ko si Miss Kiara na dirediretso ang lakad papunta sa hapag-kainan.
“Sit down, Ayla.”
“O-Opo…”
Dali-dali akong umupo nang bigla akong utusan ni Boss Darry. Halos sabay-sabay din kaming umupo na tatlo pero hindi agad kami nagsimula kasi mukhang hihintayin pa si Samuel.
Hindi rin nagtagal ay sumulpot na si Samuel, informing us na nakaalis na raw ang nag-deliver ng mga gamit.
Panandalian kong tinitigan si Samuel bago ako nagsimulang kumain.
Talaga bang empleyado lang siya ng mga Lizares? Bakit parang masiyado naman siyang close kina Miss Kiara at Boss Darry? Kung makipagkuwentuhan kasi siya ngayon ay parang kabarkada lang niya ang kaharap niya.
In summary, tahimik ako buong hapunan. ‘Yong kaba ko kasi legit na nasa sistema ko pa. Alam kong hindi pa kami tapos mag-usap at hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Sonny ito. Wala siyang alam dito, ‘di ba? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ito?

BINABASA MO ANG
Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)
Tiểu Thuyết ChungAyla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?