"I just want you to know, Ayla, na I'm not pressuring you to answer me immediately. Like we always say to each other, we'll take things slowly. No pressure, Ayla. Masaya akong malaman na pareho talaga tayo ng nararamdaman. That's enough for me... for now."
THE FRIENDSHIP.
Nagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.
Ilang linggo ulit ang lumipas. ‘Yung trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala ‘yung chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko ‘yon.
“Ayla, pa suyo naman… paki-dala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin ‘tong ginagawa ko,” lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.
“Okay…” sagot ko sabay abot no’ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.
Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny.
Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho sa kani-kanilang table.
“Yes?” tanong agad no’ng babaeng sa pagkaka-alam ko ay secretary ni Engr. Sonny.
“Si Engineer Sonny po?” napansin ko kanina na walang naka-upo sa table ni Engr. Sonny pero nagtanong pa rin ako, baka sakaling lumabas lang.
“Wala po si Engineer Sonny, Miss, may kailangan ka po?” tanong niya ulit.
“May ipapapirma lang po sana ang I.T. dept. sa kaniya, Miss.”
“Sige, iwan mo na lang sa akin. Day-off po kasi ni Engineer ngayon.”
Day-off?
Iniwan ko nga ang folder na iyon sa kaniya at bumalik na sa opisina.
Day-off? Nagde-day off pala siya? Bakit halos araw-araw, nakikita ko siya noong nakaraan at mukhang hindi naman nag-de-day off? Saan kaya siya nagpunta?
“Nand’yan na si Engineer Sonny, Ayla?” tanong agad ni Shame nang makarating ako sa opisina. Umiling ako bilang sagot.
“Mukhang tama nga ‘yung narinig ko sa mga tiga-accounting, umalis nga yata si Engineer.”
“Sa’n naman pumunta si Engineer? May seminar ba?” tanong ko naman.
“Wala naman daw. Ang sabi lang, pumunta raw sa Uno-R to run some errands daw. Pero for sure, nandoon ‘yon para bisitahin si Miss MJ Osmeña, kilala mo ‘yon ‘di ba? Nababalita kasi na may gusto si Engineer do’n.”
Ano?
Natigil ang kamay kong aabot na sana sa mouse ng computer ko dahil sa sinabi ni Shame.
Ilang buwan na ang nakakalipas pero gusto niya pa rin ang babaeng iyon? Mga ganoong salita na ang sinabi sa kaniya, gusto niya pa rin ang babaeng iyon?
“S-Sigurado ba ‘yan, Shame?”
“Oo naman. Matagal nang usap-usapan ‘yan sa ciudad. Hindi na nga ako magtataka kung sila ang ipagkakasundo ng dalawang pamilya e.”
“Ipagkakasundo?”
Ano?
“Oo, ‘yung as in kasal. They’re back at it again. Hindi pa rin nadadala sa nangyari noon kay Sir Decart at ‘yung si Miss Tonette Osmeña. Gusto pa ring i-pursue ang partnership ng dalawang pamilya sa pamamagitan ng kasal. Like damn, nasa modernong taon na tayo ngayon, uso pa rin sa kanila ang kasalang ganiyan? Weird.”
BINABASA MO ANG
Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)
Fiction généraleAyla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?