"Hindi naman po kailangan ng kapalit sa bawat tulong na ibinigay sa ibang tao."
THE SAVIOR.
Nang hindi ko na makayanan ang tibok ng aking puso, ako na mismo ang umiwas ng tingin. Nilingon ko si Fabio at pinilit ang sariling ngumiti sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatingala pa rin siya at pinagmamasdan ang fireworks.
Habul-habol ang hininga, pinilit ko ang sarili kong tingnan ulit ang fireworks pero wala na roon ang isipan ko. Nasa kaniya na.
Minsan lang akong kapusin ng hangin kakatitig sa isang tao. At sa minsang iyon, alam kong may kakaiba talaga sa nararamdaman ko.
Pero imposible. Imposibleng-imposible. Hindi puwede. Paano si Fabio? Oo, si Fabio! Si Fabio Menandro Varca na naghihintay sa akin, na hinihintay ko. Paano? Mali. Hindi puwede. Imposible siya. Bawal.
At kung anu-anong salita na lang ang itinatanim ko sa aking sarili. Kaya kinabukasan, habang pauwi ako sa amin, ‘yon pa rin ang laman ng isipan ko, ang titigan naming dalawa.
Nilabanan ko ang sarili kong hanapin ang kaniyang pangalan sa facebook at google pero sa huli… hinanap ko pa rin.
Isang click lang ng kaniyang pangalan, nakita ko kaagad ang account niya. Hindi kami friends sa facebook at naka-private pa ang account niya. Wala akong masagap na balita tungkol sa mga gusto kong malaman at makita.
Inilapag ko ang cell phone ko sa damuhan at mariing tinitigan ang kaniyang timeline. Ang nakikita ko lang sa kaniyang account ay ang kaniyang profile picture, cover photo, at iilang common na information katulad ng isang pagiging chemical engineer niya sa Lizares Sugar Corporation at kung saan siya nagtapos ng kolehiyo sa parehong kurso na University of Negros Occidental – Recoletos. Ang profile picture niya ay ‘yung nakalantad ang pang-itaas na parte ng kaniyang katawan. Dagat ang nasa likuran niya at nakalagay sa balikat niya ang mahabang buhok niya sa batok, naka-ekis ang braso sa may bandang dibdib na mas lalong nagpa-depina sa kaniyang malaki at mahulmang braso. Samantalang ang cover photo naman niya ay ang larawan nilang pamilya.
Nandito ako ngayon sa maliit na burol. ‘Yung burol kung saan niya sinabi sa akin ang story ni Tungkung Langit at Alunsina. See, hanggang ngayon, tanda ko pa rin. Siya kaya?
Asa ka pa Ayla, hindi nga yata niya alam na ikaw ‘yung ka-usap niya no’ng gabing iyon e.
Tinanaw ko ang paligid at sinimot ang preskong hangin. Sumandal na rin ako sa punong ito at naghintay ng himala.
Dapat natutulog ako ngayon, pambawi sa pagpupuyat na ginawa ko kagabi at sa pagod na rin pero hindi ko talaga kayang ipikit ang mata ko. Sa tuwing pipikit ako, mukha niya ang nakikita ko. Mas lalo pang nadagdagan sa isipan ko ang profile picture niyang ito.
Napabuntonghininga ako at hinayaan ang sariling magpaanod sa hangin.
Maya-maya lang din ay biglang may dumating na himala. Tumunog ang cell phone ko na nagpapahiwatig na mayroon akong bagong mensahe sa kung kanino man galing iyon. Kinuha ko ang cell phone kong nakalapag lang sa damuhan. Hinawakan ko ito sa screen mismo at iniharap sa akin.
Anak ng baboy?
Unti-unting nanlaki ang mata at bibig ko at halos sambitin ko na ang lahat ng santo dahil sa nakita ko.
Kanina ‘Add Friend’ lang ‘yung nakalagay bakit ngayon ‘Request Sent’ na ‘yung nakalagay? Ano na? Ano ang nangyari?
Gulat na gulat at hindi makapaniwala sa nadatnan sa aking screen.
“Anong nangyari?”
Pipindutin ko na sana nang biglang nag-appear na naman sa screen ko ang isang notification na SONNY LIZARES ACCEPTED YOUR FRIEND REQUEST!
BINABASA MO ANG
Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)
Fiksi UmumAyla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?