THE OLD FLAME.
Panghihinayang sa lahat ng nangyari sa nakaraan. Isang pakiramdam na pinakamahirap sagupain.
“Ayla!”
Nabalik ako sa realidad at agad pinutol ang titig ko sa litratong iyon nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko sa dagat ng tao.
“Ayla! Saan ka ba galing? Kanina pa ako nagti-text sa’yo ha!” agad kong nakita ang pagmumukha ni Zubby.
“Dinaanan ko pa—“
“Halika na, baka mawala pa ‘yung ni-reserve kong bangko natin doon e.”
Napa-iling na lang ako sa biglang paghablot ni Zubby sa akin pero nagpapasalamat din na hindi niya binanggit ang tungkol sa tarpaulin na iyon. Kapag nalaman na naman ni Zubby ito, tatalakan na naman ako ng babaeng ito.
Bitbit ang malaking bag ni Sia, nakipagsapalaran kaming dalawa ni Zubby sa medyo masikip na entrance. Mabuti na lang talaga at medyo palaban itong kasama ko, nagagamit ko para mapahawi ang mga taong ito.
Inayos ni Zubby ang salamin niya sa mata nang makarating kami sa puwesto na sinasabi niya. Inilapag ko sa paanan ko ang malaking bag at na-upo na.
“Bakit dito tayo pumuwesto?” tumingala ako para makita ang puwesto kung saan ang side ng eskuwelahan namin. “Bakit hindi roon? Nandoon ‘yung mga schoolmate natin, oh?” sabi ko pa sabay turo sa bandang itaas na iyon.
“Ek, dito na lang tayo, malapit sa mga dancers.”
“May crush ka ba sa mga dancers na tiga-ibang school, Zubby?”
“Luh, hindi ah. Ibinilin kasi ni Fabio sa akin na dito raw tayo umupo para mas malapit sa kanila.”
“E bakit kailangang malapit tayo sa kanila?”
Sabay naming nilingon ni Zubby ang isa’t-isa at nang magtama ang tingin namin, isang malalim na buntonghininga ang isinagot niya sa akin.
“Wala, nevermind,” narinig kong sabi niya pa bago namutawi ang loob ng coliseum ng isang dumadagundong na sigawan.
Isang senyales na sisimulan na ang kompetisyon.
Punong-puno ang coliseum ng iba’t-ibang klaseng tao. Pero mas marami ang estudyante ng high school dahil kailangang suportahan ang bawat eskuwelahan nilang kasali sa cheer dance competition na ito.
Natapos ang usual na pansimula ng program ay nagsi-upuan ang lahat.
“Before we start, let’s hear a short message from our beloved Mayor, Honorable Salvador Sally Montero the Fourth.”
Isang masigabong na palakpakan ang sumalubong sa Mayor ng aming bayan na ngayo’y nasa gitna na ng stage. Nilingon ko siya sa malaking puting tilon kung saan naka-flash ang mas malapitang kuha ng kung sino man ang nasa stage.
“Gusto mo, girl?” nilingon ko ulit si Zubby nang makita siyang may dalang pagkain. Napatingin ako roon.
Hindi pa nga pala ako nanananghalian.
“Teka, hindi ka na naman kumain ng lunch ‘no?” naibalik ko ang tingin kay Zubby dahil sa sinabi niya.
“Nagmamadali kasi ako, galing pa ako sa pag-aabono kaya hindi na ako nakakain sa bahay,” nag-iwas ako ng tingin at muling tiningnan ang Mayor ng bayan na hanggang ngayon ay nagsasalita pa rin.
“Nagpapalipas ka na naman ng gutom. O heto, oh.”
Nakita ko sa harapan ko ang pagkaing kakainin sana Zubby. Pakapalan ng mukha na ito, kukunin ko na talaga ang pagkaing ito dahil gutom na ako.
BINABASA MO ANG
Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)
Fiction généraleAyla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?