“Don’t be sad now, Mommy Ayla, beautiful Chandy is here to save your day!”
THE TEARS.“Hindi ako kilala ng sarili kong anak. Akalain mo ‘yon?” Sarkastiko kong sabi habang nakatingin sa direksyon kung saan nakaupo ang anak ko kasama ang ama niya at si Don Gabriel. Sinubukan ko pang matawa sa sarili kong sinabi pero kahit yata ang maliit na ‘ha’ ay tila lason na sa akin.
Matapos kong halos mag-breakdown kanina sa kusina dahil sa narinig mula sa sarili kong anak at sa biglang pag-alis nilang dalawa without dropping any words ay lumabas ako ng kusina. Sakto namang kararating lang nina Sia at ng pamilya niya kaya agad akong lumapit sa kaniya para ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa buhay.
Isang marahan na haplos sa aking likuran ang una kong natanggap galing sa kaniya. Mas lalo akong pagak na natawa dahil sa sobrang pait ng aking nararamdaman.
“Ano ba kasing nangyari kanina? Akala ko ba hindi pa nakakapunta si Aye rito, ay este si Solano pala, pero bakit parang sobrang lapit naman nila masiyado ni Tito Boyet?”
Para akong hinampas ng isang makapal na kahoy dahil sa sinabi ni Sia. Dahil sa sobrang hinanakit ko sa nangyari kanina, hindi ko namalayan ang mga nangyayari ngayon sa paligid ko. Oo, nakatingin nga ako sa direksiyon ng puwesto ng anak ko pero hindi ko agad napansin ang paglapit na ginawa niya sa Tatay ko. Nakipag-usap siya sa Tatay ko na parang isang normal na tao lang ang nasa harapan niya at masiyadong halata na magkakilala na silang dalawa. Paano? Bakit? Anong nangyayari? ‘Yong sandamakmak na tanong ko kanina, mas lalong natambakan pa ngayon ng libu-libong truck ng pagkaka-confuse.
“May hindi ba ako nalalaman dito?”
“Ayla, may naghahanap sa ‘yo sa labas. Richard daw ang pangalan.”
Nawala sa kanila ang atensiyon ko nang may lumapit na isang kamag-anak sa amin ni Sia at sinabi iyon. Sabay din kaming napalingon ni Sia sa bandang gate ng bahay at nakita rin namin doon si Chard karga-karga si Chandy na kumakaway sa akin at malawak din ang ngiti. Kusa akong napangiti rin nang makita sila. Sabay kaming lumapit sa kanila para salubungin ang pagdating ng mag-ama.
“Hi Mommy Ayla! We’re here!” Maligayang bati ni Chandy nang tuluyan kaming nakalapit sa kanilang dalawa.
Bumaba siya mula sa pagkaka-karga ng kaniyang ama para paulanan kami ng yakap at halik ni Sia. After that, she settled in me, nagpakarga pa talaga.
“Don’t be sad now, Mommy Ayla, beautiful Chandy is here to save your day!”
Pinisil ko ang pisnge niya at mahinang natawa dahil sa sinabi niya.
“Let’s go inside na?” Pag-aaya ko sa kanila bago kung ano pang sabihin ni Chandy.
Karga-karga ko si Chandy habang papasok kami sa loob ng bahay para makapagbigay-galang si Chard at Chandy sa kabaong ng aking Nanay.
Maraming tinanong si Chandy tungkol sa Nanay ko habang nakatayo lang kami roon at malugod ko naman itong sinagot. Imbes talaga malungkot sa mga panahong ganito, Chandy’s questions will always put a smile to my face. She’s so innocent. I like how she’s willing to listen to what you will answer to her questions.
“Magandang gabi po, Tito, at condolence na rin po.”
Napalingon ako sa likuran nang marinig ang pagbating ginawa ni Chard. Lumapit na pala si Tatay sa puwesto namin. At kahit hindi sabihin, kusang inabot ni Chandy ang kamay ni Tatay para makapag-mano. It’s an act of respect na itinuro namin sa kaniya noong nasa NZ pa lang kami. Nakakatuwang tingnan na in-a-apply na niya ngayon ang mga pinagtututuro namin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)
General FictionAyla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?