"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin aware na nakaka-distract ‘yang presensiya mo sa ibang babae?"
THE CABALEN SCENE.
“Sayang at hindi pa natin alam kung anong gender ng bata. Edi sana binili ko na ‘tong lahat na barbie stuffs na ‘to, o. Ang ku-cute!”
Nandito na kami sa department store ng SM, sa may baby’s section. Kanina ko pang pinipilit si Miss Alyssa na nakabili na ng mga gamit si Sonny para sa bata pero nagpumilit pa rin siyang mamili para mas marami raw ang gamit ng bata. Hindi raw dapat kinakapos ng gamit ang isang batang Lizares. Ang sinabi ko lang sa kanila ay ang dede ng bata na lang ang kulang kaya halos mapuno ang cart na dala namin ng iba’t-ibang klaseng babyron.
“Babae ba ang hula n’yo, Miss Aly?”
“Alyssa na lang kasi, Ayla. At saka, oo, sana, para naman magkaroon ng kalaro ‘yong anak ni Kuya Tonton at Kuya Decart.” Wala sa sarili akong napangiti sa sinabi niya. “Kuya Darry, ikaw na munang bahala rito, magsi-CR lang ako,” kinalabit niya si Boss Darry na abala rin sa pagpili ng iilang gamit. “Sama ka, Ayla?”
“Hindi na, A-Aly.”
“Okay, si Kuya Darry nang bahala sa’yo. I’ll be quick.”
Naiwan nga kaming dalawa ni Boss Darry sa isang hallway na punong-puno ng mga pambabaeng gamit.
“Ako, hula ko lalaki ‘yan,” bigla ay sinabi niya ilang minuto nang makaalis si Alyssa.
“Bakit n’yo naman po nasabing lalaki, Boss?”
He chuckled a bit at tuluyang humarap sa akin habang nakapamulsa pa. Ang tanging nasa gitna naming dalawa ay ang cart na marami-rami na rin ang laman.
“Nothing. Nakikita ko lang sa awra mo at saka malakas ang dugo ng lalaki sa pamilya namin. Look at us, naka-six boys talaga si Mom at Dad.”
Pareho kaming natawa dahil sa sinabi niya.
“Tama nga naman. Ang sabi nga rin ni Sonny, lalaki rin ang gusto niya.”
“Oh, so he’s talking to you, huh? Hindi ba siya nagiging rude sa’yo?”
“Hindi naman. Minsan lang din naman kaming mag-usap, e. Minsan lang din kasi siyang pumunta sa bahay niya. Madalas kasi siya sa bayan natin, ‘di ba? Dahil sa trabaho.”
“Bakit kayo magkasama?”
Isang mala-kulog na boses ang nagpatigil sa usapan namin ni Boss Darry. Agad kong tiningnan ang kaliwang banda ni Boss Darry at doon ko nga siya nakita, magkasalubong ang kilay na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Matinding paglunok ang nagawa ko at dahil sa kaba’y hindi ko na alam kung anong gagawin ko lalo na no’ng harapin at pantayan ni Boss Darry ang tindig ni Sonny.
“Ang tanong ko… bakit kayong magkasamang dalawa?” Mababakas ang galit sa kaniyang boses na mas lalong nagpakaba sa’kin.
“We bought some stuffs for the baby, Kuya.”
“Anong karapatan mo para bumili ng mga gamit ng anak niya?”
Nararamdaman ko na ang tension sa kanilang magkapatid. Gusto kong awatin silang dalawa kasi kulang na lang talaga at suntukin ni Sonny ang pagmumukha ng kapatid niya.
“Pamangkin ko ‘yang dinadala niya kaya hindi naman siguro bawal kung pagbilhan ko rin ‘yan ng iilang gamit?”
Bakit ba hindi sabihin ni Boss Darry na kasama namin ang isang pinsan nila na si Alyssa?
BINABASA MO ANG
Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)
Fiksi UmumAyla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?