“I’m doing this because Mom’s right, this is the right thing to do.”
THE PAG-UUSAP.
“Puwede ba nating ipagawa nang mabilisan ‘tong bahay natin? Anong gagawin natin bukas? Anong mga pagkain ba ang gusto ng Don at Donya? May alam ba kayong dalawa?”
Napatingin ako kay Nanay na nagpalakad-lakad na sa mismong harapan ko. Ako nga ‘yong nahihilo kakatingin sa kaniya, e. Kanina pa siya ganiyan, mukhang na-stress nang malamang pupunta nga and Don at Donya sa bahay namin bukas. Maski ako na-stress kakaisip no’n, e.
“Hayaan mo sila, Helen. Hayaan mo silang pumunta sa maliit na bahay na ito. Hindi natin kailangang mag-adjust. Kung gusto nila, sila dapat ang mag-adjust total anak nila ang nakabuntis sa anak natin.”
Napalingon ako kay Tatay na prenteng nakaupo lang sa kaniyang usual na upuan. Opposite ng ekspresiyon ng mukha ni Nanay ang mukha niya ngayon, parang cool na cool siya sa kaniyang pinapanood at mukhang hindi man lang nabahala nang malamang pupunta bukas ang mga Lizares sa bahay. Napatagal ang titig ko kay Tatay.
Totoo kaya ‘yong sinabi ni Justine na minsang naging kaibigan ni Tatay si Don Gabriel? At hindi basta-bastang kaibigan lang kundi isang matalik na kaibigan talaga. Siyempre, malalim ‘yong pinagsamahan kapag ganoon. Ano kaya ang nangyari? Gusto kong malaman. Nakaka-curious.
“Hay naku, kilala pa namang pinaka-eleganteng babae sa ciudad natin si Donya Felicity. Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag tumapak siya sa bahay natin. Tatapak kaya siya?”
Sa wakas ay naisipan na ring umupo ni Nanay sa katabi kong bangko.
“Sinisigurado ko sa’yo, Helen, na papasok sa bahay na ito si Felicithea at ang pamilyang dadalhin niya.”
Felicithea?
Mas lalo akong napatitig kay Tatay nang imbes na Donya ang itawag kay Donya Felicity, tinawag niya ito sa buong unang pangalan niya. Konektado ba ito sa pagkakaibigan nila ni Don Gabriel? Mas lalo tuloy akong na-curious sa nangyari sa kanila. Bakit humantong sa ganito ang buhay namin? Kabaligtaran ng buhay nila? Ano ba ang totoong nangyari?
“Anong klaseng tingin ‘yan, Aylana?”
Anak ng baboy!
Umiwas ako ng tingin kay Tatay nang mapansin niya ang pagtitig ko. Hindi siya nakatingin sa akin at diretsong sa TV lang ang tingin niya pero napansin niya pa rin ang pagkakatitig ko sa kaniya.
“W-Wala po, ‘Tay.”
“Mabuti pa, matulog ka na. ‘Wag mo nang isipin ang mangyayari bukas. Kailangan mo ng pahinga, kaya magpahinga ka na, Aylana.”
“Tama nga ang Tatay mo, Ayla. Pumasok ka na sa silid mo.”
“S-Sige po.”
Sinunod ko ang sinabi ng mga magulang ko at pinilit ang sariling ‘wag nang mag-overthink sa mga bagay-bagay. Nakakapagod pa lang mag-isip. Lalo na ‘yong iniisip mo ay hindi ka rin naman pala iniisip.
“Hoy, Boyet, sigurado ka bang hindi talaga tayo maghahanda? Parang nakakahiya naman sa mga Lizares kung gano’n? Kahit pitasin man lang natin ‘yong mga saging at niyog sa likuran ng bahay natin. Para kahit papaano’y may makain naman sila kapag nakarating na sila rito.”
BINABASA MO ANG
Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)
Ficción GeneralAyla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?