Perfect Couple•First Encounter

57 2 0
                                    

Chapter 1: First Encounter
•Ella Jane•

Kanina pa kami dito ni AJ. Lesson ng lesson sa Math, wala namang pumapasok sa isip ko. Kanina pa rin daldal ng daldal tong si AJ. Nakakatawa nga pinagsasasabi eh.

"Huy, EJ. Gets mo?" Tanong niya. Tawag niya kasi sakin EJ. Ella Jane Cunanan ang buo kong pangalan.

"Hindi nga eh. Teka, wait." Nag-wait sign ako sa kanya. "MARJ!" Lumingon naman si MARJ. Siya si Maria Alessandra Roxanne Jenna Casimiro. MARJ ang tawag namin sa kanya. Ang cool kaya. Matalino, siya yung pinakamatalino samin.

"Hoy, EJ! Anong sasabihin mo?" At bumalik ako sa realidad.

"Gets mo? Di namin gets ni AJ eh." Sabi ko.

"Paturo!" Sigaw ni AJ. Bakit kasi nasa pinakalikod pa kami eh.

"Maya ko na lang i-explain!" Tapos tumalikod na siya.

"Enebenemenyen!" Sabi niya.

"Di na kaya ng brain cells ko!" Sabat ko. Bakit ba kasi di ko toh maintindihan?

Ang hirap pala talaga pag Grade 9 ka na. Ang dami mong di naiintindihan. Buti na lang at malapit na yung 4th quarter exams. Ang kaso, ang daming aaralin!

"Goodbye, class." Naglalakad na palabas yung teacher. Haaay salamat!

"Goodbye and thank you, Ms. Nicerio." Bati namin.

Buti na lang yung next subject madali. Amazing, right? Amazing! Filipino!

10 minutes na yung nakalipas at wala pa rin si Ms. Pecante.

"MARJ, pakitawag na si Ms. Pecante. Baka mapagalitan pa tayo neto eh." Sabi ko kaya tumango naman siya at umalis. "Hey! Quiet!" Sigaw ko sa mga classmates ko.

"Magandang umaga!" Bati ni Ms. Pecante.

"Magandang umaga binibining Pecante!" Bati namin.

"Maupo na."

"Salamat binibining Pecante."

Nag-start na yung klase. Buti pa si Ms. Pecante, ang linaw magturo. Hahahaha! Joke lang!

May pinasagot samin, well, madali lang naman pero---

"EJ, gets mo?" Tanong ni AJ. Tumango naman ako. "Ah ok." Tumango-tango naman siya.

Nang matapos ko yung pinapasagot pinasa ko na agad.

"Tapos ka na?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Yup." Sagot ko naman.

"Pwede ka ng kumain." Sabi ni Ms. Pecante. Nag-thank you ako at lumabas na. Nakayuko ako na naglalakad. Ako pa lang siguro yung tao dito.

*Booogssh*

Napaupo ako. Baka magusot tong uniform ko.

"S-sorry mi---Ella Jane?" Nagsalita yung lalaki habang tumayo ako at inayos yung damit ko. Anyway, bakit ba trip ng mga taong sabihin yung buong pangalan ko?

"Kilala mo ko?" Tumango naman siya.

"Sikat ka kaya dito sa school na toh. Anyway, bakit ka nasa labas?" Ah oo nga pala. Sikat ako dito.

"Pinag-recess na ako. Natapos ko na yung pinapasagutan eh. Eh ikaw?"

"Same. Teka, kilala mo ba ko?" Tumingin ako ng mabuti sa kanya. Oh shocks! Oo nga pala! Pano ko yun makakalimutan? Siya si...

"Jonathan Roy Bernadino?" Tumango siya. "Shoot! How can I forget! Ikaw...ikaw yung pinakasikat na heartthrob dito sa campus!" Napahawak tuloy ako sa ulo ko.

Crush ko rin siya eh.

I heard him chuckle, "Sige. Una na ako sa canteen." Naglakad siya lagpas sakin. "Ay, wait, diba ikaw yung nasa section 2." Waaah! Siya yung pinakasikat sa Section 1. Ang talino, grabe!

"Ah oo. Ako nga. Bakit?" Did I just see him smile?

"Wala wala. Sige una na ko. Bye and nice to see and meet you, Ella Jane." Ngumiti siya. Emeged! Pamatay yung ngiti. Ay! Lande! Hahahaha!

"Wait!" Did I just do that? "You can call me EJ." Ngumiti ako sa kanya tapos umalis na rin ako. Naglibot ako sa buong campus. Ang dami na rin palang tao. Pinagtitinginan ako ng mga tao.

"Uy pre. Si Ella Jane oh. Grabe! Ang ganda niya!" Rinig kong sinabi ng mga lalaki.

"Bhe. Pa-picture tayo kay Ella Jane. Ang ganda niya." Sabi rin ng mga babae. Kaya lumapit sila sakin. "Hello po Ate Ella Jane. Pwede po bang magpa-picture?" Tumango naman ako. "1...2...3." Click! "Thank you po!"

"Walang ano man." Ngumiti ako sa kanila then umalis na sila. Pero narinig ko yung bulong nila.

"Ang ganda niya talaga." At doon napangiti ako.

Isa pa, hindi ko makalimutan yung encounter namin ni CRUSH. Kilala niyo na yun...siya lang naman si Jonathan Roy Bernadino. Ayiiee Kilig Much!

'I hope I can see you again.' Sabi ko sa sarili ko. Habang nakangiti. Shoot! Di ako maka-get-over.

Perfect Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon