Chapter 13: Preparation
•Ella Jane•December 16 na ng hapon. Uwian na rin namin. Hindi natuloy yung pag-aayos namin kasi busy daw yung mom ni GEM sa pagawa ng gown para sa kliyente niya. Nandito kaming mga babae sa kwarto ni GEM. Kasama rin si Nika. Ang ganda ng kwarto niya! Super!
"Ma'am Grace, pinapatawag na po kayo sa opisina ng mama niyo." Sabi ng personal maid ni GEM.
"Ah sige po, manang. Salamat!" Sabi ni GEM tapos lumabas na yung yaya niya. "Tara na guys!" Nanguna na siya pero tumigil siya at humarap. "Oh! And speak in English." Tapos ngumiti siya ng pa-loko.
Ang laki ng bahay nila. Pramis! Yung dining nila pabilog tapos naiikot pa yung...ano...ano uli yun? Ah! Basta! Hahaha! Yung kitchen nila, ay grabe! Tapos yung living room nila may 5 sofa. Yung 2 sofa-bed, yung 2 parang bean bag tapos yung isa mahabang sofa.
"Ready na kayo guys?" Tanong samin ni GEM. Tumango-tango kami. Tapos nagsalita siya sa intercom. Oh diba? May intercom pa. "Ma, this is Grace, can I come in?" Tapos binitawan niya.
"Yes anak." Tapos nagbukas yung pinto. Grabe, ang ganda, full of dresses yung kwarto niya. May mga evening gowns, prom gowns, party gowns and many more. Paradise!
"Ma, you know the event, right?" Tanong ni GEM.
"Yes. And susukatan ko na kayo now na." Sabi ng mommy ni GEM. "Girls, you may seat. And you can speak to me in Tagalog. I know that my daughter told you to speak in English but it's okay." Nusblid!
"Loka ka teh!" Pabulong na sabi ni AJ pero tumawa rin sila.
"So, let's start?" Tanong ni Tita.
"Yup." Sabi ni GEM at nag-agree rin kami.
"Sinong mauuna?" Tanong ni Tita. "PIa, come here. Ikaw na lang."
"P-po?" Tapos tumango-tango yung nanay ni GEM. Lumapit naman agad si PIa.
-----
After mag-sukat ni PIa at pumili ng style ng dress niya sa loob ng 1 hour. Yes, an hour. Pano ba naman, ang tagal pumili ni babae. Hahahaha!"Next is my daughter." Tapos pumunta na si GEM sa mama niya.
-----
Ang tagal! 1 hour and 30 minutes na yung nakalipas, di pa rin tapos yun."Hey guys!" Bati samin ni GEM. "Sorry kung natagalan, pinag-usapan lang namin ni Mama si PJ. You know naman, nanliligaw na." Then she winked.
Ah! Kaya pala!
"So who the next?" Pabirong sabi ni PIa.
"Si AJ daw." Diretsong sagot ni GEM.
"A-ako?" Tanong ni AJ, kinakabahan po siya.
"Ay hindi! Yung pader! Ikaw na daw yung next, pader." Sarkastikong sabi ni GEM tapos sinamaan ng tingin ni AJ si GEM.
"Eto na nga diba?" Sabi ni AJ na tumayo. Tumawa naman kami ng pumasok siya sa fitting room na sobrang luwag.
Wala pang 1 hour, tapos na siya. Ang bilis. Siya pinakamabilis. Amazing!
"Grabe! Ang ganda mga vhe!" Manghang-mangha si AJ.
"Alam na namin yan!" Sabay-sabay naming sabi kaya tumawa kami.
"Edi go!" Sabi ni AJ. "Next ka na daw, MARJ." Si MARJ tumayo agad. Masunurin eh. Hahahaha!
"K dots." Sabi rin ni MARJ.
"Hoy babae! Bilisan mo ah! Alam kong mabagal ka kumilos!" Sabi ko.
"Opo!" Then she chuckled.
-----
"Ikaw na daw, EJ." Sabi ni MARJ na kakalabas lang. Alam niyo ba kung ilang oras siyang nanduon? It took her 2 hours for goodness sake!Time Check: 8:01 pm
Emeygesh! Di pa ako nakakatawag kay Mama.
"Si Nika muna, tatawagan ko muna si Mama." Tumango naman sila. "Excuse me!" Pabiro kong sabi.
[Dialling Aa Mama]
"Hello anak. Where are you? You didn't tell me kung san ka pumupunta. Alalang-alala kami. I asked our yaya and driver pero di daw nila alam. Yu---"-Mama
"Hey hey hey ma. I'm okay. Actually, I'm at GEM's house."-Me
Kilala ni Mama sila GEM eh.
"Good. What time will you be home?"-Mama
"I don't know. But I'll just call our driver."-Me
"Okay. Sa susunod magpaalam ka. Bye! Love you!"-Mama
"Bye! Lavyah too!"-Me
Tapos binaba ko na. Pumasok na ako sa loob and nandun pa rin si Nika. Hindi ba siya pumasok?
"Tapos ka na Nika?" Tanong ko.
"Oo. KANINA pa!" She emphasized the word KANINA. "Anong oras ba ako natapos?" Tanong niya.
"10 minutes lang." Woah! 10 minutes?
"A-ah. Okay." Tapos pumasok na ako.
"Hi po Tita!" I said happily.
"Hi sweetie! Alam mo nake-kwento ka sakin ni GEM. Ikaw daw pinakamaganda tapos pangalawa si AJ then pangatlo daw si MARJ." Tapos tumawa siya ng mahina.
"Really po? Di naman po ako maganda. Actually, si PIa po yung pinaka---" She cut me.
"Kasi alam mo, sweetie, yung iba maganda lang kasi maputi." Sabi ni Tita.
"Ah ok po." Sabi ko.
"Kayo ni AJ. Natural talaga ang beauty niyo. Si MARJ rin." Nakangiting sabi ni Tita.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa matapos niya na akong sukatan.
"Oh pili ka na." Wow! Ang gaganda! Kaya pala ang tagal nila, nahirapan silang pumili. Hahahaha!
-----
"Hay salamat! Lumabas rin!" Sabi nila ng sabay-sabay."Bakit? Ilang oras ba akong nanduon?" Tanong ko.
"45 minutes." Tumawa sila tapos nag-peace sign.
Time Check: 8:57 pm
Biglang lumabas yung mama ni GEM, "Girls, sa 18 mare-ready yung dress niyo. And if you want, sa 19, dito na lang kayo magbihis." Naka-taas yung both eyebrows ni Tita habang nagha-hand gestures siya.
"Ah o sige po. Try ko pong magpaalam." Sabi ko.
"Sige po." Pag-agree ni PIa.
"I'll try po. Kasi po baka ayusan ako ni mama." Sabi ni AJ.
"Dito na lang sabihin mo sa mama mo." Sabi naman ni Tita.
"Sige po. Ok lang po ba talaga?" Pag-aasure ni AJ.
"Yes naman, dear." Tumango naman si Tita. "Teka, what time is it ba?"
"5 pm to 6:30 pm daw." Sabi ni Nika. "And Tita, pwede po ako."
"Ako rin po tita." Sabi rin ni MARJ.
"Okay then." Sabi ni Tita.
Pagkatapos naming magchit-chat, nagsiuwian na kami. Kinuwentuhan kami ni Tita ng mga bagay-bagay tapos pinakita niya samin yung mga album na punong-puno ng pictures ni GEM nung bata pa siya. Ang cute niya! Super! Hahaha!
Nang makauwi ako nun, kumain uli ako. Matakaw nga kasi ako! Hahaha sorry na! In-interview rin ako nila mama tungkol kung anong nangyari. Ay ewan!
Umakyat ako ng room, tapos dumiretsong kama.
Time check: 9:15 pm
Pagod na ko! And nakatulog na ako. Zzz.

BINABASA MO ANG
Perfect Couple
RandomMaganda ka, gwapo siya Mabait ka, mabait rin siya Masipag ka, masipag rin siya Matino ka, matino rin siya Friendly ka, friendly rin siya Mayaman ka, mayaman rin siya Sikat ka, sikat rin siya Perfect kayo, perfect maging couple. Kaso nga lang, Torpe...