Chapter 3: Famous
•Ella Jane•Boredom! Buti wala pa yung teacher. Kaya nag-decide akong mag-selfie. Selfie Lord ako noh. Hahahaha!
"Guys, tara, sama kayo." Aya ko sa kanila.
"Wait. Ilalabas ko lang yung monopad ko." Sabi ni PIa. Really? Dala niya yung monopad niya?
"Game! Game!" Inayos ni AJ yung phone ko sa monopad. "Game!" Sinet niya na yung timer.
"Nuxx! Ganda niyo ah!" Sabi ng classmate naming lalaki.
"Manahimik ka nga." Sigaw ni MARJ. Pinakamaingay kasi yung nagsalita kaya nakakairita.
Tinignan ko yung relo ko. 11:56 am na pala. Yosh! Malapit ng mag-lunch!
Subject namin ngayon is A.P.. Ay nako! Eto rin nakakatamad pero akalain niya nasa Top 7 pa rin ako. Actually, Top 3 ako eh. Top 1 si MARJ and Top 2 si GEM. Huhuhu! Always na lang pero ok na ko dun.
Excited na ko mamaya! Kasi makikita ko uli si JR. And, alam ko naman na excited rin sila. Hahahaha sila pa kaya.---
*Krriinngg*
Yosh! Gutom na rin ako.
"Taralets guys!" Aba! Spell Excited, G-E-M. Hahahaha!
Nung lumabas kami. Napalingon agad kami sa mga babae. Teka, sa section 1 yun ah. Ay grabe! Sila na. Sila na yung madaming fans! Hahahaha!
May lumapit sa aming 5 lalaki. May hawak na tigi-tig-isang flowers.
"Para sayo." Ngek! Sabay-sabay talaga ha.
Agad naman na kinuha nila MARJ, AJ, GEM, PIa yung flower.
"Thank you po." Sabi ni AJ tapos ngumiti.
"Thanks." Sabi ni PIa tapos tumingin sa bulaklak.
Si GEM naman ngumiti muna, "Salamat!"
Si MARJ, she only mouthed 'Thank you' pero ngumiti pa rin yung nagbigay.
Humarap ako sa nagbibigay sakin. Ino-offer pa rin niya kaya kinuha ko na, "Salamat po." Then I grinned.
Umalis na sila ng tuwang-tuwa. Ay grabe! Kakaiba talaga pag famous kayo ng mga kaibigan mo noh?
Tumingin uli ako sa gilid namin tapos I saw them looking at us, "Uhmm...Guys, nakatingin sila satin." Sabi ko. Mukhang nagulat naman sila kaya napatingin rin sila sa mga boys.
Nagulat na lang kami nung di nila kami pinansin. Oh-kay, whattup?
-----
Kanina pa sila hindi umiimik, walang nagsasalita. Puro nguya lang nila yung naririnig ko."Guys, b-bakit ang tahimik natin?" Tanong ko. And yes, natin.
"Bakit ganun?! Kanina lang pinansin nila tayo," Humina yung boses ni PIa, "tapos ngayon...parang wala lang. Parang wala lang yung nangyari." Tinuloy ni PIa.
"Ganun daw talaga pag famous, sa una ka lang papansinin tapos maya-maya...BOOM! Wala na." Malungkot na sabi ni GEM.
We all sighed. Ang hirap pala pag nag-mahal ng famous noh? Bakit nagmahal? Dapat crush lang! Baliw na talaga ako!
Bakit pa kasi kami naging famous dito? Dami tuloy fans and haters.
Being famous is not what I've been dreaming.
BINABASA MO ANG
Perfect Couple
De TodoMaganda ka, gwapo siya Mabait ka, mabait rin siya Masipag ka, masipag rin siya Matino ka, matino rin siya Friendly ka, friendly rin siya Mayaman ka, mayaman rin siya Sikat ka, sikat rin siya Perfect kayo, perfect maging couple. Kaso nga lang, Torpe...