Perfect Couple•Torpe

11 2 0
                                    

Chapter 7: Torpe
•Jonathan Roy•

"Ano?!?!" Nag-react sila. Nakwento ko na kasi yung nangyari kanina. Eh sila, naamin na daw nila. Gawain daw yun ng di TORPE. Edi sila na!

"Bakit pre?!" Pasigaw na tanong ni CaLoY. I just shrugged. "Anong klaseng sagot yan?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Eh!" Nafu-frustrate tuloy ako! "Oo na! Ako na torpe! Ayoko lang namang ma-reject! Tsaka imposible namang magustuhan niya ko." Yun talaga yung nakakalungkot eh.

"Tsk. Nagco-conclude ka kasi agad." Cool na sabi ni TJ.

"Tch." Sabi ko.

Bumukas yung pinto. Sila pala yun. Pero bakit may kulang? Si EJ.

"Hi." Nahihiyang sabi nila.

"Si EJ?" Sht! Baka mapaghalataan ako! Nubayan kasi! Manahimik ka ngang bibig ka!

"May naiwan daw sa locker." Sabi ni AJ.

•Ella Jane•

Ano uli kukunin ko? Ayun! Dami ko na namang dadalhin. Kinuha ko na tapos isasara ko sana yung locker pero nalaglag yung mga dala ko.

"Ay!" Sigaw ko. Pinulot ko yung mga gamit pero nabigla ako nung may tumulong sakin. Lalaki. "S-salamat." Tumayo ako.

"Tulungan na kita. Section 1 ka rin diba?" Tanong niya. "Ako si Jasper Martin Reyes." Nag-offer siya ng hands, tinanggap ko naman.

"Ah. Section 1 ka rin?" Tanong ko.

"Oo. By the way, di mo na kailangang magpakilala. Kilala na kita, Ms. Ella Jane Cunanan." Nag-smile siya. Tapos nag-chuckle ako. "So? Pwede na ba kitang tulungan?"

"Ah..eh..wa---" Pinutol niya sasabihin ko.

"I don't take no for an answer."

"Sige na nga!" Binigyan ko siya ng kalahati.

Habang naglalakad kami papuntang room, nagke-kwentuhan at nagtatawanan kami. Joker pala toh eh. Hahahaha! Pumasok kami ng room tapos tumingin silang lahat sakin at kay Jasper. Yung seryosong mukha.

"G-guys, si Jasper pala." Sabi ko. Si PIa, AJ, MARJ at GEM nagpakilala. Tapos yung mga lalaki dun, nagdadalawang-isip magpakilala. Aba! Anong meron?

"TJ pre!" Tinanguan naman siya ni Jasper.

"JP nga pala." Binigyan niya si Jasper ng manly hug.

"Pre, CaLoY."

Tapos si JR naman di namamansin. Luh?! Problema nun?

"Huy pre!" Sabi ni TJ.

"Ge lang." Sabi ni JR. Nagsi-chuckle naman yung mga lalaki.

"Si JR yun. Yaan mo na yun, may sumpong lang." Sabi ni JP.

"Ah ok lang." Sabi ni Jasper.

•Jonathan Roy•

Nagstart yung klase tapos yung dalawa sa likod ang ingay. De joke lang pero I'M BOTHERED! Ewan ko kung anong nararamdaman ko pero bakit ganito?

"Baka maunahan ka." Bulong sakin ni JP na tumatawa. Seryoso?! Nang-aasar ba toh?!

"Manahimik ka nga!" I whispered pero tumatawa pa rin siya.

"Mr. Cristobal! Get out of my class." Sigaw ni Ms. Isidro. Ay eto! Strict at nakakatakot toh eh. Agad namang sumunod si JP.

"Buti nga sayo." Pang-aasar ko sakanya pero binelatan niya ko.

"You too, Mr. Bernadino!" Whaaaat?! Sumunod rin ako agad.

Nang lumabas kami may sinabi siya, "Sinadya ko talaga yun." Tapos tumawa siya.

Binatukan ko, "Loko ka!"

"Kasi naman pag ikaw naunahan, pano pa kaya yan? Tignan mo kaya si Jasper, pogi naman, mabait, matalino rin kasi nasa honors. O, di imposibleng magka-gusto si EJ sa kanya." Anubayan!!

"Manahimik ka nga! Kanina ka pa eh!" Sabi ko.

"Torpeeee!" Nang-aasar talaga toh eh noh!

Perfect Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon