Perfect Couple•Jealousy

22 2 0
                                    

Chapter 9: Jealousy
•Ella Jane•

"Guys, meet Nika, Nika meet MARJ, PIa, AJ and...EJ." Sabi ni JR.

Bakit ganito yung nararamdaman ko? Yung feeling na something's stabbing my heart.

Nag-hi sila kay Nika. Well, maganda siya. Mas maganda siya kesa sakin. Mabait naman.

"H-hi." Sabi ko. "A-ah sige. M-may pupuntahan lang ako." Nag-sign na rin ako sa kanila na wag na akong sundan. Tinawagan ko na lang si Jasper.

[Dialling Jasper Martin Reyes]

"Oh, Ella, napatawag ka?"-Jasper

"I-I need you."-Me

"Wait...nasan ka?"-Jasper

"Garden."-Me

"Sht! Umiiyak ka ba? I'm on my way."-Jasper

Tapos binaba niya na yung phone. Nandito ako sa garden. Nagmu-muni-muni. After 3 minutes dumating si Jasper. Hingal na hingal. Nilapitan niya ko then umupo siya sa tabi ko. Then I hugged him.

"Shh...anong nangyari?" Tanong niya habang hinahagod yung likod ko.

"Bakit ganito? Bakit ganito nararamdaman ko? Crush lang naman eh. Pero nung nagkaroon siya ng girlfriend, yung puso ko parang sinasaksak ng maraming beses." Sabi ko.

Tinanggal niya yung hug namin tapos pinunas niya yung luha ko, "Tell me."

"S-si JR." Diretsong sagot ko.

"I knew it." Then he sighed.

"A-alam mo?" Tanong ko.

"Ramdam ko sa kilos mo." Sabi niya ng di nakatingin sakin. Tapos humarap siya sakin, hinawakan niya yung mukha ko, "Look, I-I like you ok? Ayokong nakikita kang nagkakaganyan."

"S-sorry." Napayuko na lang ako. Hinug niya ko and hinagod yung likod ko.

"Shh...ok lang. Basta pag may problema ka nandito lang ako." Tinanguan ko lang siya.

Minu-minuto ang nakalipas, nag-bell na. Sabi ko kay Jasper, mauna na siya pero ayaw niya hihintayin niya daw ako. Nag-ayos kasi ako sa CR kaya ayun.

"Hoy beh! San ka nanggaling?" Tanong ni AJ.

"S-sa garden." Sagot ko.

"Eh bakit kasama mo yun?" Tanong naman ni GEM.

"Nagkataon lang na nagkita kami dun." Sabi ko. Tapos nagsitanguan naman sila. Sinilip ko kung ano yung nangyayari kay JR. Haaay! Mukhang masaya naman sila.

Aray! Yan na naman yung feeling.

"Teh, aminin, ano ba talaga kayo ni Jasper?" Ang kulit naman neto ni PIa.

"We're just friends. Really." Sabi ko.

"Sure?" Tanong niya.

"Yup."

"K."

RECESS

"Lika na Niks." Rinig kong aya ni JR kay Nika. Kinuha naman ni Nika yung kamay ni JR. Narinig kong nag-'Tch' si PIa tapos yung iba wala lang.

Biglang hinila ni Jasper yung kamay ko, "Hiramin ko muna si Ella." Siya lang talaga tumatawag sakin niyan.

"Uy! San tayo pupunta?" Tanong ko habang hinihila niya kamay ko.

"Libre kita."

"S-sige. Bye guys!" Para makaalis na rin ako dun.

•Jonathan Roy•

"Guys may sasabihin ako sayo tungkol samin ni Nika." Sabi ko sa mga babae.

"Ano?" Sabay-sabay nilang tanong.

"Pretend girlfriend lang siya." Sabi ko.

"What?!" Sabay-sabay uli nag-react. Tapos tumango ako.

"Bakit?" Tanong ni AJ.

"Para malaman namin kung may gusto ba si EJ kay JR." Sabi ni JP.

"Stupid idea." Napahawak naman sa noo si MARJ.

"Huh? Pano naging stupid?" Tanong ni TJ.

"Pagseselosin niyo yung tao? Hay nako!" Sabi ni MARJ.

"Tss. Maki-ride na lang kayo, pwede?" Pabirong sabi ni Nika. Nagsi-tanguan yung mga babae.

"Tara na." Aya ni CaLoY.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng room, hinanap namin sila EJ at...Jasper. Naalala ko yung kanina! Yung hinila ni Jasper si EJ. Grabe! Tapos pumayag pa siya. Nakita namin sila dun, nagtatawanan.

"Yo guys!" Sabi ni GEM.

"Oh! Hi! Upo kayo." Sabi ni EJ. Inalalayan ko si Nika umupo, para naman mas kapani-paniwala.

"Niks, may gusto ka ba?" Tanong ko.

"Ikaw lang sapat na." Galing umarte ni Niks ah.

"Ayiiieeee!" Sigaw nilang lahat except kay Jasper at EJ na para bang seryosong nag-uusap.

"May masakit ba sayo?" Bulong na tanong ni Jasper pero narinig namin.

"W-wala." Sabi ni EJ. Pero obvious naman dahil nakahawak siya sa puson niya.

"Tss. Lika na. Dalhin na kitang clinic." Tumayo sila at umalis. Okay? I felt my heart being stabbed.

Perfect Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon