Perfect Couple•Ignore

35 2 1
                                    

Chapter 15: Ignore
•Ella Jane•

Kanina pa ako tinatawagan ng mga babae kung nasan na ako, kung okay lang ako...Well, the answer is no. Ano naman kung break na sila? Oo, sumaya ako pero nandun pa rin naman yung, magkakagusto siya sa iba at magiging sila. Ang sakit lang kasi eh.

May kumatok, "Ma'am ElAne, yung mga kaibigan mo po, nasa baba."

"Ah sige po, thank you." Tapos narinig kong pababa na rin yung kasambahay namin.

Maaga kasi akong umuwi, nagtaka rin naman sila. Kasi ako yung kadalasang umuuwi ng late saming lahat. Bumaba ako tapos naka-hug na lang sila sakin.

"Uy guys, kalma, anong meron?" Tanong ko.

"Pinag-alala mo kami! Alam mo ba yun?! Kaibigan ka kasi namin! Sana nagsasabi ka ng problema mo. Kaya nga kaibigan diba?" Natawa ako kasi sabay-sabay pa talaga sila.

"Sorry na." Tapos di nila ako pinansin. "Asus! Tampo naman sila." Pabiro kong sabi. "Alam ko namang di niyo ko matitiis eh. Yiiee! Bati na tayo." Then I heard them sigh. Yeah! Panalo na ako!

"Ano ba kasi talaga yung problema?" Tanong ni AJ.

"Alam niyo na yun." Tapos umiwas ako ng tingin.

Hinawakan ni MARJ yung kamay ko, "Break na sila---" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Oo nga, break na sila pero dadating naman yung oras na magkakagusto uli siya sa iba tapos magiging sila. Sino ba namang di humi-hindi dun, diba?" Napatahimik sila.

"Ok, di ko na kaya guys, I can't keep a secret sa kinakapatid ko." Sabi ni PIa.

"Wait, kinakapatid?" Tanong naming lahat.

"Mhm!" She nodded. "Kinakapatid kita sabi ni Yapi." Yapi ang tawag niya sa daddy niya. "Anyways, back to earth, may sasabihin ako sayo." Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "AlamNaminYungPlanoNiJR.OoPlanoLahatNgIyon,SorryKungDiNaminSinabi!" Ang bilis niyang magsalita. Ngayon naman hingal na hingal siya. Hindi ko naintindihan...konti lang.

"Ano?" Tanong ko uli pero I'm chuckling.

"Alam. Namin. Yung. Plano. Ni. JR." Sabi uli ni PIa.

"What? Anong plano?" Okay, now I'm really curious.

"Plano niyang gamitin si Nika para daw malaman niya na may gusto ka sa kanya." Nakayukong sabi ni PIa. "Sorry kung di namin sinabi." Dagdag niya then she sighed.

"And I told them it was a stupid idea." Napatingin naman ako kay MARJ na cool niyang sabi pero she has a nervous face right now.

"NuBaKayo! Okay lang yun." Nagulat naman sila sa sinabi ko.

"Di ka man lang galit? Tampo? Inis?" Tanong ni GEM.

"Well, inis, oo pero di sa inyo. Sa kanya." Naluluha na naman ako. "Hindi niya ba napapansin? O sadyang manhid lang? Ang sakit kasi neto eh." I pointed my chest.

AJ sighed, "Alam mo bhe, ganyan talaga, akala ng tao na crush lang pero love na."

"L-love?" Nauutal king tanong but then AJ nodded.

"You love JR. Di mo lang kayang aminin kasi takot ka. Takot kang malaglag dahil baka hindi ka niya masalo." Sabi naman ni GEM.

"Siguro nga." Mahina kong sabi.

Nagising na lang ako ng may tumutunog sa tabi ko. Phone ko lang pala.

[AJ Jarina calling]

"Bhe."-AJ

"Hi!"-

"Anong oras na at wala ka pa dito sa school?"-AJ

"It's 6:38."-Me

Hindi siya sumagot, ngayon lang pumasok lahat.

"Omaygash! Bye na bye muna!"-Me

Binaba ko na yung phone tapos nag-handa na. Naligo, nagtoothbrush at nagbihis na pang-uniform.

Time check: 7:00 am

15 minutes na lang! Nagmamadali na alaga ako. Promise! Ayokong nale-late at naga-absent.

"Kuya Edgar, pahatid naman po sa school oh." Sabi ko.

"Sige po Ma---ElAne." Sinuot niya yung uniform niyang pang-driver. Mabilis lang naman ang ride sa school kasi malapit samin.

Nagpatugtog uli ako sa iPod ko.

Now Playing: Black Widow by Iggy Azalea ft. Rita Ora

Ang ganda netong kantang toh! Ang ganda ni Iggy and ni Rita Ora diyan. Naalala ko tuloy si AJ Lee, yung sa wrestling. Yes, nanonood ako ng wrestling. Sino pang nanonood diyan? Pero puro babae lang pinapanood ko. ang violent kasi pag sa lalaki.

"Mmm..." Sinasabayan ko yung tune ng kanta pero di ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng school. Enebeyen! Ang ganda ng kanta eh.

"ElAne, yawag na lang po kayo sakin pag magpapa-sundo na po kayo. Pinagbilin po ni Ma'am Cunanan." Sabi ni Kuya Edgar.

"Sige po." Tapos lumabas na ako. Pagkapasok na pagkapasok ko, niyakap ako ng mga babae. "Omph! Anyare sa inyo?" I chuckled.

"Ok ka lang ba?" Tanong ni MARJ.

"Hindi na ba masakit?" Alam ko yung tinutukoy ni GEM.

"Ok lang ako guys. Ano ba kayo?" Sabi ko naman. Tapos nakita ko yung mga lalaki sa likod namin. Including JR. Nginitian ko silang lahat except si JR. Aaminin ko, masakit pa rin pero okay na ko.

"Tao kami." Sagot nilang lahat. Aba! Namimilosopo pa.

"Ewan ko sa inyo." Umiling-iling ako pero nakangiti rin. "Tara na, baka saraduhan pa tayo ng pinto." Sinasaraduhan kasi ng pinto yung mga late tapos magsa-start silang magpray at mag-national anthem. Sumunod naman sila sakin, pumasok na kami sa room. 5 minutes pa at magbe-bell na kaya nagheads-down muna ako at nagmuni-muni.

"Bhe, tayo na. Nag-bell na." Sabi ni AJ. Oh? Nag-bell na? Bat di ko narinig?

"Weh?" Di talaga ako naniniwala.

"Oo nga!" Sigaw niya sakin pero di naman ako nalakasan. nagulat na lang rin ako kasi sinampal niya ako ng pabiro.

"Hahahaha! Eto na eto na!" Natatawa pa rin ako.

Nag-start na kami mag-pray ng 'Oh Heavenly Father'. Buti pa dito sa section one, may respeto at nagpaparticipate sila. Eh dun sa section two, ay grabe! Maiinis ka talaga! Tapos na kami nag-pray tapos kumanta na rin kami ng 'Bayang magiliw'. Parati nga kaming pinapagalitan dun sa section two eh. Pero okay lang. Miss ko na rin sila.

"Good morning." At nagpatuloy mag-lakad si Ms. Isidro.

"Good morning Ms. Isidro." Tapos pinaupo na kami.
-----
Recess time na at magkakasama na naman kami. Naglalakad. Ang awkward nga lang kasi...eto yung magkakatabi habng naglalakad.

Nika Jasper Ako JR PJ GEM TJ AJ MARJ CaLoY PIa JP

Oh diba? Magkatabi pa kami. Nakikita ko nga sa peripheral vision ko na panakaw-nakaw siya ng tingin sakin. Kanina pa rin niya ako kinakausap pero dine-deadma ko siya. Masama ba? Sorry na!
~|~|~|~|~|
Hi mga readers na mahal na mahal ko! Hahahaha! Gusto ko lang magpasalamat dahil patuloy niyo pa ring binabasa tong story ko. Hahahaha! Di rin ako makapaniwala na nasa 150+ reads na ito. Hahaha salamat talaga! Btw, yung mga gowns nila na susuotin sa masquerade ball yung nasa multimedia section. Hahaha! Labmats! :*

Please VOTE, COMMENT, be a FAN or a FOLLOWER. Salamat po! Okay itigil na natin tong kabaliwan ko. Hahaha!

Perfect Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon