Perfect Couple•My Friends

36 2 0
                                    

Chapter 2: My friends
•Ella Jane•

Kumakain na nga pala kami ng mga kaibigan ko. Nakalimutan ko nga pala silang ipakilala sa inyo.

Kilala niyo naman na si AJ. Si Amanda Jessa Jarina. Ang pinaka-close ko sa aming magkakaibigan.

Si MARJ, Maria Alessandra Roxanne Jenna Casimiro, kilala niyo na rin. Siya yung hinihingan namin ng tulong tuwing nahihirapan kami sa mga subjects na di namin maintindihan.

Tapos, si Princess Ianne Caoile naman, in short PIa, yung pinaka-malupit samin. Baliw yan eh, daming nalalaman.

(A/N: Ianne is pronounced as A-YIN)

Yung competetive naman samin is si Grace Emma Miranda Balonso a.k.a GEM. Top 2 yan sa section namin. And mag-bestfriend sila ni MARJ. Pareho silang weird. Hahahaha joke lang po!

And lastly, ako, I'm Ella Jane Cunanan. Simple lang ako. Nasa akin na daw ang lahat pero may kulang. Yun ay yung magmamahal at mamahalin ko. Hahahaha charaught.

"Bhe, tapos na sa pagde-daydream?" Panira talaga tong si AJ.

"Nung ginulo mo ko, oo, tapos na." Nagsitawanan naman kami sa sinabi ko.

Bigla naming nagsi-tilian yung mga babae. Ano kayang mga problema nila?

"Dumaan na siguro sila." Sabi ni PIa. Huh? Sinong sila?

"Sinong sila?" Sabay na tanong namin ni MARJ.

"Sila Joshua Peter Cristobal, my loves, Philip Jason Santos," Nanlaki yung mata ni GEM dun. Ok. Alam na this! "Carl Lorenzo Young," Tumingin naman kaming lahat kay MARJ na nag-blush naman. "Thomas James Cruz," Ay! Malupit tong si Thomas James. May gusto siya kay AJ eh. Ayiiee! "And lastly, si Jonathan Roy Bernadino." Tumingin silang lahat sakin. Alam kasi nila na crush ko siya kaya yun.

"Hoy! Anong tinitingin-tingin niyo diyan?" Sabi ko.

"Wala napansin ko lang na lahat tayo, may gusto sa kanila." Tama nga naman tong si GEM.

Ako may gusto kay Jonathan Roy. Si AJ naman may gusto kay Thomas James. Si MARJ naman may gusto kay Carl Lorenzo. Si PIa may gusto kay Joshua Peter. Tapos si GEM naman, may gusto kay Philip Jason. Ang swerte nga ni AJ eh, may gusto rin si Thomas James sa kanya. Huhuhuhu! Buti pa siya.

"Buti ka pa nga eh. Gusto niyo ni Thomas James ang isa't-isa." Nagulat naman ata tong si AJ sa sinabi ni GEM. Biglang nagblush naman si AJ.

"Hay nako! Ewan ko sa inyo." Sabi naman ni AJ pero kinikilig pa rin. Hahahaha!

"Hello EJ!" Ok! I stiffened sa boses na yun. Humarap ako sa kanya.

"H-hi Jonathan Roy."

"JR na lang. Pwede bang maki-upo?" Tinignan ko silang lahat. Tapos wala silang sinasabi. Di sila umiimik.

"A-ah sige. O-ok lang." Ngumiti ako.

"Carl Lorenzo Young. You can call me CaLoY." Tapos umupo na siya.

"I'm Philip Jason Santos. PJ na lang." Tapos umupo rin.

"T-thomas James Cruz. TJ." Hala! Sige sunod-sunod. Kilala na namin kayo!

"Sup? Joshua Peter Cristobal nga pala. JP for short." JP said.

Ganito na ngayon yung sitting arrangement namin.

MARJ CaLoY PIa JP

Me (Foods namin) PJ

JR AJ TJ GEM

Ok. Ngayon, walang nagsasalita. Spell AWKWARD.

K-A-M-I

Sana magbell na! Kaso may 10 minutes pa.

Tinignan ko sila. Ay shet! Nagba-blush ang mga baliw! Kasama na ata ako dun.

Walang nagsasalita. As in. Kumakain lang kami. Nakakahiya nga eh. Section 1 sila at section 2 kami. Waah! Ang tatalino.

*Krriinngg*

Haay salamat! Napatingin ako sa kanila at mukhang nagulat din sila dahil sabay-sabay kaming tumayo.

"EJ/MARJ/GEM/Pia/AJ" Oh shiz. Sabay-sabay silang nagsalita.

"Bakit?" Sabay rin naming tanong kaya nagkatitigan rin kami.

"Pwede ba kitang kilalanin?" Sabay na naman sila.

"Ah...eh..ih...oh...uh...s-sige." Anong meron at sabay-sabay kami?

"Salamat. Sige bye." Tapos umalis na sila.

Shoot! What was that all about?

Perfect Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon