Perfect Couple•Transfer

32 2 0
                                    

Chapter 4: Transfer
•Jonathan Roy•

Nakita namin yung nangyari sa labas ng classroom nila. Well, I guess, tinanggap naman nila. Nadala kami sa inis dahil sa mga lalaking yun kaya di namin sila pinansin.

Ang hard nga yata namin sa kanila eh.

"Guys, ang hard ata natin sa kanila." Sabay kami ni TJ nagsabi.

"Tch. Hard? Pano mo nasabi? Di nga tayo gusto ng tao eh." Sagot naman ni JP. Sus, selos lang yan sa lalaki na nagbigay ng bulaklak kay Princess Ianne.

"Gusto ka lang rin ng tao, hard na agad. Tsaka tama si JP, di naman kami gusto ng mga yun." Sabat ni PJ.

"Hoy! Wala ako diyan ah." Sabi ni CaLoY. Ayaw niya lang aminin na nagselos siya dahil sa lalaking nagbigay ng flower kay Maria Alessandra.

Actually, lahat kami nagselos. Gusto namin sila eh. As in lahat kami.

Ako kay EJ. PJ kay Grace Emma. JP kay Princess Ianne. CaLoY kay Maria Alessandra at TJ kay Amanda Jessa.

Oh diba, kilala ko lahat. Sikat rin kasi sila diro sa school na toh. Magaganda sila, mababait, ang cool nila. Ewan ko nga bakit wala sila sa Section 1 eh.

•Ella Jane•

"Narinig niyo na ba? May magta-transfer sa Section 1." Narinig namin na nagsalita yung babae sa likod namin.

"Weh? Seryoso? Edi madadagdagan na naman ng famous dun sa section na yun?" Okay. We're...uhmm...eavesdropping ba? No way! Hahaha!

"Oo. Narinig ko sa usapan ng dean. Sa section 2 daw, 5 ata ang ililipat kasi ang tatalino daw. Tsaka, halos lahat yata ng lilipat...babae?" Seriously? Edi o-onti uli kami? Sino kaya yun? "Yung mga famous daw ang lilipat dun eh." OhMy! Imposible...
-----
*Knock knock*

"Ma'am, excuse lang po, pinapatawag po ng dean sina," Tumingin siya sa papel na hawak niya, "Maria Alessandra Roxanne Casimiro."

"Anong ginawa ko?" Natatarantang tanong niya.

"Grace Emma Miranda Balonso." Tawag pa rin ng lalaki.

"Fudge! What did I do?" Bulong lang na sinabi ni GEM yun pero narinig pa rin ng klase.

"Ella Jane Cunanan." Oh-kay...anong ginawa kong masama?

"Amanda Jessa Jarina." Napatingala lang siya. Wala siyang reaksyon. Ganyan yan pero inside, natataranta yan. "And Princess...uhmm...I-anne---"

"It's A-yin." Sabi ni PIa.

"Ah. Yun pong lima Ma'am. Pwede pong mahiram saglit ng dean?" Tumango naman si Ma'am.

Lumabas na kami ng room. Argh! Di ko na kaya, "Anong ginawa kong masama?" Nagulat pa ako dahil sabay-sabay kaming nagsabi.

Tumawa siya ng mahina, "Basta." Wow lang! Wow! Note the sarcasm.

Kumatok kami sa office ng dean.

"Salamat hijo." Nag-bow naman yung lalaki atsaka umalis. "Mga hija, pasok muna." Nagpapahuli kaming pumasok lahat.

"Ikaw na kasi mauna." Bungad ni PIa kay GEM.

"Eh! Ikaw na lang, MARJ." Nagulat naman si MARJ sa sinabi ni GEM.

"Eh---" Pinutol ko na yung sasabihin ni MARJ.

"Ako na nga lang." Naglakad na ako papasok. Kinakabahan talaga ako. Tumingin ako sa likod ko. Kasunod ko si AJ then si PIa tapos si MARJ then yung pinakahuli si GEM.

"Maupo na kayo mga hija." Umupo naman kami. "May gusto lang sana akong sabihin sa inyo." Ok...dun talaga kami kinabahan. "Wag kayong kabahan. Tungkol lang ito sa pag-transfer niyo ng ibang section dahil sa grades niyo." Woah! Eto ba yung sinasabi ng mga babae kanina?

"Mababa po ba grades namin?" Tanong ni PIa.

The dean chuckled, "No hija. Actually, it's high." Nagulat kaming lahat.

"S-saan niyo po kami ililipat?" Tanong ni AJ.

"Sa section 1." then ngumiti yung dean.

Perfect Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon