Chapter 12: Type ko
•Ella Jane•Ang bilis ng panahon! Talaga naman oh! October lang kahapon tapos ngayon December na. Hahahaha charot! Pero seryoso, December na. Malapit na talaga yung finals, sa January na. Tapos last month rin yung hug---shiz! Bakit di ako makapag-get over dun? Hahaha! Wala ang memorable lang. Kung kakamustahin niyo yung barkada...well, okay lang naman sila. Si TJ nililigawan si AJ at handang maghintay, si PIa at JP naman nagliligawan na rin, ganun rin sila GEM at PJ, MARJ at CaLoY. Oh diba? Nagliligawan na silang lahat. Iwanan sa ere. Huhuhu! Si JR at...Nika, ewan, parang may mis-understandings. Kami ni Jasper? Going-well. Supportive pa rin and sinabi niya sakin na he only likes me as a friend kasi gusto niya daw si Nika. Oh diba? Amazing!---
"Miss Cunanan!" Bumalik ako sa realidad.
"Yes Ma'am?" Sabi ko na nakatayo.
"Are you listening?" Tanong niya. Kahit malalim ang iniisip ko, nakikinig pa rin ako noh.
"Yes Ma'am." Sagot ko.
"Can you repeat what I said?" Naka-cross-arms pa siya at naglalakad.
"Yes Ma'am." Humugot ako ng hininga at pumunta sa harap. Gagayahin ko na rin yung teacher namin pero hindi sa salita. "Okay class, we have this event on December 19, your last day of classes because Christmas is around the corner. The event is called 'The Masquerade Ball'. The title is chosen by our campus president. And in this event, you have to wear gowns and masks, of course. We better get ready because it's December 15 and the time is ticking." Tapos hindi na tinuloy ng teacher yung sasabihin niya sa part na iyon dahil dun niya ako pinabalik sa sarili ko. Ngumiti ako sa teacher pagkatapos kong i-ulit yung sinabi niya tapos tumingin rin ako sa mga classmates ko.
Ganito yung mukha ng mga classmates and teacher ko-------> 0___0
"Woah." Rinig kong bulong ng classmate ko.
"Ang galing niya." Sabi ng babae sa likod.
"Kaya pala siya nalipat dito sa section 1." Bulong pa nung isa.
Napapangiti ako sa mga sinasabi nila.
"Well, uhmm...Miss Cunanan, you may take your seat now." Inayos ng teacher yung table niya pero halata pa rin na amazed siya sa ginawa ko. Oh diba? Sabi sa inyo eh. Hahaha!
---
Lunch came by tapos magkakasama kami. As in KAMI. With Jasper and Nika. Barkada na kaming lahat."Yo girls. Mamaya na tayo bumili ng dresses natin." Suggest ni AJ.
"Wag na! I'll just tell mom na siya gumawa and magdesign." Sabi naman ni GEM. Ay oo nga pala! Fashion-fashion something yung trabaho ng nanay niya. Siya yung nagde-design and gumagawa.
"Ah oo nga. Para tipid." Natawa kami sa sinabi ni AJ. "Teka, walang bayad?" Umiling si GEM. "Yeah!" Natawa kami sa reaction ni AJ. Hahahaha ang kulit talaga.
"Hey guys, maya niyo na pag-usapan yan. Kain muna tayo." Sabi ni PJ.
"Ok po." Sagot namin tapos tumawa.
AWKWARD SILENCE ATMOSPHERE
"Guys, gusto niyo bang malaman kung anong type ng Ella Jane Cunanan sa lalaki?" Nagulat ako sa sinuggest ni MARJ. Tapos sinamaan ko siya ng tingin.
"Seriously?!" Pabulong na sigaw ko sa kanya tapos tumawa siya ng mahina.
"Ge ba!" Agree nilang lahat.
"Arghh!" Sigaw ko tapos pinagtawanan nila ako.
Ayos ah!
Please note the sarcasm.
"Go! Start!" Demand ni PIa.
"Hintay pwede?" Sabi ko.
"Nakaka-excite kaya." Sabi naman ni TJ.
"Edi wow!" Sarkastikong sabi ko.
"GO NA!" Sigaw nilang lahat sakin.
"Eto na nga diba?" Nag-inhale-exhale ako. "Tipo ko, kasing gentleman ni DJP, kasing galing sumayaw ni Enrique Gil, kasing cute ni Khalil Ramos, kasing gwapo ni Mario Mortel, kasing talino ni Albert Einstein, kasing---" Nabatukan ako ni GEM. "Aray lang ah!" Sabi ko.
"Bhe, puro 'almost perfect' yang sinasabi mo eh!" Sabi ni AJ.
"Ah ganun ba? Hehe fish!" Nag-peace sign ako.
"O sige, ganito na lang, sino saming mga lalaki yung parang gusto mong mahalin or makatuluyan." Suggestion ni CaLoY. "Including Jasper." Habol niya.
"Hmm...o sige." Tinignan ko silang mga lalaki. "Si PJ? Hindi eh. Si CaLoY rin. Si TJ rin. Pati rin si JP. Si Jasper, hindi eh, bestfriend ko yan." Tinignan ko si JR na nakatitig sakin. "Si JR...pwede." Tapos narinig kong nagpapaluan yung mga baliw kong kaibigan pati rin si...Nika?
"Ayiiiiiieeeeee!" Ay grabe sila ah! Namumula na ko dito. I can feel it pero gusto ko naman. Ngek! Hahaha pakipot po.
"Che! Magtigil nga kayo!" Ang saya ko kasi may mga kaibigan ako. Hindi porket sikat ako, hindi na ako aaktong crazy and weird. Masaya ako. I can't explain but I'm happy. Really HAPPY.
Saktong nag-bell kaya pumasok na kami. Nakangiti ako habang yung mga nagliligawan, magka-hawak ng kamay at magka-akbay.
BINABASA MO ANG
Perfect Couple
RandomMaganda ka, gwapo siya Mabait ka, mabait rin siya Masipag ka, masipag rin siya Matino ka, matino rin siya Friendly ka, friendly rin siya Mayaman ka, mayaman rin siya Sikat ka, sikat rin siya Perfect kayo, perfect maging couple. Kaso nga lang, Torpe...