Perfect Couple•Girlfriend?

15 2 0
                                    

Chapter 8: Girlfriend?
•Ella Jane•

Lunch naman na kaya inaya ko na rin si Jasper na sumama samin.

"Ay teka Jasper! Selfie tayo!" Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Bakit? Anong nakakatawa?" I pouted. Tapos umiling siya.

"Sige na nga. Pagbigyan na kita." Umiiling-iling siya. Nagpicture-picture kami.

"Wacky naman." Tapos I did my wacky pose tsaka siya rin. Tapos tumawa na naman siya. "Bakit ka ba tumatawa?" I pouted again.

"Wala. Ang---" Pinisil niya pisngi ko. "---cute, cute mo kasi."

Kiniskis ko naman yung kamay ko sa pisngi ko then I pouted.

"Hey guys! May kasama rin kayo." Sabi ni MARJ.

"Sorry." Sabay na sabi namin ni Jasper kaya tumawa kami.

"May sariling mundo." Pailing-iling na sabi ni CaLoY.

"Tch." Rinig kong reklamo ni JR kaya nanahimik ako. Naaasar kaya siya o di kaya naiingayan?

"Natahimik ka ata?" Tanong ni Jasper sakin.

"W-wala toh." I weakly smiled at him.

•Jonathan Roy•

A week passed by tapos ganun pa rin yung dalawa. Tawa ng tawa, may sariling mundo at parating nag-uusap.

May gusto na kaya si EJ kay Jasper? Sana naman hindi!

"Lalim ng iniisip natin ah." PJ said.

"Selos lang yan." Sabi ni CaLoY.

"Oo nga!" Pag-agree ni JP.

"Hahahaha!" Tumawa naman tong si TJ. "Yan napala mo! Pachix ka eh. Hahahaha!" Tapos tumawa rin sila.

Tss.

"May plano ako. Pagselosin mo kaya si EJ para malaman natin kung may gusto siya sayo. Ano agree?" Loko talaga tong si TJ.

"Agree!" Sigaw nung tatlo.

"Ikaw, JR?" Nagdadalawang-isip talaga ako.

Oo? Hindi? Oo? Hindi? Oo? Hindi? Oo? Hindi?

NakNg!

"Oo!" Tapos naghiyawan sila. "Sinong tatawagan mo?" Kasi napansin kong may tatawagan si TJ.

"Pinsan ko. Siya yung magpapanggap na girlfriend mo." Sabi niya. "Hello?...Nichole! TJ your couz!...Sungit!...Oo eto na! Kailangan ka namin...Uy! Eto na! Madali lang toh...oo nga!...may pagseselosin lang kayo ng kaibigan ko...hindi yan! Ge, simulan bukas." Tapos yun. Wednesday ngayon. So, bukas magsisimula?

•Ella Jane•

Thursday came by. Yosh! Makikita ko na naman si JR. Hahahaha! OA ko noh? Araw-araw naman kaming nagkikita eh. Hahahaha!

Nag-ring bigla yung phone ko tapos si MARJ lang pala.

"Bhe, alam mo na ba?"-MARJ

"Ang alin?"-Me

"May girlfriend na si JR! Langya!"-MARJ

Halata yung inis sa boses niya...pero, wait, m-may girlfriend na siya?

"Bhe, andiyan ka pa?"-MARJ

"O-oo. S-sige, papunta na ko diyan."-Me

Di na kasi ako inantay ng mga babae. Porket may mga manliligaw na! Yes, nanliligaw na sila TJ, CaLoY, PJ at JP sa mga loka-lokang mga kaibigan ko.

Perfect Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon