Perfect Couple•Ewan!

15 2 0
                                    

Perfect Couple: Ewan!
•Jonathan Roy•

"P're, itigil na natin toh." Sabi ko kay TJ.

"Bakit p're? Nakikita mo ba siyang nasasaktan o nasaktan mo na ba siya?" Umiling ako sa sinabi niya. "Oh, di pa naman pala, bakit gusto mo ng itigil?" Tanong niya.

"Dahil hindi siya yung nagseselos." Sabi ko. Binigyan niya ako ng 'di-kita-gets' look. I sighed, "Ako yung nagseselos sa kanila. Sa kanila ni Jasper."

"Ah ok. Madali lang naman akong kausap." Nilabas niya phone niya. "Tawagan ko si Nika." Dinaial niya yung number ni Nika. "Hello Niks?...Sungit mo talaga!...Gusto na daw itigil ni JR...So?...Ah ge...Bye na! La kang kwenta kausap. Hahaha!...Edi wow!...Oo na!" Tapos binaba niya na yung phone niya.

"Ano sabi?"

"Payag naman daw pero dude, paano niyan?" Naguluhan ako sa tanong niya. Oo nga noh, paano na?

'Bagal mo kasing kumilos! Baka maunahan ka pa nung Jasper. Sabagay, mas okay siya kesa sayo.' Galing naman netong utak ko!

"Ewan dude. Bahala na!" Tapos tumayo ako.

"San ka pupunta?" Tanong niya kasi nandito kami sa classroom. 2 days na lang at Masquerade ball na. Sana siya yung makasayaw ko.

Kasi ang sabi daw, bawal magsalita yung girls. As in, girls lang. Pwede sa boys. Tapos pagsasayaw daw, kung sino yung makuha mong partner. Siya daw yung 'love of your life' mo. Ewan! Gawa-gawa yata yun pero legend daw. In-announce toh pero yung reaction ng iba samin...yung para bang di naniniwala? Ewan! Basta!

"Kahit saan?" More like question yun. "Wala namang teacher. Tsaka malapit na rin yung recess." Lumabas na ako. Sumilip uli ako. Wala si Nika kasi absent, may sakit. Si EJ, wala rin. Pero andito yung mga babae pati si...Jasper.

Naglakad-lakad ako. Tapos may nadaanan akong mga babae, nakikipag-flirt, nakikipag-usap, ewan! Yung ganito...ewan! Ano bang meron sa akin at 'ewan' ako ng 'ewan'? Argh! Ano bang nangyayari sakin?

"Nakakainis ka! Bakit ba kasi siya? Sabagay siya naman yung gusto mo. Bakit?! Crush lang naman, diba?! Bakit ba ang gulo?! Kung pwede lang sanang turuan yung puso ko kung sinong pwedeng mahalin." Sumilip ako dun sa may corridor...and si EJ yun?

"EJ?" Nagulat siya sakin at patagong nagpunas ng luha.

"J-jR." She faked a smile.

"Bakit ka umiiyak?" I asked, worriedly.

"H-huh? Ako? Umiiyak? H-hindi noh." 'Halata naman eh' gusto ko sanang sabihin.

I sighed, ayokong pilitin siya. "May problema ba?" Tanong ko. Matagal lang siyang nakatitig sakin.

"Paano mo ba malalaman pag love or in love ka sa tao?" She asked, out of blue.

"Pag nasasaktan ka. Pag nafi-feel mong sinasaksak o nahihiwa ng blade yang puso mo." 'Tulad ng nararamdaman ko pag magkasama kayo ni Jasper' gusto ko talagang idagdag. Kaso nga lang...

EWAN!

"Ah ganun ba?" She faked a laugh and a smile.

'Bakit ka ba nagpe-peke ng tawa at ngiti?' Gusto ko sanang itanong sa kanya.

"Sino yung tinutukoy mo?" Ewan ko ba kung bakit ko natatanong toh. Naki-upo ako.

"Dun tayo sa garden." Niyaya niya ako ng biglaan pero sumama naman ako sa kanya.

Tahimik kaming nakapunta dun. Umupo kami. Yung posisyon niya is naka-hug yung braso niya sa legs niya. Yung akin rin ganun.

"Sino yung tinutukoy mo?" Tanong ko uli. I'm curious. Nagseselos ako.

"Saan?" Ewan ko ba kung bakit siya ganyan. Nagpapanggap siya.

"Kanina." Tipid kong sagot.

"Ah yun ba? Wala yun." Napansin kong nagluluha yung mata niya dahil nakatingin ako sa kanya pero di niya alam kasi nakafocus lang siya sa harap.

"Yun ba yung tinanong mo kanina sakin? Kung pano malalaman kung mahal mo yung tao?" Tapos tumango siya ng mahina. I sighed, "May girlfriend ba?" Tumango uli siya. Humarap ako sa harapan namin.

"Ang sakit lang kasi eh." Tapos umiiyak na siya.

"Shh...okay lang yan." Swerte naman ng lalaking yan. 'Sana ako na lang, EJ. Sana...' Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero di ko masabi.

Ewan!

"Hindi eh. Hindi okay. Because he's being oblivious." Sabi niya then tumayo siya at nagpunas ng luha. "Lika na. Nag-bell na." She said without looking at me. Tapos nauna na rin siyang naglakad.

•Ella Jane•

Nung paalis kami, di ko na siya pinansin. Ang hirap kasi eh. Nasasaktan ako. Nahihirapan. Diba? Naramdaman niyo na ba yun? Who's with me? Yung magseselos ka ng wala kang karapatan?

Nakaka-bobo yung pag-ibig!

Ewan!

"Sinabi na ba ng mga lalaki sa inyo? Break na daw sila." Sabi ni PIa.

"Oh? Sinong nagsabi sayo?" Di makapaniwalang tanong ni AJ.

"Sabi sakin ni TJ. Dapat nga daw sayo niya unang sasabihin kaso nga lang di ka daw niya mahanap kaya sakin niya sinabi muna." Tumango-tango naman sila. Di nila napansin na nandun na ako sa harap nila at umupo na lang.

"Hi EJ! Break na sila Nika at JR." Sabi ni GEM. Tumango lang ako. Wala ako sa mood para makipag-usap.

"Bakit mugto yang mata mo teh?" Tanong naman ni PIa. I just shrugged then kumain.

"Yo guys!" Nagulat sila sa presence nung apat. Sino pa ba? Edi yung manliligaw nila.

"Hiiii!" Jolly nilang reply pero ako, di ko na lang pinansin.

"Oh, anong nangyari sayo, EJ?" Tinignan ko lang ng saglit si CaLoY na naka-akbay kay MARJ tapos nag-focus uli sa pagkain.

"May sumpong ba yang kaibigan mo?" Bulong na tanong ni JP kay PIa pero narinig ko pa rin.

"Ewan ko nga eh. Kanina pa di umiimik." In-explain naman ni PIa. At buti naman nanahimik sila.

"Alam niyo na diba?" Tanong ni PJ.

"Yung ano?" Tanong ng mga babae.

"Na break na---" Pinutol nila yung sasabihin ni PJ.

"Ah oo!" Pero di pa rin ako umiimik.

Gusto kong mapag-isa. Gusto kong maging invisible ng isang araw lang. Gusto kong makapiling nanay ko. Gusto kong kausapin yung tatay ko. Gusto ko silang lapitan at humingi ng payo.

Tumayo ako para mag-library. Dun, tahimik, mapayapa at walang manggugulo sayo. Gusto ko ring magbasa.

"San ka pupunta?" I shrugged when AJ asked me.

"Hayaan muna natin." Rinig kong sabi ni TJ.

Ewan ko pero gusto ko talagang mapag-isa! Ewan ko! Ewan ko! Ewan!

Perfect Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon