Chapter 10: Perfect
•Ella Jane•"Nakakainis! Nakakaiyak! Bakit ba ako umiiyak? Eh crush lang yun diba? May girlfriend siya, edi dapat masaya ako! Bakit ako umiiyak?"
"Huy, ikain mo muna." Sabi ni Jasper. Magkasama kami ngayong lunch. Hindi nga ako makakain eh. Nung sumakit yung puson ko, palabas lang yun. Ayokong makita si Nika at JR na...basta!
"Mag-aayos lang ako tapos balik na tayo dun." Sabi ko habang nagpupunas ng luha. Pumunta akong CR.
"Nakita mo na ba yung girlfriend ni JR?" Rinig kong sabi ng babae. Nag-aayos ako ng mukha, buhok and somethings.
"Ah oo. Si Nika? Sayang nga eh, mas okay sana kung si Ate Ella Jane." Rinig kong banggit ng babae yung pangalan ko. Siguro di nila alam na nandito ako.
"Oo nga eh. Pero okay na rin siguro yun. Atleast nahanap niya na yung gusto niya." Haay. Siguro nga I should accept this.
"Buti crush ko lang yun si JR. Kung hindi iiyak-iyak ako." Okay, relate ako pero ako umiiyak ako. Naglakad na ako palabas ng CR.
"Hahaha---Ate Ella Jane?" Nakasalubong ko sila.
"Hi!" I tried to be jolly.
"Uhmm...eh...pwede po bang magpa-picture?" Tanong ng isa.
"Sige ba!" Lumapit ako sa kanila. Diyan ako magaling eh, sa pagseselfie.
"Ang ganda mo talaga Ate Ella Jane." Sabi nung isa.
"Hahaha! Mana sa inyo eh." Hindi ako katulad ng mga ibang sikat. Pag sinabihan ako ng maganda magbibiro ako.
"Ngek! Hahahaha sige Ate Ella Jane, salamat uli!" Sabi ng isa tapos umalis na sila.
I sighed, "Umayos ka ElAne!" ElAne tawag ko sa sarili ko. My friends call me EJ or Ella and my relatives call me ElAne. Pinagsamang Ella and Jane.
After kong kausapin sarili ko, lumabas na ko. And I saw him sa labas.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Pinatawag ka sakin ng mga baliw mong mga kaibigan." Then he chuckled. "Don't worry, nandoon rin si Jasper." Tapos ngumisi siya then umalis na.
Luh? Problema nun?
-----
Uwian na at hindi daw ako masasamahan ni Jasper dahil kailangan niya ng umuwi pati rin sila AJ, MARJ, PIa at GEM. Naglalakad-lakad lang ako. Ang bilis naman magsi-uwian ng mga tao."Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni JR na ikinabigla ko.
"Ah...eh..." Bigla akong napahawak sa ulo ko kasi biglaan akong nahilo. Lumapit sakin si JR at inalalayan ako.
"Okay ka lang?" Tanong niya. Pilit kong tumayo mag-isa pero nahihilo talaga ako.
Then everything went black.
•Jonathan Roy•
"EJ!" Napasigaw ako kasi biglaan siyang nahimatay. Binuhat ko siya ng pa-bridal style atsaka dinala sa clinic.
"Oh, anong nangyari?" Natatarantang tanong ni Nurse Brion.
"B-biglaan na lang po kasi siyang nahimatay." Tinignan ni Nurse kung ano yung problema.
"Ihiga mo na lang siya." Sabi ni Nurse Brion. Chineck ni Nurse kung ano uli yung problema. "Siguro hindi nakakain toh. Ang hina niya." Pag-explain ni Nurse.
Grabe, nag-alala talaga ako kanina. Akala ko kung anong nangyari. Tumabi ako sa kanya tapos napansin kong nakatitig samin si Nurse.
"Bakit po?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Pansin ko kasing bagay kayo." Talaga? Nagustuhan ko ata yung sinabi ni Nurse.
"Talaga po?" Parang nanginginang yung mata ko. Ang saya ko lang kasi sinabihan niya ako niyan. Na bagay kami ni EJ. Tumango naman yung Nurse.
"Perfect." Sabi niya. "Gising na ata." Pabulong niyang sabi atsaka ngumuso kay EJ.
Nakahawak siya sa ulo niya, "Anong nangyari?" tanong niya.
"Nahimatay ka kaya dinala kita dito." Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko.
"T-talaga? S-salamat. Sige una na ko." Tumayo siya at naglakad pero napahawak siya sa wall kaya inalalayan ko uli.
"Sigurado ka bang kaya mo?" Tanong ko.
"O-oo. S-salamat na lang." Lumabas kami ng Clinic tapos biglang bumuhos yung ulan. "Ano ba yan! Ang wrong timing mo!" Sigaw niya sa ulan.
"Hatid na kita." Wala naman akong dalang kotse. Kaya ako nagpapahatid kay TJ kasi sayang sa pera yung pang-gas ko.
"Huh? Wag na!" Nahihiya niyang sabi.
"Sus! Nahiya ka pa." Sabi ko na ikinamula ng pisngi niya. Ang cute!
"Wag na, seryoso ako." Sabi niya na nakangiti. Yung ngiting yan, that is making me to like her more.
"Lika na." Sabi ko.
"Wag---" Nag-ring kasi yung phone niya. "Hello?...Oo nga po eh...Ah sige po...Bye! Salamat! I love you too!"" Tapos ngumiti uli siya. "Wag na, isusundo ako ng driver ko." Sabi niya. Mayaman talaga siguro si EJ.
"Sino ba yung tumawag?" Tanong ko.
"Si Mama. Nalaman niya kasing umuulan pati di pa ako nakakauwi." Pag-explain niya.
"Ah. Ok." Huling sabi ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Couple
De TodoMaganda ka, gwapo siya Mabait ka, mabait rin siya Masipag ka, masipag rin siya Matino ka, matino rin siya Friendly ka, friendly rin siya Mayaman ka, mayaman rin siya Sikat ka, sikat rin siya Perfect kayo, perfect maging couple. Kaso nga lang, Torpe...