CHAPTER 18

1.9K 53 0
                                    

VAN POV

Kkkkrrriiinnnggg!!!!!!!

Napabangon ako bigla nang tumunog ang alarm clock ko.Nakita ko na 6 am na pala kaya agad agad akong bumangon para maligo na.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako nang uniform at inayos ang sarili.Mag-dadalawang buwan narin simula nong pumasok ako dito sa academy.Nagkaroon ako nang new friends,maayos narin ang pagkontrol ko nang dalawang swords,galit na galit narin sakin si Anne dahil close na close na kami ni Justine.So,pake nya diba?Ngayon ang unang week nang October kaya naman excited na ang lahat para sa gaganaping school anniversary.Malapit na ang birthday ko pero hindi ko alam ang mararamdaman ko.Iba kasi ngayon,di gaya dati na kahit malayo pa ay excited na excited ako.Ngayon parang kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako dahil malamang ay hinihintay na nila ako.Habang papalapit ako ay naramdaman ko agad ang mainit na presensya kaya na-curious ako kung ano ang nangyayari.

Bakit ba ayaw mo akong makatabi?! sigaw ni Anne

Bakit ka ba nangingialam?! sigaw naman ni Justine or shoul I say Aron.Gusto kasi nya na may endearment kami.Tapos tawag nya sakin ay Viel.Minsan nagtataka na nga sina Anne at Zack dahil ang alam nila ay Van ang pangalan ko.

Alam ko namang sya nanaman ang uupo dyan eh?!Bakit,di mo ba nakikita na gusto ko rin namang katabi ka! sigaw pa ni Anne

Eh sa ayaw ko diba! sigaw ni Aron.Bago pa lumaki ang gulo ay pumunta na ako don at umupo na sa tabi ni Aron kaya wala na silang nagawa kundi kumain nalang.

Tahimik lang kami hanggang sa matapos na kaming kumain at napagisipang pumasok na.Wala naman kaming masyadong gagawin kundi ang mag-decorate nang dalawang booth para sa school anniversary.Bukas kasi sisumulan ang pag-cecelebrate nang school anniversary kaya naisipan nang head na magkaroon nang school festival na may booth at games para sa mga estudyante at sa huling gabi nang anniversary ay magkakaroon nang event.

Van tara na magsisimula na tayo...aya ni ate Dianna.Ang gagawin kasi naming booth ay Photo Booth at Dating Booth.

Nagsimula na kaming gumawa nang mga pang-design.Yong ibang design ay gawa sa kapangyarihan na hawak namin gaya nalang nong crystal ice na nakasabit sa pinakang kisame.Ginawa naming romantic para feel na feel diba.

Guys mamaya nalang ulit yong isang booth.Mag-break muna tayo,bumalik nalang kayo kapag 1 pm na...sabi ni kuya Vin.

Uyy ate Drienne,don nalang tayo sa café malapit dito sa academy...aya ni Jas kaya tumingin lang ako kay Aron ng ok-lang-look tumango lang sya kaya tumango nalang din ako kay Jas.

Walking diatance lang naman kaya naglakad nalang kami.Sina Elisha,Mark,Jas,Renz,Aron,at ako lang ang mag-kakasama.Naghiwahiwalay na kasi kami kanina bago pa mag-aya si Jas.

The Cursed of the Hidden Princess (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon