This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are just a product of the writer's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events and incidents are completely coincidental.
I do not own any of the pictures featured in this story. All rights belong to it's rightful owner.
All rights reserved 2020
————————————————————————
"aray, aray ko, shit!" ani ko ng madapa ako sa kakatakbo dahil LATE NA AKO!
Sa sobrang sakit ng katawan ko sa pagka dapa ay hindi ko kinayang tumayo. Mabuti nalang wala na masyadong tao. Well akala ko lang pala yon, dahil may isang lalaking huminto sa harapan ko. Nagulat ako ng inangat ko ang aking paningin at namataan kung sino iyon, Crush ko! Kung minalas nga naman. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ko sinubukan tumayo ulit. Ang lakas yata ng impact ng pagkabagsak ko ah, dahil bigo nanaman ako.
Naglahad ng kamay ang aking napakagwapong crush at tinanggap ko naman iyon. Mag te-thank you na sana ko pagkatayo ko pero umalis na siya kaagad, ang snob niya talaga ha. Imbes na tumunganga ako sa aking kinalalagyan ay humarurot nalang ako papunta sa classroom ko.
"Bakit ba naman kasi di ako ginising ni Fia yan tuloy late na ako!"
"Bakla sinong kausap mo?" ani ni Yuri. Ang barkada kong bakla na mas nakababata saakin ng isang taon.
"Late karin?" nasisiyahang tanong ko.
"Wala pang morning prayer kaya di pa tayo late gaga" sagot niya.
"Huh eh, anong oras naba?"
" Quarter to 7 palang 7:30 nagsastart ang klase natin diba ano bang nangyayari sayo ang parang sabog na sabog ka yata?"
"Eh bakit wala nang mga tao?"
"Wala na talagang mga tao pag ganitong oras, nasa mga classroom na nila ano ka ba?" inis niyang sagot. "Bat parang sabog ka yata?"
Siguro dahil lagi akong maaga dumadating sa school kaya di ko na alam kung anong kalagayan ng campus sa ganitong oras. At totoo ngang napaka sabog ko ngayong umaga, pano ba naman madapa ka kaya sa harap ng crush mo amp!
"Ewan ko! bahala ka na nga diyan, alis na ako, mamaya nalang tayo mag chikahan bye!" ani ko at dumiretso na sa classroom ko.
Hi! Ako nga pala si Jacelyn Olivia Salazar isang grade 10 student from LPU Davao City! At welcome saaking mala mmk na storya, charot, pero parang ganun narin yon.
BINABASA MO ANG
The heartaches you caused
JugendliteraturFreshmen year palang ay hulog hulog na si Jacelyn Olivia Salazar (Jacey), isang napaka mabait at positibong tao, ngunit may mahinang puso, kay Clark Jameson Andrada (CJ), isang napaka cold and mahinhin na lalake. Hindi inaasahan ni Jacey na magpapa...