Chapter 5

67 5 3
                                    

Lumiwanag ang mundo ko ng Makita ko si aki na may kasamang isa pang lalake, sa pagkakaalala ko carlo yata ag pangalan, yung isa pang kaibigan nila. Mabuti nalang at wala si cj, okay lang na mapahiya ako sa harap nang dalawang to. Pwede ko naman siguro sila pakiusapan na samin samin nalang 'to.


Tatayo nasana ako nang matumba ulit ako, bakit ba lagi akong natutumba sa harap ng mga tao?  Tinulungan naman agad ako ni aki at carlo tumayo. Nang makatayo na ako ay magsasalita na asana ako pero inunahan ako ni carlo.


"She doesn't smell like alcohol naman ah" ani ni carlo.


"Aki please, pwede mo akong ihatid sa condo, kahit sa lobby lang please" pagmamakaawa ko kay aki.


"Ha, eh, di naman ako nakatira sa condo niyo eh"ani ni aki.


"Huh, eh diba sabi mo nung sumbay ako sainyo na dun kayo uuwi?" nagtatakang tanong ko sakanya.


"Ah, kasi naki sleepover lang ako kay CJ nun" sagot nito.


Magsasalita na sana ako nang may nakita akong paparating, di ko mamukhaan kung sino dahil umiikot na ang paningin ko. Nang mas nakalapit ito ay naaninag ko kung sino iyon. SI CJ! Punyeta naman oh, kala ko ba wala siya?


"Anong meron dito?" tanong niya nang makarating sa may banda namin.


Tumalikod ako sakanila at sinubukang umalis pero malapit akong natumba kaya't hinagip ni carlo ang braso ko. Hawak hawak na niya ang bag ko dahil naiwan ko pala iyon sa sahig. Bakit ba kasi ako nag kakaganito eh juice lang naman yung ininom ko!


"Nakita kasi namin tong si Jacey naka upo sa sahig umiiyak" ani ni aki.


Lumayo silang dalawa saamin ng kaunti at may pinag usapan.


"Carlo please, iuwi mo ko sa condo. Doon ka rin naman nakatira diba? Parang awa mona, desperada na ako" nanginginig at nangingiyak ngiyak kong pag mamakaawa kay carlo.


Naawa yata tong si carlo sakin dahil mukhang mapapapayag ko na siya pero sumabat nanaman yung dalawa. Tinitigan lang nila ako kaya inirapan ko sila.


"Diba may kasama ka dito tawagan mo nalang kaya sila" CJ suggested.


Agad namang hinalungkat ni carlo ang aking bag at kinuha ang cellphone kong kanina pa lowbat.


"It's lowbat" ani ni carlo Inirapan ko silang tatlo.


"Can someone just please take me home?!" pag e-eskandalo ko.


"Hay nako,oh sige na, tara na nga" ani ni CJ.


Inalalayan ako ni aki at carlo habang sumusunod kay CJ na papuntang parking lot.


Pinasok nila ako sa shotgun seat, si CJ pa ang naglagay sa 'kin ng seatbelt, at sa sobrang lapit niya, naamoy ko ang pabango niya. He smelled so good.

The heartaches you causedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon