Chapter 10

61 4 2
                                    

Agad kong nilapitan si CJ at bumulong sakanya. Dahil matangkad siya kailangan ko pang tumingkayad para maabot ko and tainga niya.


"Bakit nila ako pinag titinginan?" nagtatakang tanong ko, " May dumi ba mukha ko?"


Nagkibit balikat siya at naglakad paalis.


"Hoi san ka pupunta!" sigaw ko sakanya kahit medyo malayo na siya sa kinatatayuan ko.


Binigyan ko nalang ng akward na smile yung mga taong dumadaan saakin na binibigyan ako ng malaking ngisi na para bang kinikilig sila. Bahala na nga sila jan, parang tanga eh.


Naglalakad ako palabas ng campus nang akbayan ako nang kung sino man 'to.



Si angel lang pala.


"Ang taray mo ghorl ah" ani niya.


"Huh bakit?" tanong ko.


"Hindi mo alam?" dismayadong sabi ni angel.


Umiling naman ako, ako ba kasi yung hindi ko alam?


"Diba nasa clinic ka buong maghapon?" paninimula ni angel, "So nung tinawag ka bilang winner hindi ka sumulpot sa stage para makuha yung trophy mo diba? Alam mo sinong kumuha?"


"Sino?" Walang kaalam alam kong tanong.


"Sino pa ba? Edi yung CJ mo" kilig na ani ni angel.


"Kaya pala!" ani ko.


"Kaya pala ano?"


"Kaya pala lahat ng taong na dadaanan ko nakatingin saakin" ani ko.


"Talaga! Kilig na kilig ang lahat ghorl nung siya yung umakyat sa stage! Sanaol!" pag kukwento niya.


Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay dumating ang sundo ni angel kaya naiwan akong mag isa, maliwanag pa naman dahil maaga ang uwian namin kaya okay lang, di nakakatakot.


Napansin kong may sumusunod saakin na sasakyan kaya huminto ako sa paglalakad. At aba aba huminto rin yung sasakyan. Nilingon ko yung sasakyang kanina pa sumu-sunod saakin kaya't agad namang bumukas ang bintana nito. 


Si CJ!


Tinaasan ko siya nang kilay.


"Sabay kana" ani niya.


"What?"


"Sabay ka-"


"Whatdog" pang-aasar ko sakanya.

The heartaches you causedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon