Chapter 1

143 5 4
                                    

Pinalibot ko agad ang aking paningin sa buong classroom pagdating ko rito para mahanap ang napaka galing kong bestfriend na aba! Ayun, nagtatago pa. Matapos niya akong iwan tatago-tago siya ngayon, lahat nalang ba ng mga tao iiwan ako? Charot!



"Hoi Sophia Anikka Ortiz" sigaw ko.


"Uy late ata tayo ngayon ah" sarkastiko pero natatakot  niyang sagot sakin.


"Anong late ata tayo ngayon? Kasalanan mo to! Langhiya ka! bat di mo ako ginising kanina?!"


Nakatira kami ng bestfriend kong si fia sa iisang condo malapit sa school namin. May kaayuan kasi ang bahay  namin sa school, natatakot kami at baka ma-traffic o ma late kami. Mayaman ang pamilya nina fia kaya may condo siya, actually bibili sana ako ng sariling kong unit pero sabi ni Fia ayaw niya mag isa kaya magkasama kami sa iisang unit, malaki rin naman to kaya okay na okay. May companya ang mga magulang ni fia at kami naman ay may malaking business at ilang mga cafe sa siyudad. Swerte nga eh dahil may branch ang cafe namin sa condo kaya libre ako palagi.



"Ewan ko sayo! bingi kaba o nag bibingibingihan lang? Ilang beses nang tumunog yung alarm ko di ka parin na gigising, naka speaker na yon ha grabe ka!" sagot niya.



"Ganon ba?" sagot ko sabay kamot ng ulo ko. Ang sarap siguro nang tulog ko kaya di ako nagising.


Umupo na ako sa tabi ni Fia at tamang tama ay dumating narin ang aming teacher. Nag simula na ang aming lesson at focused na focused kaming nakinig hanggang sa mag bell na, hudyat na recess time na namin.Hinila ako palabas ni Fia dahil dumaan ang jowa niyang si Matthew, buti pa siya noh?



"Hoi Matthew!" sigaw ko.


Lumingon si Matthew at naglakad pa lapit saamin. 


"Hanap ka ng bebelabs mo oh" ani ko.


Siniko ako ni fia at kinilig pa.


Gusto ko yung relationship ng dalawang to, yung tipong parang magbarkada lang sila na sobrang close. Lowkey kasi sila eh,di katulad ng iba jan na kung magharutan kala mo wala nang bukas. Sorry bitter ako eh. Since sophomore year, m.u na tong dalawang to. Akalain niyo yon three years na silang mag m.u at last week lang, sinagot na ni fia si matthew. Ang sabi kasi ni fia grade 10 niya daw sasagutin si matthew , kaya naghintay talaga itong si matthew.Ngayong sila na, siguro naman ay masaya na sila. Grabe noh? Napaka loyal nila sa isa't isa. SANAOL!


Papunta na kami ng cafeteria at nakita ko agad ang barkada naming si Ally, Yuri at Jed sa isang table kami palagi ang magkasama sa iisang table, paminsan anjan si matthew paminsan naman ibang classmates at schoolmates namin. Itong si ally, yuri at jed ay mas nakababata saamin ng 1 year. Childhood friends kami kaya magbarkada kami.


Bumili na si fia at matthew ng makakain at ako naman dumiretso na sa table.


"Oh bat parang bad mood tayo ngayon?" tanong ni ally.


"Oo nga may nangyari ba?" dagdag pa ni jed.


"Ewan ko ba jan kanina pa yang umaga eh, sabog na sabog" sagot ni Yuri.


Hay nako ng dami talagang satsat ng mga to. Di ko na tuloy alam kung ikukwento ko pa yung angyari samin ng crush ko dahil for sure pagtatawanan na naman ako ng mga to.


"Eh kasi.."


"Eh kasi ano? May nangyari bang hindi mo kinukwento sakin ha?" tanong ni Fia ng makarating sila ni matthew sa table namin.


"Pano ko maikukwento sayo eh late na nga ako dumating tapos parehas tayong naka focus sa lesson?" pagdedepensa ko.



"Wow! Focus, bago yon ah" pang aasar ni matthew.



"Ulol! Eh kasi nga may nangyari samin ng crush ko." Sagot ko.



Teka parang mali yung tunog nun ah.



"Nag kiss kayo?!" excited na tanong ni ally.



Sabi na nga ba eh.



"Gaga hinde, eh kasi nga diba akala ko late na ako masyado kanina so takbo ako nang takbo eh nadapa ako, ang lakas ng pagkabagsak ko kaya di ako makatayo, tapos may lalaking huminto sa harapan ko, nagtitigan pa kami mga bes" Tumili muna ako bago ako nagpatuloy, "So ayon nung na realize kong crush ko pala yun sinubukan kong tumayo pero bumagsak ulit ako, kala ko nga tatawanan niya ako pero in-offer niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo ahhhhh! "Kilig na kilig kong pag kukwento sa kanila.



"Tapos yun na yon?" tanong ni yuri.




"Oo yun lang, eh kasi mag te-thank you pa sana ako pero umalis na kaagad siya, teka lang ah bili muna ako ng food"



Tatayo na sana ako nang tinawag ako ni Jed



"Jacey diba yun yung cush mo?"



"Saan?!" gulat kong tanong.



Sa sobrang bilis nang paglingon ko di ko alam na nasa likod ko lang pala siya at sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay nagkabangga kami.

The heartaches you causedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon