Chapter 3

75 4 1
                                    

Si Aki, ang matalik na kaibigan ni CJ. Marami actually silang mag b-barkada pero silang dalawa lang ang palagi kong nakikita na magkasama, tsaka yung isa, Carlos yata yung pangalan.


"Huh, ah, oo, okay lang di naman ako natamaan hehe" ani ko.


Naglalakad ako habang nag uusap at sumusunod naman yung sasakyan niya ng mahina.


"Hi i'm Aki" pagpapakilala niya.


"I think I know you na" sagot ko naman.


" Talaga kilala mo ako?" gulat na tanong niya.


Paanong di ko siya makikilala eh ang famous niya, tsaka nanalo pa bilang Mr. Intrams last school year.


"Everybody knows you, Mr. Intrams" sarkastikong sagot ko.


"Ah, eh pasensya ka na ha, ewan ko ba kung bakit bigla kang binusinahan ng napakalakas ng kaibigan ko di naman kami nag mamadali, eh teka naglalakad ka lang ba talaga?" kuryoso niyang tanong


"Most of the time yes, pero actually dapat mag shu-shuttle ako ngayon, sa kasamaang palad wala ng available kaya eto" sagot ko.


"Saan ka ba uuwi ihahatid ka nalang namin" ani ni aki.


"Ha, nako wag na" sabi ko na nahihiya.


Kung pipilitin ako nito sasabay nalang ako kasi traffic na ngayong oras at mahirap na maghanap ng masasakyan.


"No, really, I insist, matapos ng ginawa sayo nitong kaibigan ko, nagulat ka pa tuloy, saan ka ba" pag pupumilit niya.


Okay let's go!


"Sa seawind" na hihiya kong sagot.


"Talaga? Dun din uwi namin lika na" aniya.


Sumakay ako sa kaniyang BMW at nagulat kung sinong nag da drive nito. Si CJ! Omg is this meant to be?


"Ito nga pala si CJ, huy bro pansinin mo huy mahiya ka naman sa ginawa mo!" ani ni aki.


"Hi" matipid na sabi ni CJ.


"Hello" kinililig kong sagot.


Sobrang traffic ang biyahe papuntang seawind kaya naman si aki tanong ng tanong at kwento ng kwento saakin. Siguro napansin niya na medyo na bored ako. Si CJ ko naman umiimik lang pag pinipilit ni aki.


"Anong grade ka na pala" tanong ni aki saakin.


"Grade 10- wait lang ha I need to take this call" sagot ko nang nakita kong tumatawag si fia.


The heartaches you causedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon