Nagulat ako sa nakita ko, si ate jam at ang boyfriend niyang si jayson na nakikipag chukchakan sa sofa.
Si Azile Jamaica Villagonza o si ate jam ay ang isa pa naming bestfriend. Mas nakakatanda siya ng apat na taon saamin ni fia, so 2nd year college na siya sa ateneo sa kursong tourism. Para narin namin siyang kapatid dahil sakanya kami tumatakbo pag may kailangan kami. Apat actually kaming mag bestfriends pero wala yung isa na si leanne dahil di siya dito naka tira, kaya tuwing summer at holidays lang namin siya nakakasama.
"Wrong timing ata tayo sis" Fia whispered.
Hindi yata nila napapansin na nandito kami kaya.....
"SANAOL!" sigaw ko na nag pagulat sa mag jowang busy sa isa't isa.
Sa sobrang gutom ko yun lang ang nasabi ko. Matapos ko silang magulat dumiretso ako sa dining table para tingnan kung may pagkain at laking tuwa ko dahil meron. May pizza at fried chicken galing shakey's at kanin.
"Anong ginagawa niyo dito? tsaka di ba kayo marunong kumatok ha?" tanong ni ate jam.
"Yah like we do that, dire diretso kaya tayong pumapasok sa unit natin ng walang katukang nagaganap" naiiritang sagot ni Fia.
"Wag kanang ma shock ha pag biglaan nalang kami papasok habang nag se-sex kayo" pang aasar ko.
"Hoi tumigil nga kayo" inis na sabi ni ate jam"Wala nanaman kay-"
"Hi kuya jayson, kamusta? Kumain na ba kayo?" pag putol ko kay ate jam.
"Okay lang naman kayo ba? Tsaka oo tapos na kaming kumain" ani ni kuya jayson.
Jayson Jacob Araneta o si kuya jayson. Sobrang bait niya saamin ni fia at siyempre sa jowa niyang si ate jam. Kaya approve siya para saamin.Lagi niya kaming dina dalhan ng pagkain, paminsan fast food, paminsan lutong bahay. Kaya di na ako magugulat kung para samin pala tong pizza at fried chicken na nasa hapag.
"Kung tapos na kayo bakit di pa nagagalaw tong pagkain dito" nagtatakang tanong ni Fia habang ako naman nagsimula nang kumain ng pizza.
"Para sa inyong dalawa yan" sagot ni kuya jayson.
"Talaga kuya? Alam mo kuya you're the best talaga di tulad ng iba jan" pagpaparinig ko kay ate jam.
Magsasalita na sana siya nang unahan siya ni kuya.
" Ang ate jam mo ang nagsabi saaking bilihan kayo dahil baka wala nanaman daw kayong makain" pagpapaliwanag ni kuya.
" Talaga oh my you're so sweet talaga" pang aasar ni Fia kay ate jam.
Umirap si ate jam tsaka lumapit saakin at kumuha narin ng pizza.
"Ano hindi ka ba kakain" naiiritang tanong ni ate jam kay Fia, agad namang tumayo si Fia at nag simulang kumain.
BINABASA MO ANG
The heartaches you caused
Teen FictionFreshmen year palang ay hulog hulog na si Jacelyn Olivia Salazar (Jacey), isang napaka mabait at positibong tao, ngunit may mahinang puso, kay Clark Jameson Andrada (CJ), isang napaka cold and mahinhin na lalake. Hindi inaasahan ni Jacey na magpapa...