Agad kong nilingon si CJ at nagulat ako nang nakatingin siya saamin na parang gulat din siya sa sinabi ng aking kapatid.
Agad kong tinulak palabas si kuya at si jace para nagsimulang mag paliwanag.
"Nawala mo phone mo?" Medjo nagagalit na tanong ni kuya.
"Ang oa niyo ha, naiwan ko sa condo yun lang yon" pagpapaliwanag ko.
Mabuti nalang at pinanuiwalaan nilang kasinungalingang sinabi ko.
Tumango silang dalawa at nagsimula nang maglakad papuntang parking lot para umuwi.
Napaka ingay ng biyahe namin pauwi dahil sa dinami raming kwento nitong si jace.
"Atsaka alam niyo achi, ahia, may magandang babae sa kabilang section na may crush daw sakin" pag kukwento ni jace.
Agad niyang tinakpan ang kanyang bibig ng na realize niya kung anong sinabi niya.
Saaming tatlo, mas strict si mommy kay jace dahil pinagbabawalan talaga itong magkajowa hanggang sa makatungtong siya ng college. Kami naman ni kuya, hindi nga kami pinag babawalan pero wala naman kaming jowa. Buti pa nga si kuya may mga nakaka fling eh ako wala talaga. Time na ba para mag hanap ako ng ibang crush? Charot.
"Isusumbong kita kay mommy!" pang aasar ni kuya.
"She's not my jowa naman eh, i was just sharing na may nag ka crush saakin. Tsaka sinabi ko bang gusto ko siya?" maarteng pagpapaliwanag ni jace.
"Pero sinabi mong maganda siya" ani ni kuya.
Natameme siya sa sinabi ni kuya.
"Ayieeeee si jace magkakajowa na, lagot kay mommy" sinabayan ko na ang pang aasar sakanya ni kuya.
Inaasar siya ni kuya habang ako naman ay kinikiliti siya hanggang sa napikon na siya.
"Sorry na boss" ani ni kuya.
Inarapan niya si kuya at nagdadabog dabog pa sa sasakyan.
"Sige pag di mo kami pinatawad isusumbong ko talaga kay mommy na may jowa kana" ani ko sa kapatid kong ma-attitude.
"It's not even true" pag susungit nito.
"Edi sige di na kami uuwi ni kuya sa bahay ever"
Napahinto siya sa sinabi ko. Close na close kaming tatlo mula nung bata pa kami kaya nung umalis kaming dalawa ni kuya sa bahay ay grabe ang pag kalungkot ni jace, kaya I always make sure na umuuwi ako tuwing weekends oh di kaya pag walang klase. Si kuya naman tuwing holidays.
Agad akong niyakap ni Jace.
"Oh sige na nga I forgive the both of you na" ani nito.
BINABASA MO ANG
The heartaches you caused
Teen FictionFreshmen year palang ay hulog hulog na si Jacelyn Olivia Salazar (Jacey), isang napaka mabait at positibong tao, ngunit may mahinang puso, kay Clark Jameson Andrada (CJ), isang napaka cold and mahinhin na lalake. Hindi inaasahan ni Jacey na magpapa...