Nagulat ako nang makita ang kuya ko.
Tatlo kaming magkakapatid, only girl at middle child ako. May mas nakakatanda akong kapatid na si kuya Joaqiun Oliver or kuya waki. At nakababatang kapatid na si Jace Carson o si Jace. Limang taon ang agwat namin ni kuya waki at dalawa naman kay Jace.
Nagulat ako dahil simula nung mag college si kuya waki ay lumipad siya patungong maynila para mag aral sa isang napaka kilalang med school, which is UP. He wanted to become a doctor because of my condition. I had a weak heart and I also had anemia.
"Kuya!" sigaw ko at tumakbo palapit sakanya para yakapin siya ng mahigpit.
"Bat di mo sinabi na uuwi ka?"
"Hindi ko rin alam na uuwi pala ako ngayon eh, may kailangan lang akong asikasuhin dito tapos babalik agad ako ng manila sa monday" pagpapaliwanag niya.
Agad akong nalungkot sa sinabi niya. Akala ko pa naman mag tatagal siya, kaya napasimangot ako at binagsak ang sarili ko sa sofa.
"Wag ka nang malungkot, uuwi naman ako kaagad malapit na moving up mo diba" pag papagaan niya saaking loob.
"So kung walang moving up, di ka uuwi?" maldita kong sagot.
Hindi siya umimik.
"Alam mo namang nag aaral ako diba? Ngayon na nga lang ako uuwi tapos inaaway mo pa ako" ani ni kuya.
Sabagay, I need to make most of the time my kuya has kaya dapat di ko siya inaaway.
"Okay fine, let's go shopping nalang. Libre mo kami ni Jace" pagsuko ko.
"Sige ba" pagsasang ayon naman ni kuya.
Umaga pa naman kaya marami pa kaming oras. At gaya nga nang sinabi ko ay pumunta kami ng mall. Kumain kami sa isang buffet, nanood ng movie, at naglaro sa arcade.
Naalala ko kailangan ko pala bumili ng mga skincare kong naubos na.
"Samahan niyo ako sa watsons" pag uutos ko
"Oh my God" napasapo si jace sa kanyang noo. "I swear it will take forever to get her out of there".
Tumawa lang si kuya at sinunod ang aking gusto. Wala nang ibang magagawa si jace kaya sumunod nalang din siya.
Nang makarating kami sa entrance ng watsons napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang napakapamilyar na lalake sa pharmacy section ng watsons.
May.Kasamang.Babae.
Sa pag kakaalam ko dalawa lang silang magkakapatid at lahat sila puros lalake. Ewan ko, I dont care, iniiwasan ko nga siya diba?
"Oh my God" napatakip ako saaking bibig.
Tumigil sa paglalakad ang dalawa kong kapatid na mag kaakbay nang mapansin nilang hindi na ako nakasunod sakanila.
Mabilis na lumakad palapit saakin si kuya at agad hinawakan ang magkabila kong balikat.
"What? Anong nangyari? Okay ka lang ba? Nahihirapan kang huminga?" Pagaalalang tanong ni kuya. Nakita ko ring nag aalala ang mukha ni jace.
Ano ba naman to napaka drama naman ng mga kapatid ko. Nahihirapan huminga agad?
Umiling ako at nagsalita. Agad naman nawala ang pag aalala sa mukha ng aking mga kapatid.
"Tara sa grocery nalang tayo, I'm sure meron din doon yung mga products na hinahanap ko" pag aaya ko.
"Shobe, andito na tayo oh, at mas sigurado akong nandito yung kung ano mang hinahanap mo, kaya tara na" ani ni kuya sabay hila saakin papasok.
Hindi ko maiwasang bantayan kung san na si CJ at yung kasama niyang babae, kaya palingon lingon ako sa paligid. Para namang buntot ang dalawa kong kapatid na sunod lang ng sunod kung saan ako pumupunta.
Nakuha ko na lahat ng pang skin care at konting make up na kailangan ko. Cotton pads nalang ang kulang. San ba kasi nakalagay ang cotton pads nila, nakaka stress mag hanap ha.
Nakita ko na ang cotton pads nang namataan kong nasa gilid ko na pala si CJ at yung babae. Nagtama ang tingin namin ni CJ pero agad akong umiwas ng tingin.
"Do you still take your meds?" tanong ni kuya.
Agad kong naalala na kailangan ko palang bumili ng gamot na naubos ko na.
"Oo naman, pero kuya naubos na yung isang gamot na tine-take ko" ani ko.
"Tara dun sa pharmacy" pag-aaya ni kuya.Sumunod naman kami ni jace sakanya.
Hay salamat! At nawala na sila sa paningin ko. Kumukulo yung dugo ko sa babaeng iyon.Nabili na namin ang gamot ko kaya kailangan nalang naming bayaran ang mga pinamili ko.
Nakapila na kami sa cashier nang makita ni jace ang sweets section at kumuha ng tatlong hershey's na cookies and cream.
"Sayo lahat yan?!" gulat na tanong ni kuya.
"Hindi tig iisa tayo, don't worry it's on me" pa cool na sagot ni jace.
"Naks naman! May pa, it's on me it's on me kapang nalalaman jan ah" pang aasar ko sabay gulo ng buhok nito.
Masaya na sana ang lahat nang pumila sa likod namin si CJ at yung babaeng kasama niya. Ano? Meant to be na meant to be ba talaga kami dahil kung nasan ako ay nandoon rin siya? At may dala pang babae ha, ano yon guest? Saka wala ba siyang balak na kalabitin man lang ako at sekretong ibalik yung cellphone ko? Nakakaloka!
At speaking of cellphone hindi ko pwede ipaalam kay kuya na naiwan yun sa kotse ni CJ dahil mag tatanong nanaman siya kung sino si ganito, ganyan. Ewan ko ba! Atsaka siya yung nagbigay ng cellphone na iyon kaya baka mag tampo pa siya sakin.
Palabas na kami ng watsons nang huminto sa paglalakad si jace at nag salita."Achi why are you using your extra phone? Nawala ba yung phone mo?" tanong ni jace.
Oh shit. Here we go.
BINABASA MO ANG
The heartaches you caused
JugendliteraturFreshmen year palang ay hulog hulog na si Jacelyn Olivia Salazar (Jacey), isang napaka mabait at positibong tao, ngunit may mahinang puso, kay Clark Jameson Andrada (CJ), isang napaka cold and mahinhin na lalake. Hindi inaasahan ni Jacey na magpapa...