Nagulat ako dahil wala man lang ate jam o fia na bumungad sakin.
"Anong oras na ba?" tanong ko kay CJ nang ilapag niya ko sa sofa.
"12:58 am" matipid niyang sagot.
San naba yung dalawang iyon? Madaling araw na at wala parin sila. Di ba sila nag aalala sakin?
"Ikaw lang ba mag-isang nakatira dito?" pagbasag niya sa katahimikan.
"Hindi dalawa kami ni fia" pagpilit kong sagot dahil pumipikit pikit na ang mga mata ko sa sobrang hilo.
"Nasaan siya ngayon?" .
"Bat ba ang dami mong tanong? Intersado kana sakin noh?" pang aasar ko sakanya.
Hindi nia 'ko sinagot kundi, inirapan niya ako. Ang attitude ha.
"Wag ka ngang feeling" sumbat niya.
"Ikaw ah lagi kang ganyan, hindi ko alam kung alam mo oh sadyang manhid ka lang. Lahat naman ng tao nakakaalam kaya imposibleng di nakarating sayo yung chismis na may gusto ako sayo. Dapat nga may loyalty award na ako dahil 4 years na kitang crush" tinakpan ko agad ang aking bibig ang tumalikod sa kanya nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko.
Gosh Jacey! You're so stupid! Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin matapos mangayari yon, kaya pinilit ko nalang ang sarili kong tumayo at pumunta saaking kwarto para mag bihis, ramdam ko namang nakasunod parin ni CJ saakin kaya hinayaan ko nalang siya. Syempre di ko siya pinapasok sa kwarto ko noh.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa cr para manghilamos. Akala ko umalis na si CJ pero nakasunod parin siya sakin. Bahala na nga siya jan!
Papasok na sana ako ng banyo ng umikot nanaman ang aking paningin at nauntog sa pader na katabi ng banyo. Matutumba na asana ako kaso inalalayan agad ako ni CJ.
"Bat di kapa umaalis?" inis kong tanong sakanya.
"Baka mapano ka" nahihiya niyang sagot.
"Sana ol concerned" ani ko.
Tinulungan niya akong mag hilamos at magsipilyo. At pag ka tapos ay agad niya naman akong inalalayan papunta sa aking kwarto.
Antok na atok na ako at wala na sa sarili, kaya di ko na alam kunng anong pinagsasabi ko.
"CJ wala ba talaga akong chance sayo?" nalulungkot kong tanong.
"We'll see" narinig kong sagot niya bago ako tuluyang maka tulog.
Ramdam ko ang pagsikat ng araw saaking mga mata.
"Hoy babaeng lasing gumising ka nga jan!" sigaw ni fia habang hinahampas hampas ako ng unan.
"Ano ba!?" naiinis kong sagot nang maka bangon.
Nakita ko si ate jam sa tabi ni fia na may nag aalalang mukha.
"Sinong naghatid sayo kagabi?" tanong ni fia.
Sino nga ba ang naghatid sa akin? Di ko na matandaan kaya pinilit kong alalahanin kung sino nga ba ang naghatid saakin.
OMG si CJ?! Si CJ ang nag hatid saakin?
"Si CJ?" sagot ko naman.
"Bat parang di ka sure?" ani ni fia.
"May nawala ba sayo?" Ani ni ate jam.
Napaisip ako kung meron nga bang nawala saakin..... Yung cellphone ko! Napatakip ako ng bibig at nagulat naman si ate jam sa aking reaksyon.
"Oo!" gulat kong sagot.
"Ano? Virginity?" natatakot na tanong ni ate jam.
"What the hell?! Hindi yung phone ko naiwan ko yata sa sasakyan ni CJ" sagot ko.
Ang dami daming pwedeng isipin ni ate jam na nawala saakin virginity pa talaga? Buti nga di ako pinagalitan ng dalawang to. Pero speaking of CJ parang may nangyari kagabi na di ko naalala kaya agad ko nanamang pinilit ang aking sarili na mas alalahanin ang mga nangyari kagabi..... agad naman akong napatkip muli saaking bibig nang matandaan ko lahat ng ginawa at sinabi ko sakanya. Tsaka "we'll see"? Anong ibig sabihin non?!
"Tawagan mo nalang kaya, sabihin mo na kukunin mo yung cellphone mo" Fia suggested.
"NO WAY!" sigaw ko sakanya.
"Galet na galet, oh eh di pano yan wala kang cellphone?" ani ni fia.
"May extra naman ako kaya okay lang" sagot ko.
Eventually, pumunta kaming tatlo sa hapag para mag almusal.
"Bat ka ba kasi uminom ha?"naiinis na tanong ni ate jam.
"I swear to God akala ko blue lemonade yung ino offer ng mga waiter, malay ko bang cocktail yun" ani ko, " At kasalanan ko bang iwan mo ko para dun sa kakilala mo?!" sumbat ko kay fia.
"Di ko na talaga kayo isasama mag party until you turn 18" ani ni ate jam.
I agree. Matapos ng lahat na nangyari sakin kagabi parang ayoko na munang pumunta ng mga party.
Nanahimik nalang kami at inubos ang aming pagkain.
"Saan kayo today?" Tanong ko sakanilang dalawa.
"San pa ba? Edi uuwi" ani ni fia.
"Sumabay nalang kayo sakin" dagdag ni ate jam.
Lahat kaming mag babarka at mag be-bestfriends ay nakatira sa iisang village which is Woodridge, kaya bata palang mag kakaibigan na kami.
Naligo na kami at nag handa para umalis. Medyo traffic ang biyahe dahil sabado at maraming tao, pero nakarating naman kami ng maayos sa village namin.
"Susunduin ko kayo bukas ah" ani ni ate jam bago ako bumaba ng sasakyan. Nauna akong bumaba dahil medyo papasok pa yung bahay nilang dalawa.
Papasok na ako ng bahay ng magulat ako sa bumungad sakin.
"SURPRISE!"
BINABASA MO ANG
The heartaches you caused
Teen FictionFreshmen year palang ay hulog hulog na si Jacelyn Olivia Salazar (Jacey), isang napaka mabait at positibong tao, ngunit may mahinang puso, kay Clark Jameson Andrada (CJ), isang napaka cold and mahinhin na lalake. Hindi inaasahan ni Jacey na magpapa...