"Ate?!" ani ni jace.Gulat naming tiningnan ni CJ si ate jam at jace bago lumabas ng elevator.
"Kayo na?" tanong ni ate jam.
"Huh?! San kaayo pupunta?" pag iiba ko ng topic.
"Sa cafe sana" sagot ni jace. "Ate boyfriend mo?"
"Uhm" hindi ako makapagsalita. "Ewan?"
CJ was quiet the whole time, nagsalita nalang siya nang paalis na siya.
"I need to go, mauna na ako" pag papaalam niya.
Nginitian niya kami bago sumakay uli sa elevator.
Ate jam and jace gave me a suspicious look at nakahalukipkip pa.
"What?" ani ko.
"Matapos niyong mag kis-"
"Tara na sa cafe!" pagputol ko kay ate jam bago sila tinulak pasakay ng elevator.
"Hindi ka susunduin ni mommy?" tanong ko.
"Kaya nga tayo nandito dahil dito ko hihintayin si mommy" sagot niya.
Kumain kami sa cafe habang naghihintay kay mommy.
Nang makarating na ang sasakyan ni mommy agad na pumasok si jace at nag paalam saamin ni ate jam. Nag mano kami nni ate jam at kiniss si mommy sa cheeks.
"Kamusta ka achi?" ani ni mommy saakin.
"Okay lang naman my" ani ko.
"Huwag mong kalimutan inumin yung mga gamot mo ha, tsaka mag aral kayo ng mabuti lalo na ikaw jam"
"Yes po tita" ani ni ate jam.
"Oh siya, mauna na kami mag ingat kayo palagi ha" pagpapaalam ni mommy bago tuluyang umalis.
Pabalik na kami ni ate jam sa unit at hindi niya parin ako tinitigilan asarin dahil sa nakita niya kanina.
"Nasa taas na ba si fia?" tanong ko.
"Parang, bakit?"
"Iniwan ako ng gaga, bwiset! Kaya kami mag kasama ni CJ" pagsasambit ko.
"Pero aminin ginusto mo rin yon" pang aasar saakin ni ate jam, habang kinukurot kurot ako.
Di ko na siya pinansin hanggang sa makarating kami sa unit.
"Hi guys" ani ni fia. Aakmang tatakbo na sana siya sa kwarto niya nang mahagip ko ang buhok niya saka nhinila ito. "Aray ko naman!!"
"Kasalanan ko bang iwan mo ako?" pag mamaldita ko sakanya.
"Hindi ko naman plano iyon ah" ani niya, " Si anci! Si anci ang may pakana ng lahat!"
"Ano? Ano namang kinalaman ni anci dito?"
"Sabi niya iwan daw kita, kasi for sure isasabay ka nanaman daw ni CJ" pagpapaliwanag niya, " Yun naman ang nagyari diba?"
"Nye nye" ani ko.
Monday na bukas kaya balik nanaman kami sa pag aaral.

BINABASA MO ANG
The heartaches you caused
Teen FictionFreshmen year palang ay hulog hulog na si Jacelyn Olivia Salazar (Jacey), isang napaka mabait at positibong tao, ngunit may mahinang puso, kay Clark Jameson Andrada (CJ), isang napaka cold and mahinhin na lalake. Hindi inaasahan ni Jacey na magpapa...