Chapter 11

59 4 1
                                    

"OMG! Bakit kayo magkasama? Kayo na ba?" naiintrigang tanong ni fia.


Agad naming tiningnan ang isa't isa ni CJ at binalik ang tingin kay fia tsaka sabay umiling.


"Gaga hinatid lang ako ni CJ, diba?" sabay lingon ko sakanya.


"Oo" ani ni CJ.


Papasok na sana ako nang nagsalita muli si fia.


"Huy di mo ba papapasukin bebelabs mo?" tanong ni fia.


Siniko ko si fia.



Magsasalita na sana ako ulit nang inunahan ako ni CJ. Bakit ba lagi nila akong inuunahan? Ha?


"Ah, hindi na, mauna na ako, may gagawin pa kase ako" pagpapaalam niya.


"Aw okay" ani ni fia.


Umalis na si CJ at pumasok na kami ni fia sa unit.


"Bebelabs mo nga"


"Huh?"


"Sinagot niya yung tanong ko eh"


Inirapan ko nalang si Fia.


"Anong susuutin mo sa party ni tanya?" tanong ni fia habang kumakain kami.


OMG i totally forgot na kailan ko pa pala bumili ng damit para sa party ni tanya this saturday. Shit!


Naging classmate namin si tanya noong freshmen at sophomore year pero nagkahiwalay kami noong junior year dahil iniba iba ulit ang mga estudyante sa lahat ng sections.


"Formal yun diba?"



"Oo, actually ayaw ni tanya ng formal at engrande na party, pero minsan lang kasi nakakauwi yung parents niya galing abroad kaya ayun ginawa nilang engrande" pagpapaliwanag ni fia.


"Pano yung debut niya?"


"Tanya's a year younger than us right? So basically sweet sixteen niya palang" ani ni fia.


Tama nga pala.


"Idk, dress maybe?" hindi siguradong sagot ko. "Samahan mo akong bumili please"


"Kelan ka ba bibili? Titingnan ko kung available ako, busy pa kaming mga student head sa intrams eh" ani ni fia.


"Bukas or sa Friday"



"I'm sorry bebe, hindi ako pwede that day eh" nalulungkot na sabi ni fia.


Sinimangutan ko siya at nag isip ng ibang kaibigang pwede akong samahan.


"Sige maghahanap nalang ako ng pwedeng sumama sakin" ani ko.


Tumango lang si fia.


Matapos naming kumain ay nag handa na akong matulog.


Kinabukasan ay pumasok kami sa school. Natapos na lang ang araw kakahanap ko ng pwedeng sumama saakin bumili ng damit, pero ni isa wala. I guess i'm going alone.


Last day na ng intrams namin at in-announce na ang overall winner. Di man nanalo ang aming department ay okay lang dahil mataas naman ang ranking namin at marami ring natanggap na awards.


The heartaches you causedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon