Chapter 10

125 7 2
                                    

Chapter 10

Reservation

Gusto kong bumalik ulit at bawiin ang pinagsasabi ko. But I can't, I'm sure he really want to get rid of me. Kung bakit naman kasi sumama pa ako kay Julian! Pero hindi ko naman dapat sisihin ito, after all kung hindi dahil sa ulan ay malamang maaga kaming nakabalik at hindi nagalit si Andro. Eh sana, hindi ko pinoproblema kung saan ako ngayon pupunta!

Mabibilis ang mga hakbang ko at gustong itago ang sarili lalo na't napapansin ko ang iilang matang nakatingin sa akin tuwing napapadaan ako sa iilang kabahayan. I want to cry in so much frustration. Paano na ako ngayon? I don't have everything, even a single penny. How will I contact my secretary or my parents about what's happening to me?

In the middle of the street, I look so lost while watching the vehicles coming to and fro. Panay ang baling sa akin ng mga tao habang naglalakad sa gitna ng malawak na kalsada at ramdam ko na ang malamig na simoy ng hangin dahil sa nagbabantang ulan.

Maya't-maya ang lingon ko sa magkabilang gilid at tinatabon ang medyo may kahabaang buhok sa parte ng aking bibig para hindi ako mamukhaan.

Ilang saglit lang, naramdaman ko na ang mahihinang patak ng ulan. Napapikit ako sa sobrang kamalasan. Why now? I know I'm not a kind person but, really? Grabe naman sigurong parusa 'to!

Suddenly, I heard a truck that stopped behind me. Nang tingnan ko ang karga ay puno ito ng mga mais. Binaba ng driver nito ang bintana ng sasakyan at binuksan ng bahagya ang pintuan.

Ngumiti sa akin ang lalaking driver na may katandaan na. Suot niya ang itim na t-shirt at maruming maong pants.

"Saan ka papunta hija? Mukhang uulan nang malakas. Sakay na," mabait siyang tingnan, actually. Kaya lang, nagdadalawang-isip ako sa kanyang offer. I've already encountered death and miraculously, I'm still alive. Ngayon, dahil sa karanasan ay nahihirapan na akong magtiwala sa kung sinu-sino.

"Ah, manong... h'wag na po!"

"Sige na hija! Hindi naman ako masamang tao, kung iyon ang inaalala mo."

Ngayon, mas lalong ayaw kong sumakay. I stepped backwards and waved both of my hands. "No, I'm sorry po. I don't think I can accept your offer."

"Sa may bayan ka ba papunta? Doon din ako...ihahatid ko lang 'to sa suki ko."

I smiled uncomfortably. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko?

Nararamdaman kong unti-unting lumalakas ang buhos ng ulan at mahapdi ito kapag tumatama sa balat. I used my hands to cover my head but its damn useless. Mukhang nawalan na ng pasensya ang matanda sa pang-aalok ng sakay kaya sinara na lang nito ang pinto ng truck.

Nang tumingin sa unahan, halos hindi ko na maaninag ang kalsada dahil sa matinding ulan. Basang-basa na rin ako at giniginaw.

"Hindi ka ba talaga sasabay?" pasigaw na ng tanong ng matanda dahil hindi na magkarinigan sa ingay ng ulan.

Hindi ako makasagot. I have nowhere to go. Wala akong kakilala maliban kina Nay Rosa na wala naman dito sa isla. But there's Julian!

No, I don't want to see him either. I'm already cutting my ties to them. Seeing him just reminds me of that Hortellano.

The old man started the ignition of the truck. Mabilis ko siyang pinigilan nang magtangkang paandarin na nga ito.

Bahala na. I've escaped death before. Kung may masama mang balak ang matandang 'to, hindi ko siya hahayaan. Besides, he's old. I bet he couldn't even stand if I'll punch him in his gut.

Okay, I'll trust my instinct. It's now or never!

Mabilis akong umikot sa kabila at binuksan ang pinto. Kinabahan ako nang magsimula nang paandarin ni manong ang truck. Mahigpit ang kapit ko sa mga tuhod dahil sa kaba nang nakitang sobrang labo talaga ng daan dahil sa malakas na ulan. Baka maaksidente pa kami at tuluyan na talaga akong mamatay!

Gone Into the Deep (Hortellano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon