Chapter 6

159 8 5
                                    

Chapter 6

Lips

Nilapag niya ang naluto nang ham at scrambled egg sa mesa. May kinuha siyang tinapay sa isang kabinet saka binuksan ang fridge. Nilabas niya ang kahon ng fresh milk at nagsalin sa dalawang baso bago nilagay ang isa sa akin habang patuloy ko pa rin siyang tinitingnan sa ginagawa.

"Where's Nay Rosa?" Masakit pa rin ang ilong ko at para akong ngongo habang nagsasalita.

"Wala si Nay Rosa tuwing Linggo." He replied stifling a laugh. Naiirita talaga ako.

Umalis siya saglit para magbihis kaya sinamantala ko ang pagkakataon at sinimulang kainin ang niluto niya. This time, I double checked the bread. Kung bakit ba kasi hindi niya na tinapon iyong tinapay, expired na pala!

Binilisan ko ang pagkain nang mapansing paparating na siya. I immediately stood up and went to the sink to put my plates. Saktong pumasok siya sa kusina. Narinig ko ang paghila niya sa upuan, malamang nagsimula nang kumain.

After I washed my hands, I left my plates in the sink. Napansin niya iyon kay tinaasan niya ako ng kilay. He is now wearing his white t-shirt and faded jeans. I can also smell his aftershave from where I'm standing. Bilis niyang maligo ha.

"Ano, ako pahuhugasin mo?"

Hindi ko rin siya inurungan at pinagkrus ang magkabila kong braso habang tinataas ko rin ang kaliwang kilay.

"No... Ano, maghuhugas na ako eh kumakain ka pa," palusot ko. I have to remember, I'll ask him if I can stay here for the meantime. Magtitimpi lang muna ako.

"I have to save water, you know." dagdag ko pa.

Iniwan ko siya roon at pumunta sa living room. I forgot that the TV is turned on. I continued watching even though my mind is wandering. It's almost twelve hours, yet Bianca didn't even called me. Ano kayang pinaggagawa noon? May progress na kaya ang ipinautos ko?

Sumungaw si Andro at tinawag ako. What? Hindi ba pwedeng hayaan niya muna riyan ang mga pinggan? I'm saving water, I'll wash those dishes later after dinner.

Nang hindi pa rin ako tumayo ay binalikan niya ulit ako.

"Tapos na ako." So?

Wala akong nagawa kundi pumasok sa kusina. Ilang minuto na akong nakatayo habang pinagmamasdan ang mga hugasin. Hindi ko alam ano ang gagawin. Ano bang dapat unahin?

"Hugasan mo na. Ano, nagdadasal ka pa?"

Inismiran ko siya at isa-isang sinimulang banlawan ang mga pinggan. I saw a sponge and dipped the soap. Alam kong binabantayan niya ako sa ginagawa dahil ramdam ko ang kanyang mga tingin kahit nakatalikod ako sa kanya. Busy na siya ngayon sa laptop habang patuloy pa rin ako sa paghuhugas.

I suddenly thought of Bianca. Anong petsa na, wala pa ring tawag mula sa kanya.

"Did my secretary called?" Hindi ko na mapigilang magtanong sa kanya.

His phone chimed. Hindi niya agad ako nasagot dahil nabaling ang atensyon doon.

"Hello?"

Pinakinggan ko lang siya habang sinasagot ang tawag. Malapit na akong matapos sa paghuhugas at mabuti na lang ay wala pa akong nababasag na pinggan. Thank goodness!

"Yes she's here." Naramdaman ko ang paglapit ni Andro sa akin at nilahad ang hawak na cellphone. Is that Bianca?

Mabilis kong pinunas ang basa kong mga kamay sa aking t-shirt. Nakita ko kung paano sumunod ang tingin niya roon. Kinuha ko kaagad ang cellphone sa kamay niya at mabilis na sinagot.

Gone Into the Deep (Hortellano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon